Chapter 50:The Mystery behind the Six Rings

2.3K 38 1
                                    

Maxxine's POV

Pagkaalis ko sa hideout ng Seagails ay wala na akong sinayang na oras pa,agad akong dumiretso sa Mansion at pumasok sa Monitoring Room.

In- enter ko ang file at tinaype ang password.

A-L-L-I-S-O-N

Pag- enter ko sa Password ay isa- isang lumabas ang tatlong folder.

Binuksan ko yung una.

Picture ko lahat noong nasa Japan pa ako,sa Airport,yung sa Auction Party,sa loob ng Mansion at sa hideout ng Seagails.

Ini- stalk pala talaga ako ng Seagails.

Binuksan ko ang pangalawang folder,mga picture ni Ani na nakagapos at walang malay,ito yung mga pictures na nakita ko sa box kahapon.

Pagbukas ko sa ikatlong folder ay bumungad sa akin ang picture ng isang lalaki.

Hindi ko makita ang mukha nya pero yung dibdib niya ay may tattoo na HUNTER .

Sunod naman ay ang isang babae na may tattoo na HALO sa bandang dibdib.

Then isang tattoo na may nakasulat na SHADOW sa batok ng isang lalaki.

May isang babae rin na may tattoo na DARK sa batok.

At huli ,Isang babae na naka- mask na may tattoo na DEATH QUEEN sa may bewang.Dare me kung magkamali ako pero sigurado akong ito ay si Allison.

Hindi ko makita ang mga mukha nila.

INI- scroll ko ulit ang mga pictures hanggang sa may mapansin akong weirdo.

Six Rings........pero bakit Lima lang sila?

Pero napangise ako ng mapansin ko ang suot nila.Pareho sila ng school uniform.

Epseyeon. High!

Mukhang mag- aaral na naman ako.Tsk!

WHEN MR.DEVIL MEETS MS. INNOCENTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon