Chapter 19

28 20 0
                                    

>>SAMANTHA's POV<<

Umalis muna sandali si mommy. Kukuha lang daw siya ng meryenda, eh sabi ko naman wag dahil nakapagmeryenda na kami. Kaya kukuha na lang daw siya ng juice pero sinabi ko na tubig yung sakin.

"Asan si Kuya?"

"Kasama ko ba siya? Eh ikaw 'tong kasama ko eh."sagot niya kaya agad akong bumangon at hinampas ko siya.

"Sumagot ka nga ng maayos kapag tinatanong ka. I mean wala ba kayo'ng napag usapan na may lakad kayo or what."

"Hmmm, ewan ko lang."sabi niya na humalumbaba pa habang nakatuon ang siko sa paa ko. "Hala! May napag usapan kami na may lakad kami ngayon. Lagot ako sa kuya mo neto."


"Tss. Ako ang bahala kay kuya, okay? S-saan?"

"Ahehe... Confidential."sagot niya at ngumiti ng pilit. Ewan ko kung bakit parang kinabahan ako. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Parang may mangyayari na hindi ko alam kung ano. Basta may pakiramdam ako na may masamang mangyayari eh. Wag lang talaga uuwi si kuya na...

"Oh eto na. Uminom muna kayo."bungad ni mommy galing sa kitchen.

"Thanks po Tita- Momshie."sagot ni Talukmoy.
Ngumiti lang ako kay mommy.

"Hay nako. Ahihihi kayo talaga. Sinabi ko na kasi na 'mommy na lang itawag niyo sakin, mahihirapan lang kayo sa kaka-tita-momshie niyan eh. Diba, second mom niyo naman ako eh."sabi ni mommy. Ngumiti lang si Talukmoy. Bakit parang kilala'ng kilala ni Mommy ang top6? Eh samantalang kasama ko naman si Mommy sa Japan. "Mommy mo na rin naman ako diba? Soon."nakahiga ako pag umiinom. Trip ko lang. pero bigla ako'ng nasamid nung sinabi yun ni Mommy. Agad na tumayo si Talukmoy at lumapit sakin. Hinawakan niya ang likod ko at agad ako'ng ibinangon. HINDI AKO MAKAHINGAAAA! Feeling ko sumuot sa ilong ko yung tubig! Sakit sa ilong. Hinimas ni Talukmoy ang likod ko. At diniinan ang paghimas sa may bandang dibdib ko. Yung parang hinihilot. Grabe! Oarang bumara yung tubig.

"Ayos ka lang??"tanong niya. Naramdaman ko ang pag sikip ng dibdib ko kaya agad akong napakapit sa may bandang pulso niya ng mahigpit. Pasikip ng pasikip kaya pahirap ng pahirap ang paghinga ko. Agad nakakuha ng tubig si Mommy at ininom ko agad yun.

"Uy, Sam, ayos ka lang ba?! Ano'ng nangyari!"alalang tanong ni Talukmoy. Ayun bigla nawala at nakahinga na ako ng maayos. Ngumiti ako sa kanya at tumango.

"Hihihi..."bungisngis na parang kinikilig ni mommy.

"Ok na ako. Layo ka na."napakamot na lang siya sa ulo. Tiningnan ko ang oras sa wristwatch ko. "Hindi ka pa ba uuwi?"

"Ahh oo nga pala."hahha ano yun? Nakalimutan niya umuwi? "Tita-momshie mauna na po ako ah. Salamat po sa juiice hahaha."

"Ah sige. Ingat ka ah. Baby Sam hatid mo muna siya sa labas. Magluluto muna ako ng dinner."tumango ako kay mommy. Tumayo ako at lumakad na. Hinatid ko siya hanggang sa may gate.

"Sige na mauna na ako. Bukas na lang ulet."banggit niya at tinapik ako sa balikat. Niyakap ko siya at tinapik rin sa may balikat.

"Mm. Thank you ulet. Ingat, drive safely."sumandal ako sa may gate at hinintay ko siya na pumasok sa kotse niya pero hindi pa rin siya pumapasok at nakasandal rin siya sa kotse niya paharap sakin. "Sige na sakay na."

"Hindi. Pumasok ka muna. Tapos kapag nakapasok ka na, aalis na ako."

"Tss. Pasok na. Isa."

"Pumasok ka muna kasi."sabi niya napakamot sa ulo. Tumango na lang ako.

"Ge, ba-bye ingat!"sigaw ko at tumalikod na. Nakapamulsa ako'ng naglakad. Pumasok na ako pero nilagyan ko ng konting siwang yung pinto. Sinilip ko siya, nakatingin siya sa kinatatayuan ko kanina at bigla na lang ngumiti. Baliw na talaga yun. Alam niyo kasi, sira na yung ulo nun. Oo, promise maniwala kayo. Lagi na siya'ng ganyan. Pangiti-ngiti ng mag isa. Oh diba? Parang ewan lang. napailing siya at tumingin sa may pinto kaya agad ako'ng napatago. Ngumiti ulet siya at sumakay na sa kotse na. At ako naman ang napangiti nung bago siya umalis ay tumingin muna ulet siya sa kinatatayuan ng bahay. Ako naman ang napailing.

"Yiee."

"Ayyy kabayo. Ohh Led?"

"Hi po Ate Sam. Yiee. Nakangiti si Ate. Crush mo Ate yun? Bagay po kayo."sabi ni Lead at natawa namna ako sa kanya. Ginulo ko ang buhok niya at pinisil ang pisngi niya.

"Hahaha. Ano ka ba Led. Kuya ko yun."

"Po? E diba po, si Kuya Brian lang ang kapatid mo."

"Hahaha oo. Hindi mawawala sa atin ang ituring ang isang tao na kapamilya mo. Halimbawa may kaibigan ka, kino-consider mo siya as family. Hindi man kayo family in blood, pero sa puso mo pamilya kayo."paliwanag ko sa kanya. Ngumiti siya.

"Ahh ganun po ba? Ang talino mo po talaga Ate Sam. Ate Sam punta muna po ako kay mama ah?"sabi niya at ngumiti lang ako.

"Sige lang."umakyat na ako sa kwarto ko. Napansin ko na bukas ang kwarto ni Kuya. Never pa niyang iniwan na bukas ang pinto ng kwarto niya ah. Sumilip ako. Wala siya dun. Maayos na maayos ang kwarto ni kuya. Pumasok ako. Wala naman siguro'ng masama diba? Alam ko naman yung privacy kaso. Basta. Inilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng kwarto ni kuya. May isang bagay na naka agaw ng atensyon ko. Lumapit ako dun at hinawakan ko yun. Isang sobre. Kulay puti ito. Binuksan ko yun at binasa ang nasa sulat.

Top,

Humanda na kayo at mag-tago tago. Kung naisahan niyo ako nung nakaraan, hindi na sa sunod at wala ng sunod dahil tatapusin na namin 'toh. New member? Ha, sinong tinakot niyo?? Balita ko, babae ang idinagdag niyo. Tss. Wag lang namin makikita yan dahil baka mapasakamay namin yan. Lagi niyong bantayan ang prinsesa niyo dahil lagi kami'ng nakabantay. Nasa paligid lang kami at kahit ano'ng oras pwede namin kayo'ng tirahin. Baka nakakalimutan niyo, hindi lang iisa ang kalaban niyo. Dahil marami kami... Marami kami'ng kalaban niyo.

~ Dark Hell King

Napatakip ako sa aking bibig at bigla ko'ng nabitawan ang sulat. Hindi pwede 'toh. Agad ako'ng pumunta sa kwarto ko. Kinuha ko sa table yung cellphone ko.

"Damn! Answer your phone kuya."palakad lakad ako at pauli uli. "Please, answer your phone!"ilang beses ko'ng tinawagan si Kuya.

["oh, b-baby Sam? Napatawag ka, may problema ba?"]rinig ko'ng sabi ni kuya sa kabilang linya.

"Nasan ka? Nasan kayo?"

["Tree house."]

"Kuya, please umuwi ka na. Umuwi na kayo."sabi ko na halos mawawala na sarili anytime.

["N-nakita mo ba?"]

"Please naman kuya! Makinig ka naman sakin kahit ngayon lang! Kuya umuwi na kayo! Anytime hindi kayo safe! Bukas. Bukas natin pag usapan 'toh. May plano ako."

["s-sige."]

"Sige. Ingat, love you kuya."

["hahahha saraaap. Grabe talaga magmahal ang mga Pascual. Hahah ge, love you too."]yan na yung huling sinabi niya. Then he ended the call.

Tss. Ang OA ng kapalaran. Ang Oa Oa! Siya na yung pinaka OA sa buong mundo. Naligo ako at nagbihis ng pantulog. Hindi na ako nag dinner, kaya natulog na ako. Napaka OA ng araw na 'toh.


---**---

A/N: update paa. May sunod pa 'toh kaya wag ka tatakbo hahaha. Hope you like it. direktorjoewil @clerynielle @bibalsarah.

The More You Laugh, The More You CryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon