UG 14:

28.9K 351 21
                                    

Chapter 14.



Carina.

Pakanta-kanta lang ako habang nasa harap ng salamin. Hindi na nawala ang pag kakangiti ko simula noong sinabi ni inday na isasama niya ako sa day off niya at ngayon nga ang araw na iyon!

Kaya naman subrang saya ko dahil sa wakas ay makakalabas na rin ako dahil simula noong napunta ako dito hindi ko na nasilayan kung gaano kasikip ang edsa.

Pagkatapos kong ayusin sa pagkaka lugay ang aking buhok napag pasyahan ko ng lumabas.

Simple lang ang ayos ko ngayon naka off shoulder 'yong pantaas ko na umabot lang sa kalahati ng tiyan ko kaya kitang kita ang aking pusod. samantalang maikling short naman ang pang ibaba ko.

Sa totoo lang first time ko pa lang mag suot ng ganito kahalay na outfit at alam kong mababastos ako nito ng wala sa oras pero gusto ko lang talagang subukan ang mga bagay na hindi ko nagagawa noong nasa puder pa ako nila auntie.

Hindi ko naman kasi magawang mag suot ng ganito dahil kay kuya ariel. short na may kahabaan pa nga lang ang suot ko noon pero kong makatitig siya sa legs ko parang gusto na niyang sunggaban ito.

Abot tenga ang pagkakangiti ko habang patungo ako sa kwarto noong halimaw. Magpapaalam kasi ako at baka bumuga nanaman iyon ng apoy kapag nalaman niyang umalis ako.

Kaagad akong kumatok nang makarating ako sa harap ng kaniyang kwarto. May naririnig akong yabag na papalapit pero hindi naman bumukas ang pinto kaya nagsalita na ako.

"JK puwede ba kitang maka usap? may sasabihin lang sana ako" Kinakabahan kong tanong. nilakasan ko pa ang boses ko para siguradong marinig niya.

"No! I'm busy"

Napanguso nalang ako sa narinig.

E di wag! ang sungit! maka alis na nga!

Nag dadabog na humakbang na ako palayo ng kaniyang kwarto.

Busy my ass! bakit ba ang sungit ng halimaw na 'yon? ganoon ba talaga siya tuwing umaga? Parang laging may dalaw? at isa pa may itinatago ba siya sa kaniyang kwarto? lagi nalang kasi niya akong sinasaraduhan kapag nasa harap na ako ng kaniyang pinto.

"Ewan manang pababa na si-- ay! butiking maganda!" Nanlalaki ang mga mata na tumingin sa akin si inday pagkababa ko.

"Ang ganda ko namang butiki inday" naka ngiti kong Biro sa kaniya. pero hindi siya natinag at na mamangha na hinagod niya ako ng tingin.

"Ikaw ba talaga iyan Carina? grabe ang sexy mo!" Hindi makapaniwala niyang sabi. habang na iiling naman si manang habang naka ngiwi ang mukha na naka tingin sa akin.

"Hindi kaya subrang ikli naman niyang suot mo hija? marami pa namang loko loko ngayon  baka mabastos ka niyan" Nababahalang komento ni manang.

"Ako na po ang bahala sa kaniya manang. dudurugin ko po ang mga egg pie ng mga mag tatangkang mambastos kay Carina" mayabang na sabi ni inday sabay akbay niya sa akin.

Samantalang nanlaki naman ang mga mata ni manang sa narinig mula kay Inday

"Inday! Iyang bunganga mo rendahan mo nga iyan! kung ano-ano nalang ang lumalabas diyan! diyos kong bata ka! Hala humayo na kayo at baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at makurot kita sa singit inday!" Na iiskandalo na sabi ni manang. natawa nalang ako.

Sumimangot naman si inday.

"Bye po manang! subukan niyo pong mag asawa para matikman niyo rin kung gaano kasarap ang sex!" Pahabol na sigaw ni inday habang nag lalakad na kami palabas.

UNDERGROUND [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon