PROLOGUE

12.1K 85 10
                                    

Sya 'yung tipo ng lalaki na mapapatigil ka sandali sa ginagawa mo para lang titigan ang mukha nya. Panandalian kang mapapaisip at mapapatanong sa sarili mo nang, 'Sa tagal kong nage-exist sa mundong 'to, bakit ngayon ko lang nakita ang perpektong biyaya ni Lord?'

Sya 'yung tipo ng lalaking kapag ngumiti, magbabago ihip ng hangin isama na ang mood mo. Mawawala ang bad vibes at darating ang liwanag.

Sya 'yung lalaking umaagaw lagi ng spot light ng iba kahit walang ginagawang effort. Presence nya pa lang, alam na kung sino ang panalo.

Sya ang pinapantasya ng mga babaeng mahilig sa gwapo at hindi na tumitingin sa ugali. Basta gwapo at yummy, in love na agad.

Sya 'yung perfect example ng 'looks can be deceiving' dahil sa likod ng gwapo at makalaglag panty nyang mukha ay ang ugali ng isang 3 years old na batang na-spoil ng mga magulang.

Sayang ang kagwapuhan. Sayang ang mga ngiti nya. Sayang ang pisikal nyang kaanyuan dahil sa ugali nyang kinaiinisan ko.

Ako? Ako lang naman 'yung nag-iisang taong nakasimangot na nakatingin sa kanya habang ang iba ay nakanganga at halos sambahin na ang mukha nya.

Mukha lang naman nya 'yun, walang-wala sa ugali!

Nakakaawa ang babaeng papatol sa kanya. Nakakaawa ang babaeng magpapaalila sa kanya. Kawawa ang babaeng hahawak ng kamay nya sa harap ng altar. Kawawa ang babaeng magsasabi ng yes kapag nagtanong sya nang korning tanong na 'will you be mine?'

Pero nasaan ako ngayon?

Sya at ako. Parehong may luhang pumapatak sa aming mga mata. Parehong dinadama ang bawat sandali.

Parehong nasasaktan.

xxx

Started Editing: July 10, 2016
Finished: xx x, xx

That Famous GUY?!Where stories live. Discover now