Special Chapter

977 23 2
                                    

As many of you requested, here's an Alternative Ending for Princess In Disguise. Sorry kung natagalan, 2 years to be exact, to make a special chapter like this. But since PID already reached 100K reads and because it's my birthday today, just consider this as a treat :))

Happy Reading!

*Read the A/N at the end*

• • •

3 Years Later...

"Kheana, wake up!"

June 9, 2020...3 years to be exact simula ng magising si Kheana. Ito na yata ang pinakamatinding pagsubok na hinarap niya, maging ang pamilya at mga kaibigan niya. Lalo na ni Aiden.

Matapos ang matagumpay na operasyon at ang apat na buwan niyang pagiging comatose, nagising ng muli ang Prinsesa.

Nagdiwang ang lahat. Ang buong bansa maging ang kalangitan ay natuwa sa paggising niya.

Tatlong taon ang nakaraan at sobrang daming pagbabago. Si Althea, nakapagtapos ng college at isa ng sikat na model sa buong Asia at kasalukuyang kasintahan ni Kim. Oo, ang loyal na butler ni Kheana na si Butler Kim.

Si Stephen na walang ibang inisip kundi mga kalokohan, nakapag-asawa na at mayroon ng isang anak. May-ari na rin siya ng isang sikat na Food Corp. sa bansa.

Si Kenneth naman na isa rin sa nabihag ni Kheana, isa ng sikat na piloto. Halos nalibot na niya ang buong mundo at kakaengage lang din last month.

Si Aiden? Ang sikat na playboy at bully noon, isa ng CEO ng kumpanyang siya mismo ang nagtayo. Nagtayo siya ng isang publishing company na kalaunan ay umunlad dahil sa sikat na mga storya at manunulat na mayroon siya.

Isa sa dahilan kung bakit Publishing company ang itinayo niya ay si Kheana. She loves reading books, especially manga's.

Si Mandy? Or should we say Kheana? Siya na ang tatayong bagong Reyna ng bansa.

Paano?

2 Years Ago

Kheana's POV

"Kailangan mo ba talagang umuwi?"

Panglabing isang tanong na yata ni Aiden saken 'to. Paulit-ulit na lang ha!

"Oo nga. May importante raw kaming pag-uusapan nina Mama." At panglabing isang sagot ko na yata 'to sa kanya.

"Ihh, paano kung hindi ka na pala pabalikin? Paano kung hindi ka na payagang makalabas ng palasyo? Paano kung--" agad kong nilagay sa tapat ng bibig niya ang daliri ko.

"Aiden?" Tawag ko sa kanya bago alisin ang daliri ko at ilagay sa dalawang balikat niya ang dalawang kamay ko.

"Hmm?"

"Anong nakain mo ngayon? Bakit ang praning mo? May masakit ba sa boyfriend ko? Ilabas mo ang totoong Aiden!" Inalog alog ko ang balikat niya at agad naman siyang umangal.

Hinawakan niya ang kamay ko para pigilan ako sa pag-alog sa kanya.

"Seryoso ako Kheana." Saad niya habang seryosong nakatingin saken.

Princess In DisguiseDove le storie prendono vita. Scoprilo ora