>>SAMANTHA's POV<<
Nakaalis na si Kuya. Ako naman andito kalalabas lang ng bahay at bigla namang dumating si Talukmoy. Bumaba siya at binuksan ang pinto ng passenger seat. Pumasok ako at umupo na. Tiningnan ko siya habang umuupo. Tiningnan niya ako kaya nginitian ko siya. Tss. Tinawanan ako?? Ngumiti lang rin siya.
"Good morning dwende ko, hahahaha!"sabi niya at lumapit ng konti sakin. Isinuot niya yung seatbelt sakin.
"Hahahah good morning din mangki!"tumawa lang kami pareho.
"Oh, musta na yung mga ginawa mo para sa presentation mo??"
"Ahh yun. Syempre natapos ko, ako pa."
"Hahaha buti kinaya mo, lahat ng subject yun."sabi niya at tumingin pa sakin. "Algebra pa nga lang halos mamamatay na ako. Ano pa kaya kung ako ang napili para sa lahat ng subject? Baka hindi ko pa nasisimulan patay na ako. Hahahha"dugtong niya at nagtawanan lang kami. "Pero, seryoso? Natapos mo?"
"Tss. Muka ba ako'ng nagyayabang??"banat ko at itinuro pa yung mukha ko. Tumawa lang siya at tumingin ulit sakin. "Tss. Babatukan kita jan, tumingin ka sa dinadaanan mo ulul."sabi ko at inambaan siya ng suntok. Tumawa lang siya at tumingin sakin. "Waaaaaaaaaahh! Mikey ilag!"malakas na sigaw ko at napakapit sa braso niya. Sa halip na umilag siya, prumeno lang siya at muntik na ako masubsob sa kanya dahil humarap ako sa kanya nung prumeno siya. "Tsh! Sinabi ko na sayo'ng tumingin ka sa dinadaanan mo eh! Utang na loob! Ayoko pang mamatay!"sigaw ko sa kanya. Agad ko siya'ng hinampas dahil sa halip na sumagot eh nginitian niya lang ako. "At talaga'ng masaya ka pa!"
"Tss. Eh kung tatawagin mo ba naman ako'ng Mikey eh, why not??"
"Kapal ng mukha neto! Akala mo naman napaka ganda ng pangalan! Eh mas bagay pa nga ata sayo yung TALUKMOY eh."
"Tch. Sa gwapo ko'ng 'toh? Kahit ano ata'ng pangalan eh babagay sa gwapo'ng nilalang na kagaya ko."nakangisi niya'ng sabi. Tinaasan ko siya ng kilay.
"Alam mo kahit kelan? Ang KAPAL KAPAL rin talaga ng mukha mo eh 'noh?? Wag ka ng magsalita jan at baka tadyakan lang kita. Mag drive ka na kung ayaw mo'ng mamatay ng maaga."tumawa lang siya at hindi na nagsalita pa. Maya maya nakarating na din kami. Nag park na siya. Binuksan ko ang pinto at bumaba. Sabay kami'ng pumasok sa school.
Konti lang ang tao. Bilang na bilang sa daliri yung tao'ng makikita mo. Dumeretso kami sa locker at binawasan ang dala namin'g gamit. Madami ako'ng dala para sa presentation mamaya. Inilagay ko muna lahat yun sa locker. Dumeretso kami sa room.
Halos araw araw na rin na maaga ang pasok ng Special Section. Syempre nagbatian muna kami. Dumeretso ako sa upuan ko at inayos ang sarili ko. Tumingin ako sa kanila na kasalukuyan'g nakapalibot sakin. Nginitian ko sila. Ngiti rin ang isinukli nila.
"Princess, goodluck ah?"
"Galingan mo."
"Kaya'ng kaya mo yan. Ikaw pa."
"Sisiw lang yan."
Sabi nila at inalok ang mga kamay nila para makipag apir. Nakipag apir naman ako at tumawa.
"Suuuus! Hahaha. Kaya niya yan."si Calvin. Tumango lang ako at ngumiti.
BINABASA MO ANG
The More You Laugh, The More You Cry
Teen FictionKung sino ang tao'ng nagpapasaya sayo... Pustahan tayo, siya rin ang dahilan ng matinding pagiyak mo. Totoo ba?? Naniniwala ka ba?? Hindi natin masasabi... Ano kaya'ng mangyayari kung sakali'ng ganon nga?? Bibitaw ka ba?? Susuko ka na lang ba?? Pero...