FTSP 6

12 2 1
                                    

Nang mawala na ang malakas na hangin ay dahan dahan na akong dumilat. Pagkadilat ko ay nagulat ako sa aking nasaksihan. Lahat ng kotse ay mga nakataob, nakabangga sa kung saan, basag basag ang mga salamin, maingay na tumutunog ang mga alarm ng ilan at ang iba naman ay umuusok.

May mga lamp post din na sira at nakataob. Ang mga tao ay dahan dahan nang gumagalaw. Katulad ko, nagulat din sila sa itsura ng paligid. Ang mga papel at dahon ay muling nilipad ng hangin. Lahat ng bagay na nakahinto kanina ay muli ng gumagalaw ngayon.

"Ano bang nangyare dito? Mukhang ang lakas talaga ng bagyo.."

"Oo nga e.. Makulimlim pa din,"

"Mukhang uulan nanaman.."

Nagtaka ako nang marinig ko ang usapan ng ilang tao. Hindi nila alam ang naging dahilan nito.. Hindi nila alam ang nangyare. Paniguradong hindi nila naaalala.

"S-Sir, kailangan na natin umalis. Mukhang malakas ang bagyo. Nasira din ang pintuan ng kotse nyo, Sir." Napatingin ako kay Mang Fredo na hingal na hingal na lumapit sa akin. Parang wala din syang naaalala. Bakit ako lang ang may alam ng nagyari? Ng totong nangyari? Na dahil to dun sa babaeng hindi ko maintindihan. Na dahil to dun sa blonde na may kakayahang hindi ako makapaniwala.

"Mang Fredo--"

"BAABBBEEEEEEEEE!" May biglang yumakap sa akin mula sa likod ko. "BABE, I'm so afraid.. The rain was so lakas.. Look oh, so dami ng nasi--"

"Bitawan mo nga ko! Bat andito ka? San ka galing?" Sambit ko sa kanya. Bakit kase bigla biglang lilitaw itong si Stacy?

Teka.. Yung babae.. Yung babae asaan!? Tinanggal ko ang pagkakayakap ni Stacy sa akin at nilibot ko ang mata ko sa paligid ngunit hindi ko sya makita. Ewan ko pero parang masisiraan ako ng ulo ngayong wala na sya sa tabi ko..

"ASAN NA SYA!?" Tanong ko sa driver ko pero wala syang maisagot dahil mukhang hindi nya din alam kung nasaan.

"Honey babe, sino ba? Andito lang ako oh! Galing ako dyan sa hospital kase kinagat ako ng malaking langgam." Maarteng sambit nito. Napatigil ako at kunot noo ko syang tinignan.

"Saan ka galing?"

"Dyan sa hospital!" Pag uulit nya. "Let's go home na. Mukhang lalakas pa ang ulan e.." Tapos ay nagdabog pa sya na para syang bata.

Galing syang hospital? So, sya yung tinutukoy ni blonde kanina? Na bakit ako magpapakasal doon sa babaeng nasa hospital? Papano nya nalalaman yun?

Hinawakan ko sya ng mahigpit sa magkabilang balikat nya.

"Dahil sayo! Dahil sayo kaya sya umalis!" Buong galit kong sabi sa kanya.

"Sino ba ang tinutukoy mo?! Ano bang nagyayare sayo!? Tara na umuwi na tayo!" Tapos ay pilit syang kumakawala sa pagkakahawak ko sa kanya pero mas lalo ko lamang hinihigpitan ang pagkakahawak ko sa balikat nya.

"OUCHYY! IT HURTS!" Maarteng sambit nya. "Let me go! Let me go!"

"Umuwi ka mag isa!" Tapos ay tinulak ko sya kay Mang Fredo. Magpasalamat sya nasapo pa sya ng driver ko. "Mang Fredo, ihatid mo muna yan sa bahay niya."

"E papano ka boss?"

"May hahanapin pa ako," sagot ko sabay iniwan ko na sila dun.

"COTTARD! HONEY BABE! WHERE ARE YOU GOING!?" Maarteng sigaw nya. "ANO BA! DON'T TOUCH ME, STUPID DRIVER!" Rinig kong sabi pa nito na may inis na boses. Hindi ko sya nilingon at nagpatuloy lang ako sa paglakad. Wala akong panahon para sa babaeng tulad nya.

FAY: The Sprite Princess (On Hold)Where stories live. Discover now