Chapter 39:Illegal Battle ( Part 1 )

2.5K 38 0
                                    


Vash POV

Nandito na kaming lahat sa loob ng abandoned building kagaya ng napag- usapan.Katatapos ko lang i- assemble ang baril ko ng dumating sina Skhai ,ang leader ng Gang na XBang!

Napatingin ako sa mga kasamahan nya.What the-------.Bat ang dami nila? Isang gang lang talaga ba sila? Lintik nasa 50 + sila samantalang kami ay siyam lang.(Ako,Aux,Vyd,Klein,Jacob,Spade, Zuki at Harry)

Nakangising lumapit sa akin si Skhai...mukhang kumpyansang- kumpyansa siya na sila ang mananalo ngayon sa Illegal battle.

"Ano simulan na natin?"nakangise paring tanong ni Skhai ng makalapit siya sa kin.

"Simulan na!"tipid kong sagot.

*bang*
*bang*

Kasabay ng pagputok ng dalawang baril namin ay ang hudyat nang paguumpisa ng illegal battle.

Inilabas ko ang dalawa kong Ares Shrike( isang light machine gun) at pinaputukan ang ibang mga kasamahan ni Skhai.Pag sinabi kasing Illegal battle ay pwede kang gumamit ng kahit anong armas.Kailangan mo ding pumatay kung ayaw mong ikaw ang paglamayan.

Kinuha ko naman ang dala kong striffle knife tsaka hinagis sa limang lalaking susugod sana sa kin.

Naramdaman kong may patalim na nakadiin sa bandang likuran ng leeg ko.Nagbilang muna ako ng dalawa bago kumilos .

Isa....

Dalawa...
.
.
.
.Mabilis akong umikot at itinurok ang katana ko sa leeg nya.Nakahinga ako ng maluwag ng lima nalang silang natira sa Xbang except kay Skhai na prenteng- prenteng nakaupo habang pinapanood kami.Mukhang kampanteng- kampante talaga sya.

*beep*

Napalingon ako sa dalawang sasakyan na dunating.Lumabas mula  doon ang mahigit 20 ka- tao.Napamura ako tsaka tiningnan ng masama si Skhai na nakangise ng mala- demonyo.

Damn!

Mukhang plinano talaga nila toh.

"Nandaya kayo!"galit kong sabi kay Skhai.

"Tsk.Hindi ko inakalang may pagka- tanga ka pala Lerwick! Akalain mo kumagat pala kayo sa patibong nato!"nakangiseng sabi ni Skhai.

"Sinong nag- utos sa inyo?"tanong ko dahil malakas ang kutob ko na may isang tao na nasa likod ng Illegal battle na ito.

"Inutusan kamii ng Read Gang kapalit ng sampung Milyon!"

Napa- iling nalang ako sa naging sagot ni Skhai.Ang dami na talagang nasisilaw sa pera ngayon.

"Tapusin na natin toh"

Sinulong ko si Skhai bitbit ang katana ko pero bwisit naka- ilag siya.

Tiningnan ko ang ibang kasamahan kong may mga tama ng baril pero patuloy parin sa pakikipag- Laban.

Shit!

Isa lang itong patibong ng Read Gang na pinamumunuan ni Nico Jay Liang
at na- trap kami.

Lady Mask POV

Kanina pa ako nandito sa 2nd floor ng abandoned building at pinapanood sila Lerwick na nakikipag- laban sa Xbang.

Naikuyom ko ang kamao ko ng makita kong pinalibutan ng sampung lalaki si Lerwick habang nakikipaglaban pa ito kay Skhai.Mukhang kailangan na ata nila ang tulong ko.

Tatalon na sana ako papuntang Ground floor ng may nagsalita sa likuran ko.

"At saan ka naman pupunta,Lady Mask?"

Mabilis kong hinablot ang dagger ko atsaka itinapon sa kanya.

Paglingon ko......shoot! Tulog na si Kuya.

Nakaramdam ako ng kakaibang presensya kaya hinanda ko na ang sarili ko.Unti-unti akong lumingon at tumambad sa kin ang trente ka mga lalaki.

Pinalibutan nila ako.Ang iba may dalang baril,katana,dagger at iba pang seductive weapons. Bwisit! Mukhang alam talaga nila na dadating ako.

Kukunin ko sana ang katana ko kaso may humawak sa kamay ko.Mabilis ko siyang hinarap kaya ayun knock out si kuya.May lumapit sa king lalaki na may bitbit na lighter.

At nakangise pa talaga.Tsk! Akala nya naman ikaka- gwapo nya yan o di kaya ikaka- unlad ng ekonomiya.

"Kawawa ka naman,Lady Mask! Mukhang ito na ata ang huling araw mo...."sarcastic nyang sabi.

Luminga muna sya sa paligid.

"Sa dami ba naman ng gasul na nakapalibot sayo...siguradong magiging letchon ka neto pagkatapos"natatawang sabi nya.

Tumingin ako sa buong paligid.Ngayon ko lang napansin na pinapalibutan pala kami ng gasul.

Hindi ko mapigilang hindi mapangise dahil sa pumasok na ideya sa utak ko.

"Gusto nyong makakita ng magic?" tanong ko sa kanila na ikana- kunot ng kanilang mga kilay.

"Pagbilang ko ng tatlo,gagawa ako ng liwanag!" dagdag ko.

Napa- iling nalang sila.

"Tsk! .....slow"mahinang bulong ko.

Nung nag- ilaw na yung lighter na hawak nung lalaki ay agad kong binunot ang katana ko tsaka tumalon.

Isa..

Dalawa....

Tatlo......

Sakto namang tumama yung lighter sa gasul pagka- talon ko.

"Fool goons of bastards"I uttered.

Tsaka ako tumalon patungong Ground floor.

Rinig na rinig ko pa ang mga hiyawan nila pero tsk! I don't give a shit!

WHEN MR.DEVIL MEETS MS. INNOCENTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon