10

46 3 0
                                    

Nagising nalang ako na nasa isang silid na ako, sinubukan ko namang tumayo pero biglang may humawak sa braso ko

"Wag ka munang tatayo, humiga ka muna" tumingin ako sakanya at nakita ko si Kenneth

"Asan ako?" Tanong ko at inilibot ang tingin ko sa silid na ito "Andito ka sa bahay" sabi niya at kinuha ang tubig mula sa mesa "Gusto mong uminom?" Tanong niya

Agad kong kinuha ang tubig mula sakanya at ininom iyon "Bakit ako nandito?" Tanong ko

"Balak kasi kitang puntahan sa CR kanina nung nakita ko si Nate na lumabas mula doon" sabi niya "At agad kitang nakitang nahimatay" sabi niya

"Asan si Nate?" Iyon agad ang tanong na lumabas mula sa aking bibig

Ngumiti naman siya ng matipid "Ah andon siya may inaasikaso daw. Alam niya ang nangyare sa iyo, at halatang nag aalala siya. Ayos no? Close agad kayo?" Sabi niya at ngumisi

Ngumiti naman ako sakanya at tumango. Parang nakokonsensya ako sa ginagawa namin ni Nate, parang niloloko lang namin si Kenneth

"Anong gusto mong kainin? Nagugutom ka ba?" Tanong niya sa akin, umiling naman ako para sabihing hindi ako nagugutom

"Ano nga palang nangyare sayo kanina? Bakit bigla kang nahimatay?" Tanong niya

"Hindi ko alam, basta ang huling naaalala ko ay... Nag usap kami ni Nate" sabi ko

Alam kong may gusto pa siyang itanong pero parang ayaw niyang ituloy.

"Okay ka lang ba? May iniisip kaba?" Tanong niya ulit "Wala" matipid kong sagot at pilit na ngumiti "Okay lang ako" dagdag ko

Ngumiti siya sa akin, pero hindi yung ngiting masaya. Yung ngiting may lungkot, yun ang ngiti niya

"Sabihin mo lang sa akin kung may gusto kang kainin ha?" Sabi niya at tumayo "Saan ka pupunta?" Tanong ko

"Kailangan ko din munang magpahinga, pagod ako eh" sabi niya "Matulog kana muna" pahabol niya

Tumango naman ako sakanya at ngumiti. Tuluyan naman siyang lumabas ng kwarto, kaya biglang tumahimik ang paligid.

Inaalala ko ang mga nangyare kanina sa CR, ang naaalala ko lang ay nag usap kami ni Nate. Umiyak ako. At...

Biglang sumakit ang ulo ko, at nakarinig ako ng boses.

Medyo sumakit ang ulo ko kaya iniling iling ko ito at mariin kong ipinikit ang mga mata ko.

Siguro nga bawal sa akin mag isip ng malalim. Dahil lang siguro ito sa pagod.

Hinilot ko ang sintido ko, at ipinikit ang mga mata ko. Bigla na namang pumasok sa isip ko ang boses na narinig ko kanina.

Hindi ko maiwasang magtaka kung sino ba ang taong iyon, at kung sino siya sa buhay namin ni Nate.

The Bitch and The Casanova (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon