FTSP 11

12 1 0
                                    

"Anong ginagawa mo?"

"AY PETRANG KABAYO!" Nagulat ako at napahawak sa dibdib ko nang bigla nalamang syang lumilitaw sa gilid ko at bigla biglang magsasalita. Nakalugay ang mahaba nyang buhok at nakasuot pa din ang korona nya. Walang pinagbago.. Sobrang ganda nya pa din kahit na ang laki ng damit ko na suot nya.

"U-Uhh.. N-Nagluluto.." Sagot ko at muli kong itinuon ang atensyon ko sa aking niluluto.

"Ang bango.. Mukhang masarap." Nakangiting sambit nya. Mabuti nalang bumalik na sya sa dati hindi tulad kanina. Nang tanungin nya ako ay wala akong naisagot sa kanya. Umalis sya nun at bumalik sa pagkakapwesto nya sa may bintana.

"Of course.. Specialty ko ata to." Pagmamalaki ko pa. Nilingon ko naman sya ng marinig ko syang mahinang tumawa.

"Bakit?" Tanong ko.

"Madali lang naman lutuin ang fried rice, egg and bacon." Napakamot ako sa ulo ko. Sayang, alam nya pala ang tungkol dito. Ngumiti ako ng tipid sa kanya.

"Cottard.." Sambit nya. "Nagmahal kana ba?" Nang sambitin nya ito ay napatigil ako sa paghalo ng fried rice na niluluto ko. Ewan ko din kung bakit sumagi sa isip ko yung babaeng laging nasa panaginip ko. Simula nang bata pa ako, sya na lagi ang iniisip ko bago ako matulog. Kung makakasama ko ba sya sa panaginip ko, kung makikita ko na ba sya, kung mahahawakan ko na ba sya, na kung sino ba talaga sya? At sa tagal na ng panahon, sobra akong nasasabik sa kanya. Lagi ko syang inaantay. Kalokohan man siguro at kabaliwan, pero feeling ko nagkakagusto na ako sa kanya. Sa babaeng hindi ko lubos na nakikita at nakakasama. Sa babaeng hindi ko kilala..

"Hindi pa.." Sagot ko. "Ikaw ba? Nagmahal kana?" Pagbalik ko sa kanya ng tanong.

"Mahal kita.." Diretsong sagot nya. "Simula nang ako'y magkaisip at malaman ang totoong tungkulin ko, ikaw lang ang minahal ko. Dahil ikaw ang nakatakda." Ngumiti ako ng tipid bago ko hinimas ang ulo nya,

"I guess, hindi mo pa alam ang totoong kahulugan ng pagmamahal, blonde." Sabi ko pagkatapos ay nanguha na ako ng plato naming dalawa at inilagay ko sa table. Kung san ako magpunta, nakasunod lang sya lage.

"So, kung hindi ko pa alam.. Ano ba ang totoong pagmamahal?" Tanong nya pagkatapos ay kinuha nya ang bacon at inilagay din sa lamesa tulad ng ginawa ko sa fried rice at porkchop.

Humarap ako sa kanya at hinawakan ko sya sa magkabilang balikat nya. Tinitigan ko sya saglit bago nagsalita.

"Pag nagmahal ka, gagawin mo ang lahat para sa isang taong minamahal mo. Yun bang gusto mo maibigay mo lahat ng pangangailangan nya at lahat ng kagustuhan. Aalagaan mo sya, hindi sasaktan, rerespetuhin, pagsisilbihan, sobrang iingatan, basta lahat lahat. Lahat ng makakabuti para sa kanya. Lahat ng suliranin o lahat ng pagsubok kakayanin mo para lang makasama sya, dahil nga mahal mo sya. Kahit ano pang kaharapin mong malalaki at mahihirap na labanan, kakayanin mo, dahil sobrang halaga at sobrang mahal mo sya." Pagpapaliwanang ko sa kanya. Yumuko ako ng konti para lang mapantayan ko ang mukha nya.

"Kaya kung ako sayo, wag kang basta basta magmamahal ng kung sino sino lang. Para hindi ka masaktan.." Sabi ko at kinurot ko sya sa kanyang ilong bago ako muli umalis at kinuha naman ang tubig sa ref at inilapag ko din sa lamesa.

"Halika, dito ka umupo." Sabi ko sa kanya nang maiusog ko na ang bangkong uupuan nya.

"Salamat, Cottard.." Nakangiting sabi nya pero pakiramdam ko ang lalim ng iniisip nya. Umupo na din ako at inabot ang kanin ng bigla nya akong maunahan. Nagulat ako ng sya na ang maglagay ng fried rice at ulam sa plato ko.

"Anong ginagawa mo?" Takang tanong ko sa kanya.

"Pinagsisilbihan ka.." Nakangiting sagot nito. Nagulat man ako pero hinayaan ko nalang sya. This girl never failed to amazed me. She's really kinda' unique.

Pagkatapos nya akong masandukan ay kinuha ko din sa kanya ang fried rice na hawak nya. Nilagyan ko din sya sa sariling plato nya,

"Uhh, Cottard? Anong ginagawa mo?" Takang tanong nya nang lagyan ko din sya ng fried rice at ulam.

"Gumaganti?" Nakangiting sambit ko pagkatapos ay kinindatan ko pa sya bago ko ipinagpatuloy na ang aking pagkain.

Kumakain na kami ng tahimik ng hindi ko maiwasan na hindi sya tignan. Sa tuwing titingin ako sa kanya ay bigla din syang titingin sa akin kaya napapaiwas naman ako. Kapag nahuhuli nya ako ay ngingiti sya bigla kaya naman nakakaramdam ako ng hiya..

"Uhh.. Cottard?" Basag nya sa katahimikan.

"Y-Yes?" Jusko. Bat ako nauutal? Kinuha ko nalang ang tubig ko at uminom. Pangpabawas kaba.

"Kwentuhan mo naman ako tungkol sa pamilya mo.." Nakangiting pakiusap nya. Inubos ko muna yung iniinom bago ako sumagot,

"Bakit mo naman gustong malaman ang tungkol sa pamilya ko?" Binitawan nya ang kutsara at tinidor at tinignan ako,

"Diba kase, ang sabi mo wag akong magmamahal ng kung sino sino lang? So, kapag may alam na ako tungkol sayo, hindi kana basta sino lang para sakin. Hindi kana magiging sino sino lang dahil may alam na ako sayo, at sa pamilya mo." Napahinto ako,

"Bakit, kilala mo na ba ang totoong ako?" Ngumiti sya dahil sa itinanong ko.

"Oo," buong pagmamalaking sabi nya. "Ikaw ang nakatakda para sa akin," pagkatapos ay ibinalik na nya ang atensyon nya sa kanyang pagkain. Di ko man sya maintindihan, sinagot ko pa din ang gusto nyang malaman.

"Si Mommy and Daddy, nasa ibang bansa. Bale, dun na din sila nakatira. Minamanage din nila yung business nila dun na mga restaurants--"

"Restaurants?" Gulat na tanong nya. Sigurado alam ko na ang isusunod na sasambitin nito, "Ano yun?" Dugtong nya. Sabi na nga ba e. Dejavu =___=

"U-Uhh.. Lugar yun kung san ka pwede kumain, magpalipas oras, makipag date--I mean, kumain kasama ang mahal mo."

"Kasama yung mahal ko? So, pwede ba tayo kumain dun minsan?" Masayang tanong nya. Napahinto naman ako bigla. Tinignan ko sya saglit. Pagkatapos ay yung ngiti nya, napalitan ng pouty lips. "Wag na pala,"

"Ahmm.. So, yun na nga. Huling kita ko sa kanila nung ibi--" napatigil ako bigla. Muntik na.. Bakit pati yung kay Stacy ikekwento ko pa? Mamaya, magwala nanaman to.

"Nung araw na sinabi nila sayo na magpapakasal kana?"

*cough! cough! cough!*

Napaubo ako bigla dahil sinabi nya. Feeling ko lahat ng kanin gustong lumabas sa ilong ko. Papaano nya nalaman yun!?

"C-Cottard! Ayos ka lang?" Inabot ko yung isang basong tubig ko habang umuubo pa din pagkatapos ay ininom ko na to. Maya maya ay nakahinga na din naman ako ng ayos muli.

"P-Papano mo nalaman yun?" Tanong ko nang maging maayos na ako.

"Iyon ang laman ng isip mo," pagkatapos ay sumubo na ulit sya. Napakunot ako ng aking noo.

"Papano mo nababasa--"

"Wag kang mag alala, hindi ko naman lahat nababasa. Sadyang pumapasok lang agad sa isip ko yung gusto mong sabihin pero hindi mo pa masabi sabi." Simpleng sabi nya pagkatapos ay umiwas na sya ng tingin sa akin.

Hanggang sa matapos syang kumain, nakatingin lamang ako sa kanya. Kahit yata titigan ko sya ng sobrang tagal, hindi ko kayang mabasa ang iniisip nya tulad ng nagagawa nya.

Mukha syang isang normal na tao na may korona at weird na pagkilos. Pero sino ba talaga sya?

FAY: The Sprite Princess (On Hold)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora