Wattpad Original
Mayroong 3 pang mga libreng parte

Kabanata 3

159K 5.5K 1.9K
                                    

Kabanata 3

I woke up early the next day. Ni hindi ko alam kung nakatulog nga ba ako? Ayaw kong pumasok ngayon dahil sa sobrang hiya pa rin sa sarili.

Isang araw! Isang araw ko pa lang siya nakausap at nakasama, paanong nangyari iyon? Bigla kong naalala ang sinabi niyang hindi libre ang paghatid niya sa akin! Pero ang tagal noong kiss, e. Ibig sabihin hindi rin libre ang pagdala niya sa akin sa clinic at siningil niya iyon?

Ano bang katangahan iyan, Threya?

Nakakabaliw isipin!

Ang hirap paniwalaang nangyari iyon, hindi kaya panaginip lang?! Sana hindi ko siya makita mamaya pagpasok ko, sana talaga...dahil hindi ko alam ang gagawin ko kung sakali. Baka magmukha akong tanga kakatago o kakatakbo kapag nakita ko siya. Ayaw ko talaga, nakakainis! Bakit kasi gumanti rin ako?

Inaamin ko na kinikilig talaga ako kapag naalala iyon, pero nalulungkot at nahihiya ako sa sarili ko. Bakit ako nagpapadala masyado roon? Bakit ko nagustuhan iyon?

Nanindig ang balahibo ko nang maalala ang paghalik niya. Napahawak ako sa labi ko at kinagat iyon.

Stop thinking about it!

Pagkatapos kong maligo at magbihis ay bumaba ako. Naabutan kong gumagawa ng tiramisu si tita sa table.

"Oh, papasok ka na? Hindi ka pa nag-aalmusal, ah?" puna niya sa akin nang makita ako.

Ngumiti ako.

Wala akong gana sa lahat ngayong araw, ang daming gumugulo sa isip ko. Iniisip ko pa kung anong magiging say sa 'kin ng teammates ko mamaya 'pag nagkita kami sa La Riva.

"Hindi na po, sa school na lang."

Kumunot ang noo niya at nilagay sa ibabaw ng kanyang ginagawa ang iilan pang piraso ng mangga. She likes baking that much, kaya naman perpekto ang lasa kapag siya ang gumawa.

"Bakit? Kakaalis lang nina mama mo. Kumusta nga pala ang championship n'yo kahapon?"

Ipinikit ko ang mga mata at nagbuntonghininga kasabay ang pag-iling.

"Talo po. Napilayan pa nga ako." Nginuso ko ang aking paa na mayroong bandage.

Tumingin agad siya sa paa ko, ngumiwi siya at naiiling na nagbalik ng tingin sa akin. "Hay naku, Eyang! Sabi ko naman sa 'yo ihinto mo na muna dahil hindi naman agad gumagaling ang injury. Hindi ba't kagagaling mo lang sa pagkapilay?"

"Okay lang ako, Ta. Sige na, aalis na ako. Pakisabi na lang po kina Mama na baka gabihin ako mamaya dahil may project kaming gagawin."

Sumakay ako ng tricycle, isang tricycle lang naman papuntang La Riva Colleges. Tinatanaw ko ang magandang tanawin habang nasa loob ng umaaandar ng tricycle. Dinungaw ko ang aking mukha upang langhapin ang sariwang hangin ng Isla Verde.

Hindi pa masyadong tirik ang araw dahil alas otso pa lamang ng umaga. Wala pang trenta minutos nang marating ko ang La Riva. Pagkabayad ko kay manong ay bumaba na ako at tumungo sa malawak at nakabukas na gate ng La Riva sa oras ng pasukan. Huminga ako nang malalim at luminga-linga sa paligid.

Nang wala akong maramdaman at makitang aura ni Spiral ay mabilis na lumakad ako papasok ng gate; panay ang tinginan sa akin ng iilang mga babae at nagbubulungan. Nagyuko ako ng ulo at mas bumilis ang paglalakad, nilandas ko ang mga buhok ko para matakpan ang mukha at hindi makilala masyado.

Mayroong apat na building ang La Riva sa loob nito. Ang dalawang building ay Business Administration department at ang dalawa nama'y para sa Engineering department. Hindi naman ganoon kalaki ang aming eskwelahan pero maganda ang loob nito at malinis.

Isla Verde #1: One Sweet DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon