Chapter 12 "Twice is Coincidence"

73 4 0
                                    

MIRA POV.

"Good morning ma, morning kuya and Marion" bati ko pagkababa ko galing sa kwarto.

"Morning Mira" bati ni kuya at uminom ng gatas niya.

Umupo na din ako at nagtimpla ng cereal oh! It's already Saturday ang bilis ng araw.

"Well? Alam niyo naman na sigurong tatlo ang dapat gawin diba?" sabi ni mama sa kalagitnaan ng breakfast namin. Napataas naman ang kilay ko dahil hindi ko maintindihan, may kailangan ba kaming gawin?

"I don't think we are all on the same page, ma" nakangising sabi ni kuya. About business nanaman ba ito?

"What is that Ma?" tanong ko. Uminom muna ng coffee si mama bago magsalita.

"Well? You need to meet the children of our business partner, just part of the tradition you know? formalities" 


"Bakit kasama pa kami ni Marion, hindi ba dapat si kuya lang?" inis na sabi ko. Tumawa naman si kuya kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Don't worry Mira, hindi ka naman mahihirapan for sure"-Mama

Napataas nanaman ang kilay ko. Ang dami talagang kaartehan sa business na yan, hindi naman ako interesado!


"We need to get ready, ayoko malate, nakakahiya sa mga imemeet natin" paalala ni kuya. Wow huh? Excited yan? May crush siguro siya dun.

Nandito na kaming tatlo sa sala at nagpapalipas ng oras 11 pa naman yung meeting time eh! 8:00 am palang kaya!


"Pwede bang wag na ako sumama?" naiiritang tanong ko. Walang gana lang akong tinignan ni kuya bago bumalik sa pag scroll sa phone niya.

"I'm sorry my dear. Hindi pwede dahil kailangan tayong tatlo ang haharap dun" 

"Pero---"

"No 'but's', that's our mom decision. Let's pack up!" putol nanaman ni kuya sa sinasabi ko. Aish! Can I finish my word?

"Okay" sagot ko nalang at tumayo na. Lumakad na ako papunta sa kwarto para makapagayos na gaya ng sabi ng 'NAPAKAGALING' kong kuya.

Naligo na ako at nagbihis, sinuot ko nalang yung off shoulder white dress nabinili ni Trisha sakin last day , off shoulder dress is really cute. I put slight make up and lip gloss tapos sinuot ko na rin yung white flat shoes ko. Umupo muna ako sa kama ko at kinuha yung phone ko.

"It's 10:05 in the morning, too early! " bulong ko.


"Ate! Aalis na!" sigaw ni Marion sa labas ng room ko.

"Coming!" sigaw ko din.

Kinuha ko na yung sling bag ko at lumabas na ng kwarto. Tinignan naman ako nila kuya at Marion. Nginitian ko sila and they smile back.

"You're gorgeous.." Marion said with a sweet smile then he offer his hands.

"Thanks" at kinuha ko yung kamay niya.

"Alis na kami ma!" si kuya at humalik sa cheeks ni mama

"Good luck and behave!" 

"Yes ma, bye!" paalam namin ni marion at sabay humalik sa pisngi ni mama.


***


"We're here!" sabi ni kuya nang makarating na kami sa isang sosyalin na restaurant dito sa Makati. Bigla naman ako nakaramdam ng kaba. Tsk.

"Mira, let's go!" aya ni kuya

"Ah? Okay!" at lumabas na ako ng kotse. Sabay sabay na kaming naglakad papasok ng resto.

Pagpasok namin sinalubong kame ng isang staff.

"This way, sir.."

Nginitian namin yung staff at sinundan siya

"Here is the reservation table with the Hernandez siblings"

Napataas naman ang kilay ko. Hernandez?


"Thank you." sabi ko. Nagtinginan kameng tatlo at ngumiti sa isa't isa. Lumakad na kame sa kabilang vacant seat.

"Good morning---"

"Well? nice to see you again, Alexis" bati ni kuya kay ate Alexis and who Alexis is? Sister or Sean! Grr. what a coincidence.

Ngumit si ate Alexis sa amin.

"Sanya Alexis Hernandez"  pagpapakilala ni ate.


"Samara Alexandra Hernandez youngest of Hernandez" she smile and wink at me. I smile back. Tumingin ako kay Sean na nakatingin lang din sa akin. Anong tinitingin tingin niya?


"Sean Alejandro Hernandez" 


"Nice to meet you all. I am Marco Jhay Lopez the eldest of Lopez" kuya said. Ngumiti naman sakanya sila ate Alexis


"Marion Jake Lopez" Marion introduce himself.


"Mira Jane Lopez" I said with a sweet smile.


"It's a pleasure to meet you all" ate Alexis said


Pagkatapos naming magpakilala ay nagumpisa ng magusap si ate Alexis at kuya Marco about sa business.

"My mom said the first way to a successful bussiness, is getting know your future business partners"

"That's true and for sure na tayong dalawa lang ang mag-co-partners soon, because the younger one's are already sleepy" nangaasar na sabi ni kuya at tinignan kaming apat.

"I think so, I guess we should eat" sabi naman ni ate.

Tumawag sila ng crew at nag order, na agad din namang sinerve sa amin.

"By the way, saan ka nag aaral ngayon, Mira?" tanong ni ate. 

"Ah? Same kami ng school ni Sean, ate" nakangiting sabi ko.

"Oh? I remember I see the both of you on a date, right?" natatawang sabi ni ate. Nasamid naman ako, naalala niya pa iyon. Pero hindi date iyon!

"Date?" kunot noong tanong ni kuya. Wala kasi sila ni Marion nung araw na dumating ako sa bahay with roses and teddy bear.

"Friendly date, kuya Marco" sagot naman agad ni Sean.

Marunong pala siya magsalita huh? Kanina pa siya walang imik diyan.

"I think Samara and Marion already know each other, right?" tanong ni ate kay Samara na bigla nalang namula. 

"Oh? She's the girl who reject----"

"Yeah! Juniors classmate kami ni Samara sa Canada" pagpuputol ni Marion sa sasabihin ni kuya. Tinignan niya si kuya at sinamaan ng tingin, tinawanan lang siya ni kuya kaya napailing nalang ako.

"Ah! Yes h-he's my classmate!" nauutal na sabi ni Samara.

Nagkatinginan naman si ate Sanya at kuya Marco. Bakit parang sila lang ang natutuwa?

"We already know each other already na pala eh! Let's have a bonding or should I call reunion?" suggest ni Ate. What the? Reunion?

"That's good idea, Alexis" kuya said at sabay silang ngumiti ni ate Sanya ng nakakaloko. 


Love that we only know (COMPLETE)Where stories live. Discover now