Chapter 14.

14.5K 311 6
                                    

DEIRDRE'S POV

Nang matapos kong gisahin ang dapat gisahin at malagay ang dapat na ilagay na ingredients. Iniwan ko muna saglit, para maluto ng mabuti. Pumunta ako ng living room.. Nanunuod ng TV si Kris.

"Someone called."

"Oh. You answered it?"

"Oo. 'twas a guy" Nanlaki ang mata ko. Isa lang namang lalaki ang tumatawag at nagtetext sakin dito sa Korea. Well syempre si Daddy rin kaso kung si Daddy yun, dpat sinabi na agad ni Kris na si Daddy yun, kilala naman siya ni Daddy.

Kinuha ko yung cp ko saka ko chineck kung sino nasa received calls.

Nangunguna si.. Myungsoo. Chineck ko pa yung oras, 9:32pm siya tumawag. 10:21 na. -.- Ano kayang pinagsasabi nito? Knowing him may sinabi to. Bigla akong kinabahan. Luh talaga to. Teka. Ba't naman ako kakabahan?

"Ano daw sabi?"

"Wala, binabaan ako."

"Baka naman may sinabi ka?" Tinaasan ko siya ng kilay. Saka tinitigan.

"Malamang. Nagsasalita kaya kapag may kausap sa celphone."

*Pak!* Nabatukan ko tuloy. Pinipilosopo ako e.

"Ouch! What? Tinanong niya kung sino ako. Of course I told him who I was. That I am Kris Wu!"

"Tapos? Alam kong may sinabi ka pa. Hindi ka bababaan nun ng walang rason"

"Of course I also told him that I'm your fiance"

"You told him.. what?!"

"What's with the reaction then? Is he someone to you?"

"N-no. He's just.. a friend."

"Then why stutter?"

"N-nothing." Saka niya ako nilapitan. Linapit niya pa mukha niya sakin. Nakaupo ako sa pangisahang sofa. Tapos nilagay niya yung mga kamay niya sa arm rest. Sinabi ko na bang gwapo itong lalaking ito? Hindi pa? Pwes.. sinasabi ko na sa inyo. Ang gwapo niya. Ilang inches na lang ang layo ng mukha namin.

Naghuhuramentado na ang sistema ko.
I missed him. Ilang months ba since nung last na nagkita kami? 5 months? Andun pa kami sa US nun. Binisita niya kami ni Shae. Well, since alam kong nacucurious kayo kung sino at ano si Kris sa buhay ko.. Sige na nga. Sasabihin ko na. He's my childhood friend. Best friend. Family friend. And my first love. Err.. And yes he's the one. Yung lalaking mahal ko pero hindi ako nakikita. Well hindi literally. Manhid kumbaga. Hindi niya alam na mahal ko siya. And yes ulit, mahal ko pa rin siya. Kasama ako sa population ng mga babaeng binebestfriend lang. Kaya nga nung time na nagkakilala kami ni Myung. Err nagkita pala.. Lasing ako nun. Dba? So yun nga.

"Hahahaha! Look at your face Deir! That was hilarious!" Umali siya sa harap ko saka tumawa ng tumawa.

"Whatever Kris. Whatever." Tumayo ako at tinalikuran siya. Na hanggang ngayon tumatawa pa rin. Hilig nun ang asarin ako.

Syempre alam kong sasabihin niyong.. dapat masaya ako kasi fiance ko ang taong mahal ko. Well, for the record. Hindi. Kasi playboy sya. Never pa siyang nagmahal. Wala siya ni isang sineryoso sa mga naging girlfriends niya na hindi ko na nga nabilang sa dami. At take note, pinapakilala niya pa sakin. Medyo gagu lang.

Anyways syempre dahil ang daldal ko e, luto na pala yung Chicken Afritada ko. Tsk. Uubusan na naman ako ni Kris neto.

End of POV

MYUNGSOO'S POV

"Sino to?" (a/n : nagkokorean sila. marunong din si Kris magkorean)

"Kris."

"Kris who? Ba't nasayo cp ni Deirdre?!"

"Oh. She's cooking. Kris.. Kristofer Wu.. I'm her fiance."

F-fiance? Halos mabitawan ko yung cp ko at kahit medyo nagulat at nanginig pa ko napindot ko pa rin yung end call.

Bakit.. hindi man lang niya sinabi sakin? I feel betrayed kahit wala naman kaming relasyon. Kaya pala ayaw niya magpakasal sakin. Kasi may nakalaan nang iba para sa kanya.

Kaya pala.. Pero bakit ganun? Gusto ko puntahan yung lecheng lalaking yun? Ako dapat. Ako dapat kasi ako yung una. Ako dapat kasi ako yung tatay ni Shae. Ako dapat kasi.. mahal ko siya. Then it hit me, hindi nga pala niya ako mahal.

Kung ganun mahal niya ba yung lalaking yun? Is she still worth it for me to give up being L of Infinite?

---

Lame update. Ayt. Sorry ngayon lang. Update update kahit walang comments. Basta may votes. Lol. Sana magincrease pa yung reads kahit konti langs.

Anyways thanks sa mga nagbabasa. Mehel ke keye! <3 Comments and votes are really appreciated. God bless ^^

Mommy, where's my Daddy?Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz