Chapter 2

20.9K 393 35
                                    

Namamaga pa rin ang mga mata ko ngayon dahil sa hindi parin ako naka tulog ng maayos mula sa pag uusap namin ni Sir Gray kagabi. Lahat ng taong nakakasalubong ko ngayon ay umiiwas sa akin dahil para raw akong multong naglalakad sa lupa.

Tahimik lang akong pumasok sa LRT saka naupo sa pinaka sulok. Hindi parin maalis sa isip ko ang sinabi ni Sir Gray sakin kagabi. "I want you to be my secretary, exclusively my personal and private secretary at the same time, my exclusive girlfriend."

Tsaka iyong halik... Iyong halik niya! Iyon pa naman ang first kiss ko. Bakit kaya nagka ganon si Sir bigla? Hindi ko parin siya maintindihan. Hay ewan! Saka ko nalang iyon iisipin, baka trip lang talaga ako ni Sir kagabi. Lagi pa namang laman ng kwento doon sa department na, mahilig raw umano mag bigay ng mga pag subok si Sir Gray.

Ipinilig ko ang aking ulo. Tama! Trip lang siguro iyon ni Sir. Bakit niya naman kasi ako gugustuhin maging girlfriend kung itsura ko pa nga lang katakot takot na.

Pasado alas syete na ako nakarating ng opisina. Tiningnan ko ang kwarto ni Sir Gray ngunit wala pa ang anino niya. Kinuha ko nalang ulit iyong mga tambak na papeles saka pinagpatuloy ang pagtatrabaho.

Nasa kalagitnaan na ako ng pag ta-type sa keyboard ng biglang bumukas ang pinto ng opisina ko. Muntik ng malaglag ang puso ko ng makita kong pumasok si Sir Gray. Naka suot siya ng blue sunglasses at naka suot siya ng kulay puting loongsleeve na naka insert lang sa suot niyang jeans. Naka sapatos lang din ng leather si Sir Gray na mas ikina-pak ganern ng awra niya!

Nakakalaglag puso ang kagwapohan ni Sir! Pero bakit ganito? Bakit ganito ang nararamdaman ko? Ito palang ata ang unang beses na humanga ako sa isang lalaki. Hindi naman na si Sir Gray lang ang kauna-unahang gwapong lalaki ang nakita ko sa Pilipinas ngunit masasabi kung si Sir Gray ang pinaka mukhang perpektong Oppa sa lahat ng nakatagpo kong lalaki sa mundo.

"1 brewed coffee," sabi nito saka nilampasan ako.

Ang sungit ata? Pangit siguro ang gising niya kaya ganon. Tumango lang ako sa nagmamadaling tinungo ang mini kitchen na nasa katabing kwarto lang ng opisina ko. Hindi naman ako nahirapan dahil may coffee maker at kompleto sa recipe ang kusina. Matapos kung makapag timpla ay agad na dinala ko ito sa kwarto ni Sir Gray.

Kumatok muna ako bago tuluyang pumasok sa kwarto niya. Nang makapasok ako'y nakita ko si Sir Gray na may chini-check na mga papeles. "Ito na po Sir," sabi ko saka marahang nilapag ang cup sa mesa niya.

Hindi naman siya sumagot kaya nag bow nalang ako saka tumalikod. Lalabas na sana ako ng bigla akong tawagin ni Sir.

"Please sit down Felice," sabi nito sa kalmadong boses.

Hindi naman ako makapalag kaya umupo narin ako sa harap niya kahit na medyo nahihiya parin ako lalo na kapag hindi sadyang napapatingin ako sa mapupula niyang labi.

"I have a proposal to you."

"Po?"

"Listen to me first before you speak," sabi nito kaya napa tango nalang ako. "I've heard that you are living alone and you don't have any family anymore, am I right?"

Paano kaya iyon nalaman ni Sir? Malamang dahil marami siyang connections. "Ah, oho sir. Bakit po?"

"Just answer, don't question me back, get it?" Iritado nitong sabi kaya tumango nalang ako.

"And as far as the research goes, you've been renting an old and cheap apartment in the squatter area, am I right again?"

"Oho sir," nahihiya kung sagot. Nakakahiya at nalaman niya pa kung saan talaga ako nakatira. Eh ano namang magagawa ng isang hamak ko na mahirap lang talaga.

Irresistibly CaptivatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon