XXVI:Take Care

1.8K 64 0
                                    

Kheana's POV

  "Aish,bakit ba ang bigat mo?" inis kong tanong ko sa kanya pagkalabas namin ng elevator papunta sa unit nya.

"Sino bang may sabi sayong tulungan mo ko?" tanong nya saken.

Ahh ganon,inalis ko ang kamay nya sa balikat ko kaya agad syang natumba.

"ANO BA? MASAKET YUN AH!" sigaw nya saken. Ikaw kasi eh.

"Sabi mo hindi mo kailangan ng tulong ko. Sige nga pumunta ka ng unit mo mag-isa." sabi ko sa kanya at nag cross arms pa.

"Fine,kailangan ko ng tulong mo. Now...itayo mo na ako dito." sabi nya saken sabay taas ng kamay.

Kinuha ko naman yun at inilagay ulit sa balikat ko.

"Arte neto." sabi ko sa kanya.

Nakarating na kami sa unit nya at inabot nya saken yung susi nya. Binuksan ko na ang pinto at diretso na kami sa sala para makaupo na sya.

"Aish,ambigat mo." sabi ko habang hawak hawak ang balikat ko.

"Kulit mo ehh.."sabi nya. Ano na naman bang ginawa ko? Sya na nga ang tinulungan eh.

Umupo ako sa tabi nya kaya napakunot noo sya. May masama ba?

  "Bakit di ka pa umaalis?" tanong nya saken. So,gusto nya pala akong paalisin.

Tsk..tsk...ambad nya talaga.

-------------
Aiden's POV

  Umupo sya sa tabi ko.

Aba,Wala bang balak umuwi tong babaeng to?

  "Bakit di ka pa umaalis?" tanong ko sa kanya.

"Gusto mo na akong umalis?" tanong nya habang naka-puppy eyes pa. Edi sya na ngang cute.

"May balak ka ba?" tanong ko ulit sa kanya.

"Wala,alam na naman ni Kim na nandito ako eh" sabi nya at tumayo na parang may hinahanap.

"Anong hinahanap mo?" tanong ko sa kanya.

"Yung first aid kit mo." sagot naman nya.

"Hindi na kailangan,manahimik ka na lang dyan sa isang tabi." sabi ko sa kanya at sinandal ang ulo ko sa sala.

Grabee,ang saket ng katawan ko!

"Hindi ko kayang tumunganga lang habang ikaw sobrang sakit na ng katawan mo." sabi nya. "Asan ba kasi para magamot na yang sugat mo?" tanong nya ulit.

"Nasa cabinet na yun" sabi ko at tinuro ang cabinet sa tabi ng ref.

Agad nya yung kinuha. Kumuha rin sya ng isang towel at mga ice cubes.

"Umupo ka ng ayos para maayos din yung paglilinis ko ng sugat mo." sabi nya at umayos naman ako. Bakit ba napaka-bossy ng isang to ngayon?

"ARAAYY! DAHAN DAHAN NAMAN!" sigaw ko sa kanya. Kung makadapo naman yung bulak nya sa sugat ko napakadiin.

"Wag ka ng magreklamo. Anong gusto mo? Gumaling yang sugat mo o mamilipit ka sa saket?" tanong nya saken at pinagpatuloy ang ginagawa nya.

Hindi na ako nakaimik,mahirap makipagtalo sa isang to. Sayang lang yung laway ko.

"Sino ba yung mga yun?" tanong nya saken.

Akala ko ba kilala neto?

"Akala ko ba kilala mo?" takang tanong ko sa kanya.

"Hindi ahh,joke lang yung kanina. Akala ko kasi mapapa-alis ko sila eh!" sagot nya. May pagkasaltik din tong babaeng to eh.

"Sabi nila,dati ko daw silang binhubully kaya ginantihan nila ako." paliwanag ko sa kanya.

Princess In DisguiseDove le storie prendono vita. Scoprilo ora