Chapter 10

4.2K 102 5
                                    


Iniwas ko na ang tingin ko kay Trevor at binaling kay Lara. Hindi makapaniwala ang mukha niyang nakatingin sakin. Obviously, may gusto siya kay Trevor. Sa mga galaw niya palang pansin ko na. Alam kaya ni Trevor?

Uminom siya ng softdrinks at umayos ng upo. Binaling na niya ang tingin niya kay David.

"Mas malaki siguro ang lamang kung naglaro si Trevor." Eh? Pero diba mas mahalagang nanalo sila? Umiling naman si David.

"Tambak nga ang kalaban." Biglang sabi ni Taichi at sa unang pagkakataon nilingon siya ni Lara.

"Oh? Ilan naman?" Parang gulat naman ang mukha ni Taichi dahil sa pagiging interesado ni Lara. Mula dito kitang kita ko ang pagpipigil niya ng ngiti ng makabawi sa pagkagulat.

Talaga bang lagi silang magka-away ni Lara? Sa mukha kasi na pinapakita niya ngayon parang hindi naman.

"43." Sagot ni Taichi habang nanliit ang mata ni Lara.

"Hindi ka naniniwala?" Mabilis na dagdag ni Taichi na parang inaasahan niya na 'yon.

"Hindi." Sabi ni Lara at iiwas na sana ng tingin pero hinawakan ni Taichi ang baba niya para pigilan 'to.

"Watch our game then." Agad na humagalpak ng tawa si David habang ako gulat. That was his plan!

"I guess hindi ulit ako maglalaro?" Sabi ni Trevor at tumayo na kaya napatingala ako sakanya. Nilahad niya ang kamay niya sakin.

"Let's go." Tumingin ako sa tatlo.Nakangisi si David habang namumula si Lara at nagpipigil parin ng ngiti si Taichi. Magpapaalam sana ako pero huli na dahil hinila na ako ni Trevor palabas.

3:00 pm na ng tignan ko ang oras. Nakakapagtaka at hindi pa ako pinaghahanap nila Mommy.

"Ihahatid mo na ko?" Tanong ko sakanya ng makalabas kami. Nilingon niya ko.

"May gusto ka pa bang puntahan?" Agad akong umiling.

"Wala naman." Tumango siya.

"Ihahatid na kita."

Hinatid na niya nga ko sa bahay habang napansin ko ulit ang kotse ni kuya Cedrick. Nandito siya! Ilang linggo ko na rin siyang hindi nakikita.

"Bye!" Sabi ko kay Trevor na nakasilip sa bintana. Tumakbo na ako papasok.

"Manang sila Mommy po?" Tanong ko dito ng makasalubong ko.

"Nasa office." Tumango ako at naglakad na papunta doon.

Balak ko na sanang buksan ang pinto pero napansin kong hindi 'to nakasara ng ayos.

"I will do my best para masalba pa 'to Dad just give me more time."

Kumunot ang noo ko ng marinig na boses 'yon ni kuya Cedrick. Anong isasalba?

"But son nasa Hong Kong na lang ang natitira nating pag-asa. Hindi ba at mas maganda kung iyon ang pagtuunan natin ng pansin?"

"Your Dad is right Cedrick. Bumalik na lang tayo pag-naayos na natin ang nasa Hong Kong."

"No Mommy, alam ko may pag-asa pa 'to."

Napaatras ako dahil sa mga narinig ko. Bumabagsak na ba ang kumpanya namin? Hindi ako tumuloy sa office at umakyat na lang sa kwarto ko.

Naging palaisipan sakin ang mga pinag-usapan nila. Hong Kong? Gusto ba ni Dad na pumunta kami doon para isalba ang natitira naming negosyo? Pero hindi ko kayang iwan ang Pilipinas.

Pwede naman siguro akong maiwan? Isa pa sabi ni kuya Cedrick may pag-asa pa ang kumpanya namin dito.

"Charm!" Napatigil ako sa paglalakad ng marinig ang boses na 'yon.

Papalabas na ko ng school dahil tapos na ang klase ko. Malamang nag-hihintay na rin sa labas si Trevor.

"Bakit?" Tanong ko kay Lara ng makalapit siya sakin. Medyo hinihingal pa siya kaya hindi agad siya nakapag-salita.

"Araw-araw ka bang sinusundo ni Trevor?" Kumunot ang noo ko pero tumango rin.

"Kung ganon ano mo siya?" Natigilan ako sa tanong na 'yon.

Ano ko siya? Ano ko nga ba siya? Parang sobrang sapul ako sa tanong na 'yon. Wala. Wala lang kami. I like him but ako? Gusto niya ba? Yung pagpunta at pagsundo niya sakin? Hindi pa ba 'yon ang dahilan na gusto niya rin ako?

"Ah! Baka naman tinuturing ka lang niyang nakababatang kapatid. Namatay kasi half sister niya."

Hindi ko alam kung saan ba ako gulat. Sa sinabi niyang tinuturing lang akong nakababatang kapatid ni Trevor o dahil doon sa half sister niya? Parang may sumaksak sa puso ko. Baka nga tinuturing niya lang akong nakababatang kapatid dahil miss niya na ang half sister niya.

"Charm..." Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat ko.

"I like him." I know. Napayuko ako.

"No, I love him. So don't think na ganon din ang nararamdaman niya para sayo dahil sa tingin ko tinuturing ka lang niyang kapatid." Binitawan niya ko habang gulat akong nag-angat ng tingin sakanya.

Love? Pano niya nasabi 'yon? Gaano siya kasigurado dito? Para sakin ang 'love' ay malalim na salita. Pano 'to nasasabi ng isang tao? Pano nila natatawag na 'love' 'yon? Pero naisip ko. Matagal na silang magkakilala ni Trevor. Malamang sigurado na nga siya sa nararamdaman niya.

Huminga ako ng malalim at tumango.

"Baka nga tama ka..." Mahina kong bulong at tinalikuran na siya para sa back gate dumaan.

Parang bumagsak ang puso ko. Realization hit me, big time.

Wilton University: A Rule Is A Rule [Completed]Where stories live. Discover now