chapter 50

1K 32 1
                                    

IAYoursPH

chapter 50:She's alive

Jasmin's POV

nagising ako sa araw na sumisilay sa aking mukha.

dahan dahan kong inimulay ang aking mga mata at nakita kong nasa molorosa ako kung asan ang bahay nila Harvy.

tumayo ako at naglakad papunta sa may bintana kasabay ang pagbukas ng bintana.

bumungad sa akin ang malamig na simoy ng hangin at anh mga snow flakes na nahuhulog mula sa itaas.

akala ko namatay na ako sa nangyari sa pagitan namin ni Titania.

pero laking pasasalamat ko na lang na buhay ako.

napatingin ako sa ibaba, nakita ko si Harvy kasama si Aeron na papalabas sa kakahuyan na may bitbit na mga kahoy.

naalala ko naman nung araw na unang pagpasok ko rito na palabas silang dalawa sa kakahuyan.

napalingi na lang ako, past is past hindi na dapat oang binabalikan pa.

nakamove on na ako sa sakit at ayaw ko nang pumasok pa ulit roon.

nakita ko ang pagnguso ni Aeron sa akin na parang sinasabi kay Harvy na gising na ako at nakita ko ang pagsilay ng ngiti sa kanyang mga bibig, isinara ko na lang ang bintana at lumabas na nang kwarto.

habang naglalakad ako papjntang hagdan nakita ko si Harvy na tumatakbo papaakyat.

''good morning.''bati nya at tumango na lang ako kasabay ang pagdaan ko sa gilid nya pababa.

pagkababa ko ay nagpunta ako sa balcony at umupo sa isang table set don habang nagmumuning tinitingnan ang paligid.

''Jas.''tawag sa akin ng isang boses.

nilingon ko siya sabay ngiti.

''oh, hali ka rito, umupo ka samahan mo akong pagmasdan ang paligid.''masayang saad ko sa kanya.

umupo siya sa isang upuan kaharap ko.

''salamat nga pala.''saad nya sa akin, napalingon naman ako sa kanya.

''wala yun, handa akong tumulong sa mga nangangailangan kaya wala yun.''masayang saad ko sa kanya at ngumiti ng matamis.

nagiba ang kanyang aura at dumungok siya ng bahagya na pilit itinatago ang kanyang mata sa akin.

''alam mo ba namimiss ko na si mommy, hindi ko nagawang masilayan ang kanyang mukha nung araw na ipinanganak ako, sabi ni kuya Havion 1 buwan pa lang ako   nung ipinanganak nya ako nang mangyari ang trahedyang iyon, sila kuya Havion, kuya Harvy, kuya Aeron at ate Kyle ang nagpalaki sa amin ni Timothy, lahat nang mga nangyayari, pagsapi namin kay nila Titania ay parte ng plano namin na patayin siya pero nung dumating kayo ng mga kaibigan nyo nabago ang plano naming lahat, ibinigay ni Havion ang kwintas sa iyo para ikaw ang magiging pain namin pero nagiba ang lahat ng plano namin dahil nahulog si Harvy sa iyo kaya imbes na ikaw at ang mga kaibigan mo lang ang sasalo ng sakit, pero kinalaunan nalaman naming hindi nyo lang laban ito laban din namin, kaya dahan dahan kaming gumalaw ni Timothy. Yung araw na nakalaban mo ako iniutos ni Titania'ng patayin ka para maagaw ang kwintas at inaakala nyang ikaw ay ako, pero maraming salamat dahil hindi mo ako tinuluyan, matapos ang araw na iyon pinaalis ako ni Titania sa poder kaya naiwan na lang si Timothy sa loob. Jas patawarin mo ako, kami sa mga dakit na naranasan mo, sa mga paghihirap nyong magkaibigan patawarin nyo kami, wag mo sanang isipin na ginamit lang namin kayo, kaya patawad.''mahabang pagpapaliwanag niya sa akin.

Spring University (Editing)Where stories live. Discover now