Chapter 21

2.5K 29 1
                                    

Guys! Gusto nyo na bang ipost yung new story ko? Comment kayo kung gusto nyo na. 

 Sorry kay Itsmeliahysabel hindi ko madedic sayo. Kasi hindi mo ko fan eh. kaya hindi ko madedic.

Shane <3

_______________________________________________________________________

Chapter 21

“MAREEEEEEEE!”

“Ikaw pala yung parent ni Kath? Kaya pala parang may kamukha si Kathryn eh!”

Huh? Magkakilala sila?

“Ma. Magkakilala kayo?” Natanong ko lang.

“Oo naman. Sya yung kumare ko eh.”

“Ah! Magkakilala pala  kayo eh!” Sab ni DJ.

“O sige. Upo na kayo.”

Umupo na kami. Nagkwentuhan na sila. Sus. Napagkwentuhan pa nga nila yung kasal daw. Eh ang bata-bata pa naming para sa kasal. Tsaka hindi naman kami nagmamahalan eh!

Di nga ba?

Aish. Bakit biglang pumasok sa isip ko yun?

Pagkatapos nilang magkwentuhan. Nagpaalam si mama na ililibot muna daw nila yung bahay naming. So kami lang dalawa ni DJ natira. Tsaka nagpaalam din sila na aalis sila. Maiwan muna daw kami. May tiwala daw sila samin. Kasi maglalakwatsa pa sila. What a parents? Iniiwan lang kami.

“Nakakabored naman.” Sabi ni DJ.

“Oo nga eh! Nood muna tayo?”

“Sige.”

Umupo na kami sa couch. Pumili na kami nang tape. Yung pamagat crazy little thing called Love. Sabi nila maganda daw yun. Pero maganda nga umpisa pa lang. Nakakakilig.

Wala lang. Tahimik lang kami habang nanonood. Sobrang layo nang pagitan naming sa isa’t isa.

“Grabe ka naman Kath. Para naman may sakit ako na nakakahawa at todo iwas ka.”

“Psh.”

“Lumapit ka nga dito.”

“Ayoko nga.”

“Ayaw mo talaga?”

“Ayaw ko nga. Kulit.”

Lumapit sya sa akin.

“O-oy lumayo ka nga.”

Hinahatak nya ako sa gitna.

“Bitiwan mo ako.”

Wala akong nagawa sobrang lakas nya.

Nandoon na kami sa gitna nang couch. Nandoon lang kami nanonood.

Nagulat ako sa ginawa nya. Umakbay sya sa akin. Tiningnan ko sya.

“DJ bitiwan mo nga ako.”

“Eh kung ayoko?”

Pumapalag ako pero ayaw nya talaga akong pakawalan.

Psh. =_=

Kainis.

Sumandal na lang ako sa kanya habang nakaakbay sya sa akin.

Daniel’s POV

Psh. Antukin talaga tong babaeng to kapag katabi ako eh!

Nakatulog sya habang nakasandal sa akin.

Tapos na yung pinapanood namin.

Tiningnan ko si Kath.

Ang himbing nanaman ng tulog nya.

Haay. Bubuhatin ko nanaman ang mahal kong mabigat.

Yeah, you read it. Mahal ko na sya. Hindi ko alam pero, bigla ko nalang yun naramdaman. Tsss. Di ko nga alam kung pano ko naramdaman yun eh.

Binuhat ko na sya papuntang kwarto nya. Hiniga ko sya sa kama at kinumutan.

Pagbaba ko nandoon na sila mama. Gabi na rin eh!

“Si Kath?” Tanong ni mama.

“Ah nasa taas nakatulog eh.”

“Ah salamat Daniel ah.” Sabi nang mama ni Kath.

“Wala po yun. J”

“Tara na DJ. Gabi na rin eh! Sige mare, uwi na kami. Salamat ah!”

“Ah. Sige. Bye.”

Nagpaalam na kami. Haay.

*

Next Day.

SCHOOL.

Haay. Bakit ba kasi ang daming lumalapit na babae sa akin. Natutukso tuloy ako. Ayoko nang magalit sa akin si Kath. Ayokong umiiyak sya dahil sa akin.

Bakit wala pa rin si Kath?

Ayun sila Julia. Pinuntahan ko sila Julia.

“Julia, nakita mo ba si Kath? Bakit di mo sya kasabay?”

“Ah! Aabsent daw sya eh! Di nga sumabay sa amin. Ewan. Basta nagtext lang sya eh. Di nya sinabi yung dahilan kung bakit sya absent.”

“Ah ganun ba? Sige thanks na lang.”

Umalis na ako. Bakit kaya? Ano kayang nangyari dun?

Haay. Di ako makapag concentrate sa lesson, dahil iniisip ko pa rin sya.

Lunch  na pero wala akong kasabay. Ayoko sumabay sa dalawang couple nay un. Ma OOP nanaman ako.

Okay. Buti na lang ang bilis lang nang araw. Uwian na kaagad. Yippee. Mapupuntahan ko na si Kath.

Kath’s POV

Grabe ang sakit talaga ng ulo ko. Di ko alam kung bakit ako nagkasakit. Nagkaroon tuloy ako nang absent. Aish. Nauuhaw ako.

Ayokong istorbohin si mama. Ako na lang ang kukuha nang tubig ko. Kanina tiningnan ni mama yung lagnat ko. Ang taas nang lagnat ko. >.< ayoko sa lahat yung nilalagnat eh.

Bumaba na ako. Pumunta na akong kitchen.

Daniel’s POV

(A/N: Ambilis ba? Hehehe. Basahin nyo na lang. trust me. Okay?)

Dingdong. Dingdong.

May nagbukas nang pinto. Yung yaya nila Kath.

Pinapasok na ako. Kilala nanaman nila ako eh!

Walang tao. Pero pagkatingin ko sa kitchen.

“KATH!”

Nakita ko si Kath na hinimatay.

Pinuntahan ko kaagad sya.

“Kath! Ayos ka lang? Kath gising.”

Medyo inuuga ko sya pero ayaw eh! Nahimatay talaga sya.

“D-DJ t-t-t-tu-l-l-ong…….”

Hinipo ko yung noo nya. Aish. Ang init.

Binuhat ko sya. Pinunta ko sya sa kwarto nya. Buti nakabukas kwarto nya.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Bitin ba kayo? Hahahaha. yung new story ko po tungkol sa aming mag kakaibigan. Kasi po ni request po sa akin ng kaibigan ko na gumawa ako nang story namin. Kaso yung story na yun hindi yun yung totoong nangyari sa totoong buhay. gawa-gawa lang po yun. Gets?

That Famous GUY?!Donde viven las historias. Descúbrelo ahora