Suka #93

197 5 1
                                    

Kung nakikiusap si Pope Francis na tanggalin ang mga poster na may mukha niya, tanggalin na. Kung nakikiusap si Pope Francis na sana simple lang ang decorations at ang mga preparasyon, gawing simple. Kung gusto ni Pope Francis na kumausap sa mga tao kahit na mababago ang itinerary, hayaan siya. Kung gusto niyang wala nang arte pa, wala nang arte pa.

Simple lang ang taong ito. Hindi na siya kailangan ma-impress sa ganda ng lugar natin. Hindi siya pumunta rito para ma-amaze sa sceneries ng Pilipinas. Nagpunta siya rito upang bisitahin ang mga nagdurusa, mga nawalan, ang may mga mabibigat na problema. Nagpunta siya rito upang sabihin na, oo, mayroon pang pag-asa. Narito siya upang mag-inspect at kung anong makikita niya ay irereport niya kay Lord Jesus. Kung ang makikita niya ay mga rainbow decorations at mga batang nagfi-fake smile kahit na gutom dahil inutusan ni mayor, irereport niya na "Lord, okay lang naman pala sila rito."

Hindi tayo okay dito. Marami ang nagdurusa. Marami ang nawalan. Marami ang may mabibigat na problema.

Once in a lifetime lang itong pagbisita ng Santo Papa. We have this one shot to voice out the truth.

ISKRIBOL (Mga Suka ng Isang Bored na Otistik)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang