Prolouge

7.1K 177 31
                                    

Naglalakad ako nang may pumana sa akin, buti naka at naka-ilag ako.  Tumagos ito at tumama sa puno. Nilapitan ko ang punong iyon, nakita ko sa gitna ng pana may isang puting envelope. Kinuha ko iyon at nakita ko sa buksanan nito na may isang logong parang letrang S na may korona sa tuktok.

Inalis ko sa pagkaka usli ang pana para makuha ang letter. Nang makuha ko ang letter ay agad kong binuksan ang letter hindi ko alam kung anong tumukso sa akin para bukasan iyon.

''Your one of us no there's no turning back now, go to the park tonight at 7 o'clock if you want to know what I mean, if you didn't come you will die we will chased you until we finally kill you, don't try to tell to your parents or other people except your true friends, if you try to say this to them they will die.''

                        -Spring

Binitawan ko ang sulat na iyon, napatingin ako sa paligid ko tanging ako lang ang andito walang tao. Ni sasakyan man na dumaan ay wala, tumakbo ako ng tumakbo kahit hindi ko alam ang dahilan ng pagtakbo ko hangang sa may nakabanga ako. Napaupo ako sa simentong daan, naramdaman ko ang sakit sa aking pwet. Nagulat ako nang may umalay ng kamay para maitayo ako at tinangap ko iyon tinulungan nya akong makatayo.

Nang makatayo na ako pinagpag ko ang pwet ko, at tiningnan ang nakabanga ko. Nakita ko ang aking barkadang si Rex.

''Jas, ba't ka tumatakbo?'' Tanong nya sa akin.

''Rex, may natangap ka bang sulat?'' Hingal na hingal kong tanong sa kanya.

''Oo ikaw din?'' Nanginginig nyang tanong sa akin at tumango na lang ako.

''Hali at puntahan natin sila Grace'' Sabi ko at tumango na lang siya.

Agad kaming pumunta  kanila Grace pero ang sabi wala siya at  lumabas raw ito. Nakaramdam ako ng kaba at takot nang mabatid naming wala si Grace sa kanilang bahay.  Agad naman kaming pumunta sa bahay nilaTroy pero ganon din wala siya roon. Napuntahan namin lahat pero ang sabi lumabas. Mas lalo akong kinabahan kung saan nagtungo ang aking mga kaibigan.

''Asan ba kasi sila?'' Inis na tanong ko.

''Textan natin na magkita tayo sa park'' Suhastyon ni Rex at tumango na lang ako.

Nag lakad kami papunta sa park, pero di ko lubos maisip bakit to nangyayari anong meron sa ''S'' at sinong Spring?

Nang makarating kami doon ay agad akong umupo sa bench. Makalipas ang 5 minuto nag sidatingan na rin sila.

''Nakatangap rin ba kayo?'' Bungad ko agad sa kanila sabay tayo.

Niyakap ako ni Cheska na umiiyak at nakita ko silang tumango, hinagod ko na lang ang likod ni Cheska. Ano bang nangyayari sa amin? Bakit ito nangyayari, at papaano kami nakatangap ng mga ganitong sulat at pagbabanta?

''Jas anong nangyayari, ba't ito nanyayari sa atin?'' Umiiyak na tanong ni Cheska.

''Ang alam ko lang kailangan nating sundin ang sinabi ng sulat. Wala akong idea kung anong mangyayari pero mas mabuti na sigurong alamin natin mamayang ala syete ng gabi.'' sabi ko.

Napatango naman sila sa akin at sumasang-ayon sa sinabi ko. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa amin pero mas mabuting alamin namin kesa may mapahamak sa hanay namin.

''Natatakot ako Jas'' Sabi ni Cheska sabay na tumingin sa akin, nakikita ko ang takot sa kanyang mga mata, pinahid ko ang tumulong luha sa kanyang mata.

''Wag kang matakot Chesk, basta't magkakasama tayong pito walang mawawala. Proprotectahan natin ang isa't isa ano man ang mangyari'' Pagpapalakas ng loob nya.

''Tama si Jas, Chesk'' Sabi ni Grace.

''Malapit nang gumabi at saka 6:30 na'' Sabi ni Bryce.

''Malapit na nga'' Pagsasang-ayon ni Troy na nakatingin sa relo nya.

Umupo na lang kami at hinintay na tumuntong ang oras sa ika pito ng gabi.

Ano kaya ang mangyayari? Anong mangyayari sa aming pito? Hindi naman kaya't papatayin rin kami?


----------------------------
Enjoy sana magustuhan nyo vote vote po.

Twitter account ko po is lildymuch or lildyinblack, kung gusto nyo po akong kausapin. Feel free to message me anytime.

labidabu

-ate lildy

Spring University (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon