Suka #4

700 31 4
                                    

RANDOM RANDOM! | Putanginang pagmamahal

Kasalukuyang nasa constant gravitational free-fall ang buwan patungo sa mundo ngunit ang gravitational pull mismo ang pumipigil na mahulog ang buwan sa mundo. Parang ako sa'yo. Patuloy na nahuhulog ngunit hindi makalapit. Ang tadhana na mismo ang pumipigil. Pukang ama nga naman talaga.

Dalawang tao ang namamatay kada segundo sa buong mundo ngunit bakit hindi nagkasabay na patay ako sa'yo at patay ka rin sa'kin? Pukang ama talaga. Nung nagwisik ng swerte ang panginoon eh hindi man lang ako nadapuan ng isang milimetrong patak nito. O di kaya'y nung umihi ang panginoon ng mga second chance ng second chance, nasa kabilang inidoro ako nakanganga.

Putanginang pagmamahal. Nagagawa ka nitong hari ng mga tanga na handang lunukin ang ebs sa lababo de negro at iluwa at lunukin ulit para maipakita lang sa taong mahal mo na sinasamba mo siya. Nagagawa nitong pasulatin ka ng mga putanginang napakakorning love letters na amoy kendi at kulay fuchsia. Kung sobrang tama mo na talaga, nagiging ITALIC pa ang sulat-kamay mo. Tangina? Nababakla pati na ang mga pinakamachong basagulerong araw-araw nagji-gym. Nagagawa nitong paiyakin ka sa selos dahil nakita mong may kasama ang taong mahal mo na tanginang kapatid lang pala niya. Nagagawa nitong patarantahin ka maramdaman lang ang yapak ng taong mahal mo isang kilometro mula sa'yo. Nakikinig ka na rin sa mga love songs na ang kokorni ng mga lyrics dahil feel mo nakaka-relate ka talaga sa pagmamahal na ipinangangalandakan ng kumakanta nito. Nakikinig ka na rin sa mga laslas pulso na mga kanta dahil feel mo na rin ang ka-OA-han ng kumakanta na kaya lang naman naisulat ang kantang 'yun ay dahil nilatikan ng bestfriend niya ang boyfriend niyang swag. That guy is a bitch so that song should not be how he hurt her. It should be all about that guy being a fucking retard and the lyrics should be full of shit, literally, because that reflects the guy himself.

Minsan nang iniluwa ni Christian ng Moulin Rouge ang linyang "The greatest thing that you'll ever learn is to love, and be loved in return." Tangina? I'm goddamn loving everyday then why the fuck am I not loved in return? Pessimistic, alam ko. At wala rin pala akong pakialam. Kaya ko namang maghintay. Ngunit hindi ko kaya ang bigat ng oras at pagdurusa sa kakahintay sa taong walang ni isang kuting na ideya na mahal ko siya. At alam ko rin pala kung ano ang gagawin ko: Wag nang maghintay. Sunggaban na. Kung hindi man magpapasunggab, sumunggab nalang sa iba. Pero hindi ganyan 'yan eh. Kahit na anong pambobola at pang-uuto ang gawin mo sa'kin na marami pang isda sa dagat ngunit siya pa rin ang kaisa-isang napakaalat na hipon na gusto ko, none of it fucking makes sense.

Meron pa pala akong tesis proposal na dapat tapusin at ito pa ang inuna ko. Tangina. Wala talaga akong time management, o wala akong oras, o wala lang talaga akong management sa lahat ng mga bagay. Teka, bakit napaka-weird ng lingwaheng Filipino? Thesis = Tesis, Autistic = Otistik, Scribble = Iskribol? At tsaka pala. Bakit panay ang gamit ng letrang "q" ng mga kabataan sa halip na "g" sa text?:

"Waq mo na aqu qaqaquhin." Kung babasahin mo, "Wak mo na aku kakakuhin." Yung iba irarason ay style. Yung iba para raw mabilis ang pag-text. Okay lang sana kung 3310 pa ang phone mo. Eh kung may QWERTY keyboard na 'yan at unli ang load mo, tangina okay lang mag-text ka ng buong paragraph na walang nakakaltas na letra dahil nga ginawang QWERTY ang keypad mo para BUO ang text mo. Nakakaumay din tingnan ang "q" kumpara sa "g" na may artistic curve talaga ang dating.

Osya. I'm tired as a dog but I'll be sleeping like a god now.

ISKRIBOL (Mga Suka ng Isang Bored na Otistik)Where stories live. Discover now