Chapter 9.1

309 85 43
                                    

Chapter 9: The Failed Mission

Sasha Shannelle's PoV

Nakahinga ako ng maluwag nang makapasok na kami sa loob ng campus. Buti na lang natakasan namin ang mga Chombies, thanks to Mr. Skyler F*cking Lewis and Mr. Sungit, hehehe...

Tahimik kaming naglalakad sa hallway ngayon. Naunang naglakad si Skyler sa amin habang nakasunod naman kami ni Flame sa likuran niya.

Pansin ko na lahat na mga students na nadadaanan namin ay panay ang tingin sa amin. Ito namang si Skyler, panay ang ngiti at kindat sa mga babaeng nadadaanan niya. Todo tili naman ang mga babaeng nakakatanggap ng ngiti at kindat niya.

"Tch! Aba matinde! Nagawa pang maglandi sa ganitong klaseng sitwasyon." bulong ni Flame pero rinig ko since magkatabi lang kami na naglalakad.

Tama nga naman si Flame, parang wala lang kay Skyler ang mga nangyayari ngayon. Base kasi sa nakikitang kong expression sa mga mukha niya, masigla at wala kang makikitang kaba at takot sa kanya. Pero malay ko ba, baka tinatago niya lang ang totoong nararamdaman sa pamamagitan ng mga ngiti niya.

"Narinig ko yun, Flafla!!!"

Nanlisik ang mga mata ni Flame dahil sa maling pagbigkas ni Skyler sa pangalan niya. "Pwede ba, tigilan mo ang kakatawag sa akin ng pangalan na yan. Nakakarindi na ehh! Flame ang pangalan ko, FLAME!!" galit na wika niya at para na ngang umuusok ang ilong niya dahil sa galit. Huhuhu... Nakakatakot pala siyang ma-beastmode.

Tandaan mo Sasha, wag na wag mong gagalitin ang babaeng ito kung gusto mo pang mabuhay ng matagal.

"Hehe ganun ba?"

"Oo ganun nga! Kaya tigilan mo na ang kaka-Flafla mo sakin! Nagkaka-intindihan ba tayo?"

"Okay.....

Flafla."

Tumakbo agad si Skyler bago pa man ihagis ni Flame ang shoes niya sa kanya. Tawa lang siya ng tawa at binangit niya pa talaga ng paulit-ulit ang name na "Flafla" para mas lalo niya pang ma-inis si Flame.

"Lintik ka talagang g*go ka! Patay ka talaga sa akin kapag naabutan kitang h*yop ka!!!" galit na sigaw ni Flame. Pinagtitingnan na sila ngayon ng mga students dahil sa ginawang nilang eksena.

Napa iling na lang ako pero hindi ko maiwasan ang mapangiti habang pinagmamasdan silang naghahabulan. Ang sarap kasi nilang pagmasdan. Para silang mga bata na naglalaro lang ng habul-habulan, hihihi...

Sana ganito na lang palagi ang makikita ko sa paligid. Yung tipong normal lang tulad ng dati, at yung wala ng problema o pagsubok na kailangan pang harapin at labanan. Pero imposible ng mangyari yun, lalo na ngayon...

Zombie Apocalypse: Descending Of The ZombiesWhere stories live. Discover now