Chapter 5~ The Chocolate

71 2 4
                                    

Jae' POV




"Hello... Mic test? Hello?? 1.2.3.... ehem!!" biglang nagsalita ang SSG President namin sa mini-stage ng cafeteria.  Okay lang if hindi lahat ng studyante nandito.  May mga speakers naman kahit saan'g sulok ng university.



"Ano na naman kaya ang idadagdag niyang policy?" biglang sumipot naman itong si Aika.  Kasi sa tuwing may iaannounce itong SSG President namin ay kadalasan tungkol ito sa bagong policy sa university.



"Simula sa oras na ito!  Ayokong makakita na may gumagamit na RED LIPSTICK na studyante! Especially to girls! Kung sino man ang hindi susunod sa policy ay bibigyan ng parusa and their lipstick will be confiscated.  Isa po itong university o paaralan! Hindi CIRCUS O CHILDREN'S PARTY kung saan maraming clowns!  Pink is better atleast di kayo magmukhang clown.  Nagkaintindihan ba tayo?!" sabi ni Ms. Pres.



"What??! I just bought my revlon lipstick a while ago and you don't want us to WHAT IS THAT AGAIN?!" reklamo ng isang babae.



"Student of Maverick's University, uulitin ko ang sinabi ko kasi obviously may BINGI dito. Simula sa oras na ito!  Ayokong makakita na may gumagamit na RED LIPSTICK na———-"



"You can't do that!! My lipstick is very expensive———" putol ng kasama nung babae.



"The hell I care about your stupid lipstick! If you don't like my policies then pack up your lame bags and get the hell out of here." kalmadong sabi ni Ms. Pres.



Teka? pamilyar yung accent ng english niya??



"Ikaw Jae, hindi ka ba naglilips-stick?" tanong ni Troy na siyang katabi ko sa table habang nakikipagtalo pa rin yung babae tungkol sa panibagong policy ng university.



"Ahahah! Ako? Di na kailangan. Tingnan mo yung lips ko, pink diba?" sabi ko sabay turo sa lips ko.



"Besh, wag mo nang ipagmalaki ang mala-dry mong lips." pang-iinsulto ni Aika sa'kin.  Ewan ko ba kung panu ko naging kaibigan ang babaeng ito?!



"Yeah. You should wear lip gloss or lip bam, atleast." dagdag pa ni Troy! Buset! Napahiya pa ako sa crush ko!!  Pero bakit alam ni Troy ang mga ganun'g bagay??



"Ahm, matanong nga kita Troy, how did you know all those stuffs?——Awwwh!" napasigaw si Aika sa pagkirot ko sa tagiliran niya.  Pano kasi, yung tanong niya, pinapalabas niyang BAKLA ITONG TROY KO!!

Mr. Nice Guy vs Mr. Bad GuyWhere stories live. Discover now