15

15 1 0
                                    

Third Person's POV

Bumangon si Nate saka nagtungo sa kusina nila Bailey at nakita niya si Manang doon na nakaupo.

"Manang?" Sabi ni Nate saka niya ito tinabihan "Oh Nate, akala ko nakauwi kana." Sabi naman ni Manang "Gusto mo ba ng maiinom?" Tanong ni Manang na agad namang tinanggihan ni Nate.

"Asan si Bailey?" Tanong ni Manang "Nakatulog po siya." Sabi naman ni Nate "Mukhang wala pa pala talagang kaalam-alam si Bailey." Sabi ni Manang.

"Haha, opo. At ayokong malaman niya." Sabi ni Nate saka ngumiti.

Isang malungkot na ngiti..

---

Bailey's

"Bumaba kana diyan! Baka ano ang mangyareng masama sayo!"

"Ano kaba bal, ako paba? Ang lakas lakas ko!"

"Isusumbong kita kay Tita tamo!"

"Oo na, ito na bababa na."

"Halika na, uwi na tayo. Baka hinahanap na tayo."

"Bal, I love you!"

"Ano kaba? Baka may makarinig sayo. Alam mo namang bawal diba? Hays. Halika na nga!"

"Bal, sabi ko.. I love you"

"Oo na, I love you too. Ang corny mo."

"Maghihintay ako hangga't sa pwede na. Pangako."

Bigla akong nagising at napaupo sa kama ko. Sino 'yon? Iyong tao sa panaginip ko? Sino siya? Sino sila?

Ang corny ng panaginip ko. Pero ba't ganon? Bakit parang apektadong apektado ako?

"Gising kana pala." Biglang pumasok si Nate sa kwarto ko. Ngayon ko lang napansin na wala na pala siya sa tabi ko.

"Are you okay?" Tanong niya. "Y-yes.." Pagsisinungaling ko "It seems like something's bothering you?" Sabi niya

"Nah. Wala, I'm okay." Sabi ko saka nahiga ulit.

"Hmm, I know you. Alam ko kung kailan ka nagsisinungaling at hindi. Ano nga? Tell me." Pagpipilit niya sa akin.

"Ah, ano.. May napanaginipan ako." Sabi ko "Ano?" Tanong niya habang nakangiti at inaantay ang susunod kong sasabihin.

"A two teenagers. Nasa puno 'yong lalake, I can't see their face clearly. But they're so close. Ano.. Uhm, nag I love you pa sila isa't-isa. It's so weird. Ano ba ang koneksyon ko sakanila?" Sabi ko.

Biglang nag iba ang ekspresyon niya sa kanyang mukha, at tumayo ito. Nawala ang ngiti sa kanyang mukha. Parang nawala siya sa mood.

"Halika na, baba na tayo. Inaantay na tayo ni Manang. Kakain na." Sabi niya saka ngumiti ng pilit sa akin at naunang lumabas.

Wala na lamang akong ibang nagawa kundi ang sundan siya.

---
Okay, Comment & Vote! 🌻

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 11, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Bitch and The Casanova (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon