Chapter 20

3.5K 68 5
                                    


"Oy bakla! Hindi mo naman sinabi na close mo rin pala si Trevor my baby! Wala ka ng tinira sa beuty ko!" Nilingon ko si Andrei at humalumbaba.

"Ang hirap niyang iwasan." Saad ko habang napahinga ng malalim.

"Bakit mo naman iiwasan?" Tinaasan niya ako ng kilay habang mabilis akong napailing at nag-iwas ng tingin.

"Wala." Sagot ko at pinagpatuloy na ang pag-gugupit.

Bukas na mag-sisimula ang program kaya ginagawa na namin ang booth. Sa gilid ng Gym kami nagtatayo kaya medyo nagtatago ako sa gilid.

"Ewan ko sayo girl! Basta excited ako bukas! Maraming gwapo sa South Dorcus University!" Kinikilig niyang saad habang binabangga pa ko.

"Iyon ba ang makakalaban nila Trevor?" Tanong ko.

"Yup! Kaya nga hindi ko alam kung sino ang dapat i-cheer haist!"

"Malamang, yung school natin ang dapat mong suportahan." Inirapan ko siya pero sinimangutan niya lang ako.

"Pag nakita mo ang mga varsity player doon. Naku! Ewan ko na lang! Baka malaglag yang panty mo!" Napailing na lang ako. Seriously? Malaglag ang panty? Baka siya.

"Ang tagal naman nila." Tukoy ko sa iba pa niyang mga kauri.

"Na lafang pa ang mga 'yon. May sawa kasi silang alaga sa kanilang mga tyan." Sagot niya habang nasa cellphone ang atensyon.

Tumango ako at nilibot ang paningin mula sa kinauupuan namin. Busy din ang ibang mga estudyante. Lalo na ang mga nerds. Sa totoo lang hindi ko akalain na ang mga karamihan sa boys ay gagawa ng booth pero kung sabagay may grades din ito.

"Paniguradong maraming dadayo dito bukas!" Saad ni Andrei habang nasa cellphone parin ang atensyon. Medyo lumapit pa ako sakanya.

"Ibig sabihin, pwedeng may pumasok na mga babae dito bukas?" Tanong ko kaya napatingin siya sakin.

"Uhm...Oo pero ang mga taga-SDU lang ang pwedeng pumasok, the rest! Sa labas." Sagot niya na kinatango ko. Hindi nga pala katulad ng Dethon at Wilton ang SDU. Maaaring mag-aral dito ang mga babae o kahit lalaki.

"Bakla! May chika ako!" Sabay kaming napatingin kay Paul na kararating lang.

"Ano naman 'yan? Baka sa tabi tabi mo lang 'yan napulot!"

"Hindi gaga! Totoo talaga 'to!" Mas lumapit pa siya samin kaya mas na curious ako.

"Tungkol saan?" Saad ko kaya napalingon siya sakin.

"Kay Trevor, the love of my life." Gusto ko na sanang hindi na lang makinig pero hinila niya ko pabalik.

"Ano selos lang ang peg? Kayo ba?" Mabilis akong umiling dahil hindi naman talaga. Ako lang naman ang may gusto sakanya dito.

"Oh sige na girl! I-chika mo na! Ang dami mo pang palabok!" Singit ni Andrei na halatang kating-kati na sa sasabihin nito.

"Ito na nga! May gustong pumasok dito na girl pero hindi pinayagan ng lolo nyo. Ayun! Nasa labas sila at nag-uusap." Kumunot ang noo ko. May gustong pumasok na babae dito?

"Kilala mo?" Tanong ko.

"Yes! Si Lara!"

Natigilan ako ng marinig ang pangalan na 'yon. Si Lara? Bigla kong naalala ang huli naming pag-uusap noon.

"...I love him. So don't think na ganon din ang nararamdaman niya para sayo dahil sa tingin ko tinuturing ka lang niyang kapatid."

Bakit hindi ko naisip na...na baka si Trevor at Lara na? Umamin na kaya si Lara sakanya? Oh matagal na niyang alam?

Si Trevor kaya? Mahal din siya? Possible...

Matagal na tong tanong sakin pero hindi ko parin masagot sagot dahil natatakot ako.

Simula ng  tulungan ako ni Trevor noong Grade 6 ako doon ko na siya hinangaan. He's kind pero hindi lang halata dahil sa nakakatakot niyang aura at cold na pakikisama but I know mabait siya.

Since that day mas nakilala ko pa siya and im right! Dahil maraming beses niya na tong pinakita sakin.

Akala ko noon wala ng katapusan ang sayang nararamdaman ko tuwing kasama ko siya and that time alam ko na nahulog na ko at sinubukan ko yung pigilan dahil kay Lara.

Pero ngayon, nandito na naman ako.Is it wrong? Ang pumasok pa dito? But there's still a part of me na kahit anong gawin ko ay gusto parin dito.

Magagalit ba si Lara sakin pag nalaman niyang pumasok ako dito dahil kay Trevor? Syempre!

Napahinga na lang ako ng malalim dahil sa mga naiisip ko.

"Ano girl? Naging problemado ka?" Hindi ko napansin na kanina pa pala nakatingin sakin si Paul at Andrei.Pilit akong ngumiti sakanila.

"Nasa labas ba ng Wilton yung sinasabi mo?" Tumango si Paul kahit puno ng pagtataka sa mata niya. Tumayo ako kaya sabay silang napatingala.

"O, saan ka pupunta?" Tanong ni Andrei.

"Babalik din ako."

Hindi ko na hinintay pa na may sabihin sila at naglakad na papuntang entrance ng Wilton.

Titignan ko lang naman sila.

Wilton University: A Rule Is A Rule [Completed]Where stories live. Discover now