Fourteen: Secretary

25.9K 504 20
                                    

Ayue's Pov

"Sigurado kana ba sa desisyon mo hija?" Kalmadong tanong ni ma'am Ziah sa akin.

Kasalukuyan akong nasa office nya at hindi namin inaasahan na mabilis syang makakabalik.

After ng 3days vacation namin ay back to normal na ulit lahat.

Wala naman na akong nasaksihan ulit na malagim na pangyayari gaya nung gabing yun.

Pero napansin ko naging seryoso ang mga Black Reapers nung mga sumunod na araw...

Para silang security guard kung makabantay sa buong lugar.

Iniisip ko nga yung limang yun ang pumatay sa limang lalaking namatay dahil sa balang bumaon sa ulo nila.

Pero... bukod sa wala akong ebidensya, mukha namang wala silang alam sa nangyari.

Aish! Bahala na nga ayaw ko na isipin yun, natrau-trauma lang ako.

Ibinalik ko ang atensyon ko sa kasalukuyan.

"Opo ma'am sigurado na ako, tatangapin ko po ang alok ni sir Stephen na maging secretary nya" magalang kong sagot.

Ngumiti sya at hinawakan nya ang kamay ko...

"Isa lang ang ipapayo ko sayo hija... basahin mo muna ang kontrata bago ka pumirma okay?" Nakangiting wika ni ma'am Ziah.

Nginitian ko din sya at tumango ako.

"Tatandaan ko po yang payo nyo ma'am" masayang sabi ko.

"Good. At isa pa anuman ang desisyon na gawin mo sa buhay mo wag mong pag sisihan dahil kung nag kamali ka man meron at merong paraan para maitama ito" sabi pa nya na hindi man lang nabubura ang ngiti sa labi nya.

"Salamat po ma'am hindi ko po kakalimutan ang mga payo nyo" naiiyak na sabi ko.

Tumayo sya at niyakap ako...

Sana sya nalang ang naging nanay ko, napaka swerte ni Stephen na meron syang nanay na ganito kabait.

"Sige po ma'am mauna na ako. Salamat po ulit" sabi ko at humiwalay sa yakap nya.

"Mag ingat ka salamat din sayo" sabi nya at tuluyan na akong lumabas.

Sa labas ng office naabutan ko ang dalawa kong bessy.

"Waaahh! Bessy iiwan mo na ba talaga kami?! Mami-miss kita ng sobra" mangiyak ngiyak na sabi ni Jasmin.

"Tigilan mo nga ako bessy, sa inyo naman ako umuuwi remember?" Paalala ko sa kanya.

Bigla naman syang napangiti at niyakap ako.

"Tsk wala na akong makaka kwentuhan dito" nakapout pa na sabi nya

"Andyan naman si Rose Ann eh, diba?" Sabi ko at bumaling kay Rose

Ngumiti sya at yumakap din sa amin.

"Oo naman. Mami-miss ka namin dito bessy! Kapag inapi ka nila dun isumbong mo sa akin agad ha!" Bilin ni Rose.

"Sige. Mami-miss ko din kayo mga bessy!" Sabi ko at niyakap ko sila ng mahigpit.

"Wag kana kaya umalis bessy?" Suggest ni Jasmin.

Humiwalay ako sa pagkakayakap nila at nginitian ko sila.

"Magandang opportunity na to mga bessy kaya hindi ko na to papakawalan pa" nakangiting paliwanag ko sa kanila.

"Sige na nga. Masaya kami para sayo bessy" sabi ni Rose.

"Ohh sya sige na kailangan ko ng umalis ingat kayo dito mga bessy" sabi ko at niyakap ko ulit sila at umalis na ako.

Napabuntong hininga ako...

Hot Night With My Boss [UNDER REVISION]Where stories live. Discover now