UG 25:

27.1K 371 18
                                    

Chapter 25.

Continuations.

"Kaya mo 'yan Carina. mag uusap lang kayo. walang milagro na magaganap sa loob kaya relax lang" Parang tanga na pagkausap ko sa aking sarili.

Kanina pa kasi akong nakatanga dito sa harap ng pintuan ng kwarto ni JK at sa tuwing tatangkain kong buksan ito bigla nalang akong natitigilan at ibayong kaba ang aking nararamdaman. naduduwag ako!

Gusto ko na tuloy kutusan ang aking sarili. ngayon ko pinagsisihan kung bakit naisip kong sa kwarto pa niya makipag-usap sa kaniya.

"Come on carina!. mag uusap lang kayo kaya wag kang oa!" tila naririnig kong sigaw ng aking isip.

"Carina. binubuksan 'yan. hindi dinadasalan"

"Ay! butiking panot" bahagya akong napalundag ng biglang may nagsalita mula sa aking likuran kasabay ng pag tapik sa aking balikat.

Kaagad akong lumingon at ang naka simangot na si inday ang aking nakita.

"Grabe ha? sa ganda kong ito? sa butiki mo pa talaga ako ikukumpara? hustisya naman teh?!" Naka nguso niyang sabi.

Inirapan ko naman siya.

"Sino ba ang parang kabote na bigla nalang sumusulpot diyan? buti nalang wala akong sakit sa puso kundi kanina pa ako na tigok dito"

"Duh! masyado kang oa at sino din ba ang mukhang baliw na kinakausap ang sarili? Teka nga lang! ano ba ang ginagawa mo dito sa labas ng kwarto ni señorito? at ano ba ang mayroon diyan sa pintuan at inuorasyonan mo 'yan?" Sunod-sunod at nakangisi niyang tanong.

Nagkakamot sa ulo na nag iwas ako ng tingin sa kaniya.

Kanina pa ba siya sa aking likuran? bakit hindi ko man lang yata naramdaman ang kaniyang pagdating?

Nagulat nalang ako ng bigla niya akong hinawi at mabilis niyang binuksan ang pintuan ng kwarto ni JK.

"Ano sa tingin mo ang gina-- aray! bakit ka ba nanunulak?" Inis kong sigaw sa kaniya dahil muntik na akong sumubsob sa sahig ng walang pakundangan niya akong itinulak papasok sa loob matapos niyang mabuksan iyon buti nalang naitukod ko kaagad ang aking kamay kaya mahina lang ang pagkakabagsak ko.

Pagkatapos ay nakangisi niya akong tiningnan habang naka sandal siya sa hamba ng pintuan.

"Tinutulungan lang kita sa problema mo ang dami niyo kasing arte sa buhay bagay nga kayo noong HB mong sinisinta pabebe masyado. will you stop acting like a wild? gumagawa na nga kayo ng bata kaya sana naman mag mature na rin kayo. Hindi niyo ba alam na marami ng kapitbahay namin ang namatay dahil sa pagpapabebe?" Naka pamaywang niyang sabi habang nakataas ang kilay na naka tingin sa akin.

"Bunganga mo inday at isa pa child yun hindi wild at ano namang paki ko sa mga kapitbahay niyo?" sabi ko sabay tayo ko mula sa pagkaka-salampak ko sa sahig.

"Sus! pareho lang 'yon magkatunog naman at itong bunganga ko kamo? marami nang jumbo hotdog ang naglabas masok dito. ang sarap kaya sumipsip ng hotdog lalo na 'yong may pagkamakatas" Laglag ang aking panga sa kaniyang mga pinagsasabi.

Kinindatan pa niya ako na para bang tuwang tuwa siya sa kaniyang mga sinasabi habang abot tenga ang kaniyang pagkakangiti. bigla akong kinilabutan.

"Inday!! rendahan mo nga 'yang bunganga mo!" Naiiskandalo kong sigaw sa kaniya nang natauhan ako sa pagkabigla dahil sa kaniyang mga
sinabi.

Pakiramdam ko subrang pula na ng aking mukha ngayon.

Nakakalokong ngisi ang ibinigay niya sa akin.

"Ay! pa virgin lang teh? don't me beshie. parang hindi ko pa alam na ilang ulit ka nang nilaspag ni JK" naka irap niyang sabi.

UNDERGROUND [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon