Suka #72

201 5 0
                                    

RADIO DRAMA SCRIPT | ANG HALIPAROT NG KALYE TRESE

[STANDARD INTRO/MUSIC TEASER]

[bubungad ang umiiyak na babae]

CLARISSE: Itay! Tama na po! (iiyak, hahagulhol)

MARIO: Tumahimik ka! (sampal)

CLARISSE: Itay, ano po ba ang nagawa kong kasalanan? (iiyak)

MARIO: Simula nang dumating ka sa buhay ko ay nagkasunod-sunod na ang kamalasan! Peste ka sa buhay ko, Clarisse! Peste ka! (sampal)

CLARISSE: Patawad po, itay. (hahagulhol)

JOEL: Mario! Anong ginagawa mo kay Clarisse? Ibaba mo siya sa pader!

MARIO: ‘Wag kang makialam, Joel! Papatayin ko na ‘tong peste na ‘to sa buhay ko!

CLARISSE: Itay, tama na po.

JOEL: Kuya, ang gago mo. Ibaba mo ‘yang anak mo o babarilin kita. (clicks gun)

MARIO: Hindi ako natatakot sa kalibre kwarenta’y singko mo, Joel.

JOEL: Bahala ka, kuya. (tunog ng baril)

MARIO: Ah! (naghihinagpis sa sakit) Bakit mo ‘ko binaril, gago ka?!

JOEL: Ibaba mo si Clarisse o mawawasak na ‘yang ulo mo, kuya.

CLARISSE: ‘Tay, Tiyo Joel, tama na po. (iiyak)

MARIO: Magsama kayong mga peste! (maririnig na aalis ng bahay)

JOEL: Clarisse, hija, tumahan ka na. Wala na ang tatay mo.

CLARISSE: (humihikbi) Bakit po ganoon na lang ang galit sa’kin ni itay?

JOEL: Hindi ko alam, hija. Ngunit alam ko na hindi karapat-dapat na ganito ang pagtrato niya sa’yo.

CLARISSE: Naaalala niya si inay sa’kin, hindi po ba? (humihikbi)

JOEL: Mali pa rin ang ginawa niya sa’yo. Kailangan nating umalis dito. Itatakas kita sa tatay mo.

CLARISSE: Hindi ko po iiwan si tatay.

JOEL: Hija, mamamatay ka sa kamay ng tatay mo. Kailangan kitang ilayo rito.

CLARISSE: Sa’n naman po tayo titira?

JOEL: Ako na ang bahala.

[MUSIC TEASER]

[mga babaeng nagtatawanan]

BOY 1: May bagong ibon raw si Donya.

BOY 2: Ah, birhen ba? Edad? Maganda ba?

BOY 1: Birhen! Kasing-edad ng Lucy mo. Maganda raw sabi ng mga nakakita kagabi.

BOY 2: Aba’y sigurado akong mabigat din ‘yan sa bulsa! Presko, mahal. Alam mo na si Donya, swapang sa pera.

(tatawa ang dalawa)

BOY 2: Itong bagong ibon, ano raw ang pangalan?

BOY 1: Ang narinig ko… Ano nga ba ‘yun… Ah, oo, Clarisse!

BOY 2: Masubukan nga natin ‘yang Clarisse na ‘yan. Matikman kumbaga. (tatawa)

BOY 1: At sa’n ka naman kukuha ng pera, aber?

BOY 2: Eh, syempre, kay misis!

(tatawa ang dalawa)

[MUSIC TEASER/STANDARD INTRO]

DONYA: Oh, ito ang kwarto mo. Nasa baba ang kubeta at ang kusina. Kung may kailangan ka, lumapit ka lang dito kay Poncha.

PONCHA: Hi, ako nga pala si Poncha. Anim na taon na ‘ko rito. Anong pangalan mo?

ISKRIBOL (Mga Suka ng Isang Bored na Otistik)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon