Chapter 1

30.7K 544 66
                                    

Hindi ko mapigilan ang kabahan ng sinabi sakin ng mataray na beke na HR Head na gusto raw akong makita ngayon ng CEO at Presidente ng Montejo Empire. Halos hindi parin mag sink in sa ulo ko ang sinabi niyang, tanggap na raw ako! Akalain mo yun, sa halos dalawang taon ko ng paghahanap ng matinong trabaho eh sa isang kalaking kompanya pa katulad ng Montejo Empire ako matatanggap.

Hindi naman sa bobo ako o tamad kaya walang tumatanggap sa akin. Siguro, isa ang KATAKOT-TAKOT kung ITSURA ang dahilan kaya't hindi paman ako nakakapasok sa ina-applayan kong oposina eh hindi na ako tanggap. Hindi ko naman alam kung nakakatakot ba talaga ang itsura ko o kung ano. Buo at kompleto naman ang katawan ko, mayroon namang akong pinag-aralan at sa kaunting pagmamalaki, gumraduate akong Magna Comlaude.

"Pasok," tamad na sabi sakin ni Sir Henry. "Dumeretso ka lang at pag liko mo sa dulo, you will see a wide color gray double door, iyon ang pinto papunta sa opisina ni Sir."

"Eh sir, di-di niyo po ba ako sasamahan?"

Tumaas ang kilay nito ngunit nag alis rin ng tingin sa akin ng tiningnan ko siya sa mga mata, "pwede ba. Wag mo akong titigan! Buti nga nakaya kung samahan kita hanggang dito. Wag na wag mo na akong ulit titingnan sa mata! Sige na, pumunta kana at kanina ka pa niya hinihintay," sabi nito saka pa kembot na nag lakad paalis.

Ano bang problema sa titig ko? LAHAT nalang ng taong nakakasalubong at tinititigan ko ay ganon nalang ang takot. Minsan pa nga ay bigla nalang silang tumatakbo kahit wala naman akong ginagawa sa kanila.

Napabuntong hininga ako saka hinigpitan ang pagkakahawak ko sa strap ng sling bag ko. "Ano kaya ang itsura ng Sir ko? Hindi ko pa siya nakikita sa personal. Nakita ko na siya minsan sa mga magazine at newspaper pero ang mukha niya kung hindi naka tagilid e may suot naman siyang shades."

Pinagpatuloy ko ang paglalakad hanggang sa maka abot ako sa pintong sinasabi ni Sir Henry. Malaki at malapad nga ang pinto. Para namang higante ang nagta-trabaho rito dahil sa taas ng pinto. Napa-iling nalang ako. Ganito siguro kapag magmamay-ari ng isang malaki, matagumpay at mayaman na kompanya.

Kumatok ako ng pang tatlong beses saka automatiko naman itong nag bukas. Halos malula ako sa laki ng loob. Simple lang ang desenyo at mga furnitures pero halatang mamahalin at imported lahat.

Natigil ako sa pagtitig ng mga gamit ng makita ko ang isang malapad na likod na nakatalikod mula sa akin. Marahil ay ito ang boss ko. Ang tangkad niya pala saka ang laki ng katawan. Para siyang isang wrestler. Siguro yong mukha niya parang ganon kabugbog gaya ng mga mukha ng mga wrestler.

Tumikhim ako pero hindi ako nito pinansin. Tumikhim ulit ako, saka ito napatingin sa akin. Nang magtagpo ang mga mata namin ay ganon nalang ang pag bilis ng pag alis ng tingin niya sa akin. Pati ba naman si Sir takot sa tingin ko? Napayuko nalang ako.

"Goo... Good morning Sir," bati ko.

"Sit down."

Ang tipid naman niyang mag salita. Agad na umupo ako sa isang puti at malambot na sofa. Nakayuko lang ako habang nginangatngat ko ang kuko ko.

Nag hintay ako ng salita ni Sir ngunit walang lumabas sa bibig niya, marahil ay hangin lang. Ganito ba talaga siya? Sa pagkakarinig ko kasi mula sa ibang mga employers kanina, matalak daw si Sir lalo na kapag hindi niya nagugustuhan ang mga result ng trabaho nila o kayay pumalpak sila.

"Encode all these data and after you encode these, make a report and presentation about the introduction of Montejo Empire Hotel and Resorts 50th anniversary plus after you make a report, photocopy all these files. Now do it! Hurry!"

Wow. Minsanan lang mag salita si Sir pero kung magsalita siya e parang robot ang inuutusan niya. Mabilis na kinuha ko ang mga tambak na papeles saka dinala iyon sa labas. Interconnected lang kasi ang opisina ko sa opisina niya. Sa pagkakarinig ko rin kasi, ayaw na ayaw niyang may kasama siya sa kanyang opisina o maski sa kahit na anong lugar na pag-aari niya. Kaya nga raw wala siyang driver or bodyguard dahil ayaw niyang may kasama siya.

Irresistibly CaptivatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon