Chapter 17 ~

17 1 0
                                    

Third Person's POV


Kasalukuyang nasa SM si Migz gumagala.  Humahanap ng mapagtrip-an.  Sawa na rin kasi siyang tumambay sa gamezone sa university nila.  Kaya ito, paporma-porma sa mall.


"Woah~ Sexy" napatanggal ng shades si Migz nang may nakita siyang isang babaeng nakatalikod habang nakasuot ng denim shorts and a simple shirt on top habang busy ito sa pagte-text.


"Malapitan nga.."  pasimpleng nilapitan ni Migz ang babae at binangga ang balikat nito on purpose just to start a conversation.


"Ehem, opps----- sorry----" bati niya sa dalaga at lumingon ito sa kanya.


"Hi, Migz!!!"


"Oh shit~!" tatakbo na sana si Migz nang biglang hinawakan ang kwelyo niya.


"At saan ka pupunta? I was about to call you. See? We're destined for each other.  Samahan mo akong mag-shopping." walang nagawa si Migz dahil huli na para tumakbo siya sa mga kamay ni Yunna.


Pumasok na sila sa department store at dumiretso sa women section.


"Migz, anong sa tingin mo?" tanong ni Yunna kay Migz sabay angat sa floral top sleeveless.


"Mmmm.." walang ganang pagsang-ayon ni Migz.


"Ayh, ayoko nalang. Dun tayo!"


Halatang walang gana si Migz at medyo naiirita na siya.


"Stay here. I'll just try on this.  Wag na wag kang magkakamaling umalis." banta ni Yunna sabay pasok sa isang fitting room.


"Do I have a choice?" kahit gusto pa man umalis ni Migz ay wala rin siyang magagawa kasi kanina pa sila paikot-ikot sa store at tinatamad na siyang maglakad.


"Bagay na bagay po kayo." sabi ng saleslady.


"She's not my girl.." sabi na lamang ni Migz habang nakaupo sa upuan para magfit ng mga sapatos.


First out ni Yunna galing sa fitting room.


"How about this?"


"Okay" walang ganang sagot ni Migs.


"Ayoko.." sabi naman ni Yunna pagkatapos.


2nd...


"This?"


"Yeah..."


"Parang ayoko pa rin."


Mr. Nice Guy vs Mr. Bad GuyWo Geschichten leben. Entdecke jetzt