Wattpad Original
Mayroong 4 pang mga libreng parte

Kabanata 2

160K 6.5K 3.2K
                                    

Kabanata 2


Huminga ako nang malalim. Natapos ang game at nagtatalunan na ang mga Lioneers sa gitna. Natapos ang laro sa score na 119-98. Lioneers ang nanalo. Walang bago do'n, lagi naman silang nag cha-champion kaya inaasahang simpleng game na lang 'to. Wala man lang sa team namin ang nanalo. Kundi lang talaga ako injured ay gagawin ko ang lahat para mai-panalo 'yon.

Nakakalungkot. Wala akong maibabalitang maganda kina papa at mama pag-uwi nila mamaya, paano sila gaganahang isiping mayroon akong mararating sa paglalaro nito?

"Pa-picture tayo kay Spiral at Clay!"

"Spiral!"

"OMG! Spiral!"

Sunod-sunod na hagikgikan at tilian ang bumalot sa buong gym. Nanitili ako sa puwesto ko. Hindi ko alam kung bakit hinihintay ko pa si Spiral dito gaya ng sinabi niya. Tinanaw ko sina Hanna sa kabilang bleachers, abala sila sa pagkukuha ng pictures. Luminga-linga ako at hinanap si Spiral kung saan.

Nakita ko siyang pinagkakaguluhan ng mga babae pero wala siyang pinansin sa mga 'yon. Uminom siya sa bottled water at kinuha ang white towel sa bench. Nakita ko ang paglapit ni Alzhera Felipe kay Spiral. Nagtilian ang mga babae sa kilig. 

"OMG! Bagay sila!"

"Spiral, can I take a pic?" Alzhera asked sweetly with  smile.

Tipid na tumango si Spiral at tumabi kay Alzhera para pagbigyan ito. Agad napangiti si Alzhera at ibinigay ang cellphone sa isa niyang kaibigan para kumuha ng litrato.

"Grabe! Bagay na bagay talaga sila!"

"Sana ligawan na siya ni Spiral para naman walang dumidikit-dikit na iba d'yan!"

"Oo nga, mahirap na baka mapunta pa siya sa mahirap! Sayang!"

"Hoy! Ang harsh n'yo! Mas maganda naman si Fortin sa inyo!"

Napabuntonghininga ako at yumuko na lamang. It's really obvious that they're talking about me. Hindi ko rin naman gustong ma-link kay Spiral dahil malaking gulo iyon sa fangirls niya. Mas gusto ko iyong mga lalaking hindi ganoon kagwapo, wala akong kaagaw at makakaaway na fans.

Mahirap din maging boyfriend si Spiral. Sasakit lang ang ulo ng magiging nobya niya, masyado siyang gwapo at lahat ng babae ay gugustuhin maging kabit niya.

Hindi ko nga alam kung bakit hindi na lang sila ni Alzhera? Bakit hindi niya nililigawan?

Ano bang mga naiisip ko? Out of topic ka, Asthreya! Nagmumukha kang katawa-tawa.

Maganda talaga si Alzhera Felipe. Marami siyang taga-hanga. Siya ang panglaban ng kanilang department kapag may beauty pageants at siya rin ang tumatayong muse ng Lioneers kaya hindi talaga masama na siya ang gusto ng mga tao para kay Spiral.

Napangiti ako nang mapansin ko ang t-shirt ni Spiral sa aking hita, hinawakan ko iyon saka kinuha ang backpack ko sa aking tabi. Sumulyap ulit ako kay Spiral, kausap niya si Clay ngayon at ang iba niyang teammates. Mukhang nagbabatian sila dahil sa pagkapanalo.

Gusto ko na umuwi. Pero paano ako lalakad nito? Mamaya maitulak-tulak pa ako ng mga babaeng nagkikisayan sa kilig ngayon.

"Hi, Asthreya!"

Nilingon ko agad ang bumati sa akin. Nakita ko ang tatlong lalaking pamilyar. Siyempre sa isang school lang kami at engineering students sila sa pagkakatanda ko.

Ngumiti ako. "Hi!"

"Kumusta? Ayos na ba ang paa mo?" tanong noong bumati sa akin.

Nanunuyang tumitingin ang mga kasama niya sa kanya saka humahagikgik.

Isla Verde #1: One Sweet DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon