Chapter 7 "Date?!"

90 3 0
                                    

MIRA POV.


"Anong gusto mo, Mira? treat ko" alok ni Sean,


Di ako sanay I'm always thinking na magaaway away kami dahil naiirita ako sa kanila, and now what? I'm with them? 


"Ako gusto ko yung fries, spaghetti, yung frosties---"


"Ikaw ba si Mira?" putol ni Sean sa sinasabi ni Kierth, ngumuso si Kierth at di na nagsalita.


"Okay na yung fries and float sa akin" 


At dahil I'm with this two heartthrob prince, kahit hindi pa kami yung nasa unahan binigay na agad yung order namin. 


"So? Kamusta naman studies mo, Mira Jane?" tanong niya. Napangiwi nalang ako ng tawagin niya ako sa first full name ko. 


"HAHAHA! Ikaw naman dude! start palang ng school year, 1 week pa nga lang eh!" natatawang sabi ni Kierth, sinamaan tuloy siya ng tingin ni Sean.


"Mira nalang" sagot ko. Ngumiti ako para maitago ko ang pagkairita ko


"She dislike calling her in her full first name" sarcastic na sabi ni Kierth


"Okay naman studies ko" sagot ko


"That's good"

"Mira, may pupuntahan ka pa ba?" tanong ni Sean habang inaayos ko yung mga folders ko.


"Hmm..why?"  tanong ko din, pero bigla siyang umiwas ng tingin huh? Problema niya?


"Pwede ba kitang---ahm-- pwede bang-?" putol putol na sabi niya. Huh? Ano bayun? Wala kong magets.


"Huh? Ano ba iyon?" tanong ko.


"Can you--can you come with me?" tanong niya at  nag iwas ng tingin

"Huh?"


"Pwede ba kitang maayang lumabas?" diretso niya ng sabi. Wow! Nakakuha agad ng lakas ng loob?


"Kung wala ka naman ng gagawin, kung meron naman, okay lang maybe next time?" 


"Okay lang, wala naman akong gagawin eh"

"Talaga? Akin na ito tulungan na kita!" at agad niyang kinuha yung bag at folder ko. Umawang ang bibig ko dahil sa gulat.


"Tara na!" agad niyang kinuha ang kamay ko at hinila papunta sa parking.


"Sakay na!" utos niya. Napahinto naman ako at pinagmasdan ang motor na sasakyan namin.


"Motor? But I---"


"Natatakot kaba?" tanong niya. Yumuko lang ako at hindi sumagot, natatakot naman kasi ako, si kuya lang naman kasi ang lagi kong kasama pag sumasakay ako sa motor.

Inabot niya ang kamay niya, kaya naman tinanggap ko yun at inalalayan niya ako sumakay


"Humawak ka huh!"  sabi niya habang inaayos yung helmet niya, kumapit naman ako sa balikat niya.


"Hindi diyan, dito oh." kinuha niya yung kamay ko at iniyakap sa bewang niya.


Napahinto ako sa gulat, naramdaman ko ang matipunong likod niya. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.


"Let's go!"


"WAHHHH!! SEAN! ANO BA? MAGDAHAN DAHAN KA NAMAN!" sigaw ko sabay kapit ng mahigpit sa bewang niya. Punyemes mas loko pa siya mag patakbo kay kuya Marco!

Love that we only know (COMPLETE)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant