5

73 7 1
                                    

"BAILEY'S POV"

Hinatid ako ni Kenneth dito sa condo pero bago niya 'ko ihatid sympre nag make out muna kami. Nag exchange numbers na din kami para madali naming maco-contact ang isa't-isa, lupet diba? Parang mag jowa kung umasta.

*TOK TOK TOK*

"Come in." Bumukas ang pinto at si Kenneth ang linuwa nito.

"Ang aga mo ata?" Sabi ko sakanya habang nakatingin ako sa salamin.

"Excited eh." Sumandal siya sa sofa naka dekwatro pa, feel at home kapal!

"Ang tagal mo namang mag ayos." Tumayo siya at pumunta sa likod, bale sa salamin niya ako tinitignan.

"Ang ganda ng soon to be girlfriend ko." Hinalikan niya ang braso ko saka ako yinakap sa bewang.

"I love you." Ngumiti lang ako sakanya, sino ba naman ang gagang maniniwala na dalawang araw palang kayong magkakilala eh mahal kana agad? At tandaan, casanova siya di ako magpapa uto duh.

"Dalian mo na." Umupo siya ng tuwid saka ako hinalikan sa pisnge, siya ang lalaking unang humalik sa pisnge ko eh? Seryoso? May iba akong nararamdaman, shit kinikilig ba ako?!

"You're blushing babe." Napangisi siya saka ko siya tinitigan ng masama. "Fine! Ang cute mo lang, sorry." Inirapan ko siya at nag lipstick na ako.

"Bakit andami niyong arteng mga babae?" Sabi niya at pinagmamasdan ang pag lilipstick ko.

"Wala kana don, bakit nagkakagusto kaba sa panget?" Sabi ko sabay irap.

"Oo, mas okay nga yung simple lang eh" Tinamaan ako sa sinabi niya kaya di nalang ako sumagot, sa ganito ako mag ayos eh may magagawa ba siya?

"Pero ikaw, maganda ka naman siguro kahit ano pa ang ayos mo eh." Napatingin ako sa sinabi niya "What do you mean?" Tanong ko sakanya.

"Wala wala, nevermind. Mauna na ako sa labas sumunod kana lang." Tumango nalang ako saka siya lumabas. Bakit ganon? Bakit parang ibang kenneth ang nakikita ko ngayon? Sabagay, hindi ko pa naman siya masyadong kilala eh. Tsaka, ganon naman ang lalaki diba? Mabait pag nanliligaw hays.

Pagkatapos kong mag ayos ay lumabas na ako at nakita ko siyang nag yoyosi kaya agad niya 'yong pinatay.

"Bakit mo pinatay?" Tanong ko sakanya habang tinitignan kung saan niya tinapon yung yosi niya.

"Wala naman tara." Inakbayan niya ako saka kami lumabas at sumakay sa kotse niya.

"Saan tayo pupunta?" Tanong habang inaayos ang seatbelt ko. "Basta." Seryoso? Basta? Tss.

💫

"Sea side?!" Sobrang saya ko sa nakikita ko, mahilig kasi akong tumambay sa sea side eh.

"Nagustuhan mo?" Tanong niya habang nakatingin sa malayo at nakangiti. "Sobra!" Sabi ko at yinakap ang braso niya. Sige pa bailey, lambingin mo pa.

Tumingin siya sa ibang direksyon. "Oh may kwek kwek tara bili tayo!" Naalarma agad ako, tumayo ako saka pumunta sa nag bebenta ng street foods.

Habang kumakain kami ay pinagmamasdan ko siyang kumain.

"Bonjing!" Lumingon siya sakin na parang nabigla pero agad na napalitan iyon ng pagtataka.

"Bonjing?" Sabi niya at kumagat ng kwek kwek.

"Ah wala nevermind." Andami ko na namang iniisip hays. "Kung ano ano na naman ang iniisip mo." Nginitian ko lang siya saka pinagpatuloy ang pagkain.

"Saan ang sunod na gusto mong puntahan?" Sabi niya at tumayo ng maayos. "Hmm, gusto ko sa…" sabi ko at nag iisip kung saan ang pwedeng punatahan.

"Paris. Hahahaha" sabi niya "Paris?" Takang takang tanong ko, seryoso siya?

"Wala, sa park nalang tayo may dirty ice cream don." Naiiyak ako pero hindi ko alam kung bakit. Yung kilala kong casanova na ganito kakalma.

"Tara sa park?" Masiglang tanong niya "Tara!"


Sa park…

"Ayon ice cream!" Hinila ko siya agad don sa nagbebenta ng ice cream.

"Dalawa po." Tinignan muna kami ng tindero saka siya nagsimulang kumuha ng ice cream at umiiling pa, weird.

"Strawberry!!!" Napalingon ako kay Kenneth at napahagalpak ng tawa.

"Bakit ka tumatawa?" Naka pouts siya habang sinasabi 'yon. Shit! Ang cute cute niya.

"Para ka kasing bata eh. HAHAHAHAHAHAHAHAHA" Nag pout lang siya saka ako yinakap ng mahigpit.

"I love you." Andito na naman yung feeling na 'yon, argh! Ano ba. Hays.

Inabot ni manong samin ang ice cream saka kami naglakad lakad.

"This is the best date ever!" Sigaw ko at ngumiti ng malapad. "I know." Ngumiti siya ng tipid pero isa 'yong totoong ngiti.

"Nag enjoy ako, sobra. Thankyou." Sabi ko sakanya at sumandal sa balikat niya. "Ako dapat ang mag thankyou sayo eh. Thankyou babe." Sabi niya at inakbayan niya ako.

"Thankyou? Saan?" Tumingin ako sakanya saka siya ngumiti "Dito.." Sabi niya at hinalikan ako sa ulo ko.

"Sus, ikaw naman nag aya eh hahahaha" sabi ko at yinakap siya sa bewang niya. Sweet namin 'no? Pero wala eh acting lang kasi talaga 'to.

"Thankyou kasi... Aish! Nevermind." Napahilamos siya ng mukha "Ano ngaaaa?" Tanong ko sabay nguso.

"Wala nga, halika na nga ihahatid na kita sa condo mo." Tumayo naman ako ng tuwid sa sinabi niya.

"Ang aga pa!!!" Inis na sigaw ko sakanya

"Pero sa ganitong oras dapat umuuwi kana. Babae ka bailey, tandaan mo." Inirapan ko nalang siya, ano ako maria clara? Ginawa niya naman akong maria clara, parang di niya naman ako kilala eh.

"Let's go."

Sa condo…

Nasa labas kami ng condo ko ngayon, nagpapahangin.

"Di kapa uuwi?" Tanong ko habang naka sandal sa balikat niya habang siya eh inaakbayan ako.

"Uuwi na din ako." Sabi niya "Eh ba't andito kapa?" Tanong ko sakanya.

"Gusto pa kitang makasama eh" bahagya akong napangiti sa sinabi niya.

"Umuwi kana." Sabi ko at umayos ng upo.

"Hays oo na." Tumayo na kami pareho, humarap ako sakanya at tinitigan siya. Hanggang sa nilapat niya ang labi ko, he kissed me gently. Kakaiba ang halik niyang 'to parang may ano mang kuryente na dumaloy sa katawan ko. And after that kiss, saka niya ako yinakap at hinalikan sa noo.

"I love you." Yinakap ko siya pabalik at ngumiti. Pagkatapos ng yakap namin ay nagpaalam na siya.

pumasok ako sa kwarto na may ngiti sa labi ko. May iba akong nararamdaman, at ayoko sa nararamdaman kong 'to. Am i falling for him? Am i falling for the casanova?

💦

FOLLOW. COMMENT. VOTE.

The Bitch and The Casanova (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon