UG 3:

39.2K 345 7
                                    

Chapter 3.

"Carina! gising!" Nagising ako sa tapik sa aking pisngi.

Wala sa sarili kong iminulat ang aking mga mata at bigla akong napa-upo ng mukha ni auntie ang namulatan ko,

Tiningnan ko ang kaniyang kamay, wala siyang hawak na timba? Katawan ko naman ang sunod kong tiningnan hindi rin basa? Aba! Bago'to ah! Walang buhusan ng tubig na nangyari! Ano kaya ang nakain ni auntie at 'yon kaya ang ipakain ko sa kaniya araw araw!

"Bakit po auntie?" Papikit-pikit ang mga mata na tanong ko sa kaniya,

Tinaasan niya ako ng kilay,

"Nakalimutan mo na ba? May pupuntahan tayo ngayon kaya bumangon ka na diyan at maligo ka na nang maka-alis na tayo" mahinahon niyang sinabi,

Nagtaka naman ako dahil doon.. may kakaiba talaga Kay auntie ngayon, ano kaya ang nangyayare sa kaniya?

"Sige po auntie, maliligo lang po ako saglit" tugon ko nalang,

"Siyanga pala iyan ang isuot mo" sabi niya sabay hagis sa akin ng isang supot at pagkatapos walang paalam na siyang umalis,

Puno ng pagtataka na binuksan ko ang supot at inilabas ang laman nito at ganoon nalang ang panglalaki ng aking mga mata ng makita ko ang laman nito,



Anong klaseng kasuutan ito? ito yata 'yong tinatawag nilang short-short na halos kita na ang singit ko kapag ito ang isinuot ko tapos 'yong damit naman backless at subang baba ng neckline na siguradong luluwa ang aking dibdib kapag sinuot ko ito, seryoso ba talaga si auntie na ito ang susuutin ko?





---

"Carina! Lumabas ka na! aalis na tayo!" sigaw ni auntie mula sa labas ng aking kwarto,

Dali-dali kong tinungo ang pintuan,

"Auntie sigurado po ba kayo na ito ang susuutin ko?" Alanganin kong tanong Kay auntie,

"Oo bakit? May angal ka?" Nakataas ang kilay niyang tanong sa akin

"E kasi po auntie na iilang po ako eh, at isa pa po makikitaan po ako sa suot kong ito"

"Wag ka ng marami pang reklamo tayo na at tanghali na!" masungit niyang sabi sabay lakad niya pa alis,

Wala akong na gawa kundi ang sumunod sa kaniya habang maya-maya kong ibinababa ang suot kong shorts habang panay naman ang hila ko pataas ng suot kong damit, hindi talaga ako komportable!

Sumakay kami ng jeep ni auntie at halos mga kalalakihan ang nakasabay namin na panay ang tingin sa akin o mas tamang sabihin sa aking dibdib at legs habang matatalim na tingin naman ang ibinibigay sa akin ng mga babaeng nandito lalo na iyong dalawang babae dahil sa akin lagi nakatingin ang asawa o boyfriend nila,

Nais ko na lamang lumubog dahil sa kahihiyan kaya pinilit kong tinakpan ang dapat takpan, 'yong dala kong bag pasimple kong inilagay sa aking hita para matakpan ito habang pinag ikis ko naman ang aking mga braso sa aking dibdib,

"Manong sa tabi lang! Halika na Carina" ani auntie na kaagad na tumayo,

Nakahinga naman ako ng maluwag dahil doon sa wakas makakaiwas na ako sa mga manyak at matalim na mata na naka-tingin sa akin,

"Auntie ano pong gagawin natin dito?" Nagtataka kong tanong dahil nasa highway kasi kami bumaba,

Hindi niya ako sinagot at ng may dumaang tricycle kaagad niya itong pinara,

"Saan po kayo ma'am?" Tanong ng driver noong makasakay na kami,

"Sa salviera tayo Manong" Tugon ni auntie at hindi sinasadyang mapadako ang aking tingin kay manong,

UNDERGROUND [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon