Chapter 1

8.8K 111 2
                                    


Chapter One

I opened my eyes as the alarm clock started ringing a few minutes ago. I looked at it and it stated that it is 4:30 am in the morning. I first stretched my arms at saka pumunta sa windows para buksan iyon just to get the sunlight inside our room.

The light immediately lit the whole room. I stared at the sun that is shining brightly but its not yet so bright that can irritate our skin or our eyes. It's the kind of brightness that you want to see all day long kasi yun ang nakakapag pagaan ng umaga talaga eh. Yung para bang gugustuhin mong magtrabaho ng maaga dahil sa ganda ng araw.

I sighed as thoughts rushed to fill my mind. Panibagong araw na naman para harapin ang lupit ng buhay.

It will be a long day ahead but as usual, I am always ready to face it because I know that God will always guide me in every step of my life. Ganyan naman talaga diba? You just have to face everything and bahala na siguro ang diyos kung bibigyan niya ba ako ng lakas para malampasan 'yon. I just have to be strong. I smiled and started a prayer for this day. I did the sign of the cross and offered my prayer. Kahit naman na kung ano pa man ang kinakaharap mong problema, pag nag pray ka, gagaan lahat at parang wala kang iindahing problema.

I opened my eyes after I prayed at saka nakita yung dalawang chikiting na naging dahilan kung bakit naging mas maganda ang aking buhay. They smiled sweetly at me. Hinawakan nila yung mukha ko and caressed it. Kids can really give you sunshines, ano?

"Mama, did you pray?" my eldest asked me. Tumango ako at napatawa dahil he really looked so curious kasi yung mata niya ay parang nagde-demand talaga na sagutin ko siya.

"Nag pray din kami Mama!" masiglang sabi naman ng bunso kong anak. I smiled, a sweet smile na sa anak ko lang talaga ibinibigay. I looked at them both while they settled themselves beside me.

Hindi ko namalayan na gising na pala yung mga anak ko. Nasa iisang kwarto lang kami, gusto ko nga na may kwarto sila pero dahil sa maliit lang yung bahay na naipundar ko for how many years, hindi ko sila mabigyan ng kani-kanilang kwarto at dito lang talaga sila natutulog sa tabi ko. Although malaki naman ang nabili kong kama, still I want them to have their own rooms.

That would be better for them so they could have their privacy.

Hindi naman sa gusto kong mahiwalay ng kwarto ang mga anak ko but I want them to be learn independence. I want them to experience in an early age na matulog sa kanilang kwarto because they deserve to have their own space and privacy kasi lumalaki na din sila. Kahit na gusto ko silang bigyan, I couldn't risk it. Sakto lang yung naipon ko para sa pag-aaral nila at baka din may mga emergencies 'din na kakailanganin ng malaking gastos kaya habang kaya pa naman, hindi ko muna gagalawin talaga ang naipon ko.

"Did you thank God for this day, baby?" tanong ko sa bunso kong anak and he nodded cutely. I laughed and kissed his cheek. Pinanggigilan ko pa yung bunso ko dahil sa cuteness nito.

Napatawa naman ito nang pupugin ko siya ng mga halik.

"What about me Mama, do I get a kiss from you too?" sabi ng panganay ko while pouting his lips at nakatingin sa akin.

"Of course! My baby boys deserve to have unlimited kisses from Mama!" sabi ko at saka ko hinalikan ang panganay kong anak.

"Me too! I want an unli kiss too!" panay sabi ng bunso ko and I smiled at how cute my babies are.

I kissed them both kaya naman tumawa sila. I spent an hour cuddling with my babies and playing with them. This is what I am thankful everyday. God gave me blessings. God gave me things that surprises me but at the same time it makes me happy and these two are a gift that I cannot afford to lose or be taken away from me.

SelflessWhere stories live. Discover now