Chapter 2

4.6K 93 5
                                    


Chapter Two

Binati ko yung guard at ang receptionist sa building na pinagtatrabahuhan ko pagkatapos ay Pumunta kaagad ako sa cleaning room because I'm working as a janitor here for a long time now. It has been a struggle finding jobs left and right but this company was the only one who accepted me even if it was for the obvious reasons.

Nang makapasok na ako sa room, nilagay ko kaagad yung mga gamit ko sa locker pagkatapos ay kinuha ko yung mop at sinuot yung gloves. Kumuha ako ng detergent at tubig saka nilagay iyon sa isang tilt truck tapos nilagay ko doon yung mga gamit na kakailanganin ko. I usually clean from the ground floor up to the 6th floor at yung iba ko nang mga kasama ang maglilinis sa upper floors.

Okay lang din naman sa akin because I am obviously not allowed to go to the top floors for obvious reasons again. Hindi ko 'din naman gusto na maglinis ako doon kasi mas malaki ang lilinisin 'don kesa sa lower floors.

Sumakay ako ng elevator dahil this day was unusual. Kadalasan kasi talaga ang mauuna akong maglinis sa ground tapos pababa pero ngayon ay nakautos sa akin ay magsimula akong maglinis sa third floor ng building. Itinali ko yung buhok ko at saka naghintay na umabot sa third floor. Nag 'ting' naman ito hudyat na nasa tamang palapag na ako.

Binati ako ng mga empleyado sa palapag na ito. Nginitian ko sila at ganoon din naman sila sa akin. Nagsimula na akong maglinis, kinuha ko yung cleaning solutions at saka yung mop.

Nagmo-mop lang ako hanggang sa kaunti na lang ang tatapusin ko; hindi ko pala namalayan ang oras! Nang nasa banda na akong kung saan malapit na akong matapos nang may bigla na lang dumaan. Her heels are making a noise as it hits the tiled floor. The footprint of his heels stained the already cleaned tiled floor kaya inangat ko yung ulo ko para makita ko kung sino yung walang modo na tumapak nalang ng basta-basta sa nililinisan pa na tiles pero agad ko din namang binaba nang makita ko kung sino 'yon.

It was one of the executives of this company. Actually, ilang beses na din siyang na reklamo but I guess she's one of those people that got a big share in this company kaya wala na lang sumisita sa kanya unless it was the company's CEO.

She stopped a few steps away from me when she noticed that I lifted my head.

Arogante siyang napataas ng kilay at saka tiningan ako mula ulo hanggang paa. Ngumiti na lang ako at pinag-sawalang bahala ko nalang 'yon saka ipinagpatuloy ang paglilinis ko. Nilinis ko ulit yung mga dinaanan niya pero napatigil na lang ako ng madampian ng mop ko yung sapatos niya.

'Damn! Bakit siya pa talaga, Pia?! Do you have a death wish?'

Akala ko naman kasi umalis na siya kaya hindi ko namalayan na nadampian ko na ng maduming mop ang sapatos niya. I stopped saka umalis sa harapan niya para humingi ng paumanhin.

"Madam, pasensya na po." nakayuko kong sabi. Inangat ko yung ulo ko para tingnan ang reaksiyon niya at napangiwi na lang ako ng makita ang mukha niyang nag-aalburoto sa galit.

"Come here, you piece of shit!" sigaw niya sa akin kahit ang lapit lapit ko lang naman sa kanya.

Sinunod ko naman yung utos niya. Lumapit ako sa kanya at sa hindi inaasahan ay hinawakan niya yung panga ko. Napaigtad ako dahil sa mataas siya ng konti sa akin dahilan na naka heels din siya. Tiningnan ko siya na may bahid ng lubos na pagsisisi dahil sa nagawa ko.

Ngunit parang mas nagalit lamang siya sa ginawa ko at sinampal ako ng pag kalakas-lakas dahilan para matumba ako sa sahig habang hawak-hawak ang parte ng pisngi ko kung saan niya ako sinampal.

"Kapal ng mukha mong bahidan ng nakakadiri mong mop ang mamahalin kong sapatos!" sigaw niya sa akin at saka ako pinatid sa tagiliran.

Marami na ang nakiusyoso dahil sa ginawa niya sa akin. Tumahimik na lang din ako dahil wala din naming saysay kapag lumaban ako. Baka ako pa nga ang mademanda kung sakaling lalaban ako. Saka pa, na agrabyado na din yung dignidad ko. I was physically harassed but no one would help me because they're probably too afraid to lose their job too and that's fine... sometimes we need to blind ourselves from the deeds of the oppressor just so you won't become a victim too.

SelflessWhere stories live. Discover now