Chapter 1

4.7K 110 9
                                    

Chapter 1: Spring University

Nang tumuntong na ang ikapito ng agabi ay may tumigil na isang van sa harap namin at may bumabang isang babae na may hawak na paper. Nakasuot lamang siya ng itim na damit na tila uniporme niya. Nakabond ang kanyang buhok at may roong eye glasses.

''Enter the van when I call your name'' Seryoso nyang saad sa amin.

Nakaramdam kami ng takot habang sinasabi nya iyon. Napahawak si Cheska sa aking kamay kung kaya't pinisil-pisil ko ito para maibsan ang kanyang takot.

''Jas natatakot na ako'' Natatakot na saad niya sa akin.

Hindi ako sumagot bagkus ay ipinagpatuloy ko lamang ang aking pagpisil sa kanyang kamay. Maging ako ay natatakot rin sa mangyayari sa aming pitio.

''Troy Lim, Rex Brenardo, Bryce Sembrano'' Sinimulan nyang tawagin ang mga pangalan ng aking mga kaibigan. Nakita ko silang umakyat roon.

Naririnig ko ang kabog ng aking puso habang inaantay na tawagin ang aming mga pangalan. Nararamdaman ko rin ang takot ng aking mga kaibigan.

''Grace Garcia, Cheska Londrez, Jasmin Fuentez, and Ashley Lacson'' Tinawag nya ang aming mga pangalan, Naramdaman kong dahan dahang tumayo ang aking mga kaibigan. Nakita ko ang mga takot sa kanilang mukha habang umaakyat ng Van.

Nang makaakyat kami sa loob ng van ay hindi ko pa rin binibitawan ang kamay ni Cheska. Nakatingin lamang ako ng deretso, alam ko kung gaano kami natatakot sa mga nangyayari ngayon pero hindi ako pwedeng panghinaan.

''Saan nyo ba kami dadalhin huh?'' matapang na tanong ni Troy.

Napatingin ako kay Troy na halatang galit na galit na sa nangyayari ngayon. Kinilabutan ako nang marinig kong tumawa ang babaeng sumundo sa amin at nilingon kami mula sa front seat.

''Hindi ba't kayo ang may gustong pumasok sa paaralang iyon tapos tatanungin nyo ako.'' Natatawa nitong saad anong ibig nyang sabihin na kami.

Nagkatinginan kaming pito nang sabihin nya iyon. Anong ibig nyang ipahiwatig? Kailan man hindi namin ginusto ito at anong ibig nyang sabihin sa paaralan?

''Well baka hindi nyo naiintindihan ang pinasok nyo. Sa oras na makarating tayo roon ay ipapaliwanag namin lahat sa inyo. Ngayon papatulugin muna namin kayo.'' Sabi nya at may inispray siya sa aircon.

Napakunot noo naman ako nang makita iyon. Anong baak nyang gawin at ibig nyang sabihin, Namalayan kong dahan dahang bumagsak ang aking katawa at naramdaman kong dahan dahan kong isinasara ang aking mga mata. Ano bang meron roon sa kanyang inilagay at bakit nagkakaganito kami?

Naalimpungatan ako dahil sa sikat nang araw na tumatama sa aking mata. Dahan dahan kong inimulat ang aking mata. Nakita kong nasa isa akong kwarto, nasaan ako, nasaan ang mga kaibigan ko? Agad akong lumabas ng kwarto at may nakita akong mga pinto, wala kakaba kabang binuksan ito. Agad kong nakita ko si Grace na natutulog, nakahinga ako ng maluwag nang makita kong kasama ko ang aking mga kaibigan. Dahan-dahan kong isinara muli ang pinto. Bakit parang nasa iisang bahay kami?

Dineretso ko ang daan at ang tumambad sa akin isang maliit na sala at katulad lang din sa ordinaryong sala yun ngalang walang mga gamit tanging sofa lang at isang table ang nandito. Pinihit ko ang door knob ng pinto at unti unting binukasan. Bumungad sa akin ang napakasilaw na sikat ng araw, nakita ko ang isang malawak na field at mga punong nakapaligid rito.

''Gising kana pala'' Napalingon ako sa taong nagsalita.

Nakita ko ang isang lalaking nakauniporme. Base sa kanyang pananamit isa siyang malinis na lalaki, ang kanyang buhok ay maayos na nakaayos. Nakita ko sa likod ng kanyang antipara ang kanyang mapupungay na hugis ng mga mata at ang kanyang maiitim na kulay ng iris nya.

Spring University (Editing)Where stories live. Discover now