Chapter 14 "Why Me?!"

67 3 0
                                    

MIRA POV.


"Good morning, ma" bati ko kay mama ng makababa na ako. Maaga aga ako nagising today dahil halos hindi rin ako makatulog kagabi.


"Good morning, Mira" nakangiting bati ni mama sakin. Lumapit ako sakanya at tinulungan ko siyang ihanda and breakfast namin.


"Nasan po si kuya at Marion?" tanong ko. Naunahan ko ba silang magising ngayon?


"Pababa narin siguro. Alam mo naman, pag natulog si Marion sa kwarto ng kuya mo" natatawang sabi ni mama. Ah! kaya pala! 


"Good morning!" bati ni kuya at unang lumapit sakin para humalik, pero pinigilan ko agad siya.


"Kuya stop! Duh! Hindi ka pa nagto-toothbrush eh!" sabi ko. Umirap siya at dumiretso sa sink.

"Morning everyone!" bati ni Marion na kakalabas lang galing bathroom. 

Naupo na kami sa dining at nag ayos na para makakain nang sabay sabay.

"By the way, kamusta na pala si Sean, Mira?" tanong ni Mama. 

"Ehem!" si Marion. Tinignan ko siya at pero ngumiti lang siya nang nakakaloko. 


"I called Sanya yesterday, mataas daw ang lagnat ni Sean, mahina pala siya sa lamig pero nag snow world parin siya with Mira yesterday" 


"Mira naman! Bakit nag snow world pa kayo kung mahina pala sa lamig si Sean" 

"Hindi naman niya po sinabi sakin, Ma" sagot ko naman. Hindi ko siya sinama no! siya ang nagpumilit sumama!


"Edi dapat tinanong mo!" si Marion naman


"Duh! Hindi naman kami close no!" 

"Nag snow world pero hindi close?"- Marion

"Hindi close pero todo alalay kahapon?" - kuya Marco

Nangaasar ba sila? Nakakainis na huh!


"Mira I've thought---"

"HINDI NGA KAMI CLOSE!" 

Natahimik kaming lahat at napatingin silang lahat dahil sa paglakas ng boses ko.


"I'm sorry for interrupting you ma, I didn't meant it, nabigla lang po ako" pagsosorry ko at yumuko.

"HAHAHAHA" si kuya at Marion. Tinignan ko sila ng masama, hindi ba talaga sila titigil?

"Why are you--"

*Phone rings....*


"Excuse me, I'll just take this call" paalam niya at tumayo para sagutin ang tawag. Pinagpatuloy nalang namin yung pagkain namin si Marion naman tawa parin ng tawa. Nababaliw na ata siya tsk.


"It was Sanya, she's asking favor" 

"What's wrong?" tanong ni mama.

"She needs someone to accompany Sean, may business abroad kasi siya today. Ayaw naman daw ni Sean mag paalaga sa mga maids nila. She's asking if Mira is available" 


Sabay sabay naman silang napatingin sa akin.

"Wait! Why me? Ayoko!" 

"Mira..." mahinahong sabi ni Mama.

"Why?"

"This is a favor from Sanya, and remember? Ikaw ang kasama niya kahapon"

Umiwas ako ng tingin at bumuga sa hangin. Hindi naman obvious na kinokonsensya nila ako no?


"Fine"


"YOWN!" 


"But this is not for Sean, it's for ate Sanya!" tinapos ko na agad ang pagkain at dumiretso sa kwarto para makapagayos na.


Naligo lang ako agad at nagbihis narin nagjeans lang ako at sinuot ko yung family t-shirts na pina print ni mama last christmass, may nakalagay na 'PRINCESS LOPEZ' at nakalagay naman yung pangalan ko sa likod, nagflat sandals nalang ako at kinuha ko na yung sling bag ko tyaka bumaba.


"Bye ma, kuya and Marion!"

"Good luck!" 

"Bye, take care!"

Lumabas na ako at sumakay sa service namin.

"Sa Hernandez residence po" sabi ko sa driver namin.

"Okay ma'am!"

***

"Good morning Ms.Lopez! Anong maipaglilingkod ko sainyo?" nakangiting bati sakin ng isa sa mga maids.


"How did you know me?" 

"Nakasulat po sa blouse niyo" 


Oo nga pala!


"Ah? Nandito pa ba si ate Sanya?" tanong ko.


"Yes, please follow me"


Ngumiti ako at sinundan siya. Hindi ko mapigilan na pagmasdan ang bahay nila, or should I say mansion? Napakalaki naman kasi nito!


"Ms. Sanya? Someone's looking for you" tawag nung maid kay ate. Lumingon siya sa amin at pinatay ang call bago lumapit sa amin.


"Mira! Thank God! Hindi ko talaga alam ang gagawin ko kay Alejandro, napakaarte talaga ng batang yun!" stress na sabi niya.

"I'm sorry po, hindi ko alam na mahina pala siya sa lamig"

"It's okay, you know? pasaway talaga siya" sabi niya at matamis na ngumiti sa akin.

"Sorry po ulit"

"It's okay! Aalagaan mo naman siya diba?" masiglang sabi ni Ate.

"Eh?"

"Oh! Thank you Mira! I have to go now, see you later!" paalam ni ate pagkatapos hinalikan ako sa pingi at nagmamadali naring umalis.

Ano pa nga ba? Pasalamat talaga yung Sean nayun gwapo siya---ay este magaganda ang mga kapatid niya kung hindi bahala siya sa buhay niya.


"Ate Mira!"


Lumingon ako sa hagdan at nakita ko naman si Samara na papalapit sa akin.


"Hello!" she kiss my right cheek.


"Hi Samara, how are you?" nakangiting bati ko.


"I'm fine, but kuya is not doing well. Let's go to his room, aalagaan mo siya diba?" nakangiting sabi niya habang hawak yung wrist ko. Alanganin naman akong ngumiti sakanya


"I know you don't want to, but you don't have any choice, right? Be my kuya's nurse!" 


Nurse? Seriously?

Love that we only know (COMPLETE)Where stories live. Discover now