FTSP 18

11 1 1
                                    

"Uhh, bakit nga pala kailangang magtrabaho?" Sabi ko sa kanya. Tinignan naman nya ako saglit at bumuntong hininga,

"Para may makain ang bawat tao. Kailangan kumita.. Kumita ng pera. Para may makain ka, pati ang mahal mo sa buhay."

"Kailangan ko palang magtrabaho para kay Cottard.." Mahinang sabi ko.

"Cottard?" Takang tanong nito.

"Ah wala wala.." Ngumiti ako sa kanya sabay ngiti..

"Goodmorning, Sir.." Pagkapasok namin sa kusina ay may mga bumati na sa kanya.. Lahat sila ay nakaputi na may botones sa gilid at sumbrelong puti din.

Nakakamangha tignan ang paligid..

"Lory.." Sambit nya.. Maya maya pa ay may lumapit na babae. Napaka ayos nyang tignan. "Sya si.. Hmm.."

"Potchi.. Ako po si Potchi." Nakangiting sabi ko. Ngumiti din naman sya sa akin,

"Well, gusto kong bantayan mo muna sya pansamantala. Medyo weird lang pero tao yan." Sabi nya pero may binulong pa sya bandang huli kaso hindi ko masyadong naintindihan dahil mahina.

Tumango yung babae bago lumapit sa akin..

"Hi, I'm Lory Agustin. Assistant ako ni Sir." Pakilala nya sa akin habang naglalakad kami. Lumabas na kami sa kusina at muli ko nanamang nakita ang napakaraming tao na sabay sabay kumakain.. Medyo maingay din sila. Usap dito, usap doon..

Umupo kami sa isang pwestong walang nakaupo. Magkaharap naman kami ngayon.

"Hmm.. Sinong Sir?" Takang tanong ko. Medyo halatang natawa sya ng konti.

"Edi yung kasama mo kaninang gwapong lalake.." Sabi pa nito sabay ngiti.. Ah sya pala si Sir. Sir pala ang pangalan nya. Hindi ko kase laging natatanong e. Buti ngayon, alam ko na.

Bigla akong napalingon sa naririnig kong nagsasalita.. May nakita akong hugis rectangular sa dingding.. Manipis din ito at may nagsasalitang tao sa loob.

"Uhh, ano yun?" Tanong ko kay Lory.

"Tama si Sir, weird ka nga." Sagot nya.

"Ha?"

"Ah wala, sabi ko yan yung flat screen tv." Sabi nya sa akin. Tumango nalamang ako at pinanood ang nangyayare sa flat screen tv.

Ang galing talaga.. Papaano nakakapasok at nagkakasya ang tao doon?

"Tigilan mo ang boyfriend ko.." Kita kong sabi ng isang babae sa nakaupong babae sa harapan nya.

"Wala akong ginagawang masama.." Sagot ng nakaupong babae.

"Wala pala ha.." Sagot ng babae na mukhang galit. Kita ko na agad agad nyang kinuha ang isang basong tubig sa lamesa at ibinuhos ito sa mukha ng babaeng nakaupo..

"Kawawa naman sya.." Bulong ko.

"Ganyan talaga yan. Pero wag kang mag alala, hindi naman totoo yan e. Ganyan talaga sa mga pelikula.. Laging may kontrabida sa pagmamahalan ng bidang lalaki at babae." Paliwanag nya.

"Talaga?"

"Oo.. Sa oras na malaman ng babae na may ibang mahal ang lalaking mahal nya, susugudin nya ito at aawayin. At yan nga, madalas ganyan ang sitwasyon. Binubuhusan ng tubig ang bidang babae.. Kaya ang gagawin ng bidang babae lalayo nalang para wala ng gulo."

Pagkatapos nyang magsalita ay may lumapit sa amin na lalaking may dalang dalawang basong tubig. Inilapag nya ito sa harapan namin..

"Kaano ano ka nga pala ni Sir?" Tanong nya ng makaalis na ang lalaki.

"Anong kaano ano?" Tanong ko sa kanya. Biglang nalipat ang tingin ko sa labas ng may mapansin akong isang taong pakiramdam ko kilala ko,

"I mean, pamilya. Kung pamilya kaba nya?" Pag uulit nya sa akin.

"Uhh, kaibigan. Mag kaibigan kami ni Chichi." Sabi ko nalang habang nakatingin pa din ako sa labas.

Kita ko syang bumaba ng itim na kotse. Pagkatapos ay inayos nya pa ang kasuotan nya.. Napangiti ako bigla.

Sa wakas! Sa wakas nalaman na nya kung nasaan ako.. Nakakatuwa naman na hinahanap nya pala talaga ako.

"Si Chichi? Yung kapatid nya?"

"O-Oo.. Pinatuloy nila ako sa bahay nila. Doon ako natulog kagabe." Sabi ko habang nakatingin pa din sa labas. Tanaw na tanaw ko kase sya e. Dahil salamin ang nagsilbing salamin nitong restaurant.

"T-Talaga ba? Mukhang gusto ka ni Sir.." Napatingin ako sa kanya ng marinig kong naging malungkot ang tono ng boses nya.

"Gusto?" Takang tanong ko. Ngumiti naman sya ng tipid.

"Oo, yun bang gusto ka nyang maging girlfriend.." Napakamot ako sa ulo ko,

"Teka, ano nga pala yung girlfriend?"

"Yun yung kapag gusto ng isang lalake ang isang babae, liligawan nya ito at kapag gusto din ng babae ang lalake, sasagutin na nya ito. Pagkatapos magiging sila na. Magiging mag-boyfriend, girlfriend na sila." Paliwanag nyang muli.

"Pero ang sabi sa akin ni Sir, wala syang panahon para sa girlfriend." Dahil sa sinabi ko, muling nagbalik ang saya sa mga mata nya. "At hindi nya ako gusto. Magkaibigan lang kami ni Chichi.."

"E bakit si Chichi lagi ang sinasabe mo?"

"E kase... Hindi ako sigurado kung kaibigan ba ako ni Sir." Nahihiyang sagot ko. Hinawakan nya bigla ang magkabilang kamay ko na nakapatong sa lamesa.

"Ah basta, antayin mo ako dito ha? Kukuha lang ako ng menu para makapag order na tayo at makakain." Nakangiting sabi nya. Tumingin ako sa kanya at nakangiting tumango kahit na hindi ko naman alam kung ano ang menu at order..

Pagkaalis nya ay muli akong tumingin sa labas. Hindi ko na nakita si Cottard na nakatayo doon. Kundi, naglalakad na sya papasok dito sa restaurant kasama ang isang babae at lalaki pati si... teka.. si Stacy.

Nako.. Mukhang hindi maganda na makita pa nila ako. Lalo na si Stacy. Baka mangyare sa akin ang nangyare sa napanood kong palabas sa flat screen tv. Baka buhusan nya din ako ng tubig.

Nang makapasok na sila sa loob ay umupo sila sa lamesa na may apat na upuan. Tinawag ni Cottard ang lalake at yung lalake ay may binigay sa kanya pati sa tatlo pang taong kasama nya.

Muli akong nalungkot.. Ang buong akala ko pa naman andito sya dahil hinahanap nya ako. Akala ko andito sya para sa akin.. Puro akala ko lang pala..

FAY: The Sprite Princess (On Hold)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang