ThirtySix: NewLife

16K 488 80
                                    

Ayue's Pov

(One year later)

"Ate gumising kana dyan" rinig kong sabi Ezra.

Idinilat ko ang mga mata ko, mataas na pala ang sikat ng araw kaya agad akong bumalikwas ng bangon.

"Bakit ngayon mo lang ako ginising?! Aish! Baka wala na naman akong mahanap na trabaho" sabi ko at madaling tumayo at kinuha kaagad ang tuwalya ko.

"Tsk. Kanina pa kita ginigising ayaw mong bumangon" sabi nya na kumakamot pa sa batok nya.

Napailing nalang ako at hindi na sya pinansin at agad akong pumasok sa banyo para gawin ang dapat gawin.

Isang taon na akong nakatira dito sa Seoul, South Korea, at wala akong mahanap na trabaho dahil hindi ako marunong mag salita nang lengwahe nila.

Karamihan sa mga restaurant dito ay korean ang may-ari kaya hindi ako makapag-apply.

Well, sa maniwala kayo't hindi hanggang ngayon hindi pa ako marunong mag korean language.

May alam ako unti nga lang kaya hindi sapat yun para makipag communicate sa kanila.

Nag search ako ng mga restaurant na pilipino ang may ari sa kabutihang palad ay may mangilan ngilan na malapit dito sa tinitirhan namin.

Kahit sabihin kasi nila mama at papa na okay lang kahit mamasyal lang ako buong buhay ko okay lang dahil may trabaho naman silang dalawa, pero dahil hindi ko feel na maging turista nalang palagi kaya heto mag hahanap ako ng trabaho.

Matapos ang ilang minuto ay natapos na din ako sa pag aayos ng sarili.

Dahil hindi naman malamig ang panahon ngayon dito ay pinili ko nalang mag suot ng above the knee na high waste palda na kulay brown at tinernuhan ko ng puting t-shirt na itinack-in ko at sinuot ang converse shoes ko na kulay puti.

Pagbaba ko ng kusina ay nakita ko si mama na nag hahanda ng pagkain.

Naka-upo na dun si Ezra pero hindi ko napansin si papa.

"Asan si papa?" Tanong ko at umupo sa hapag kainan.

Nakasanayan ko na kasing abutan silang tatlo na nakapwesto na sa hapag kainan.

"May maagang meeting kasi sya ngayon kaya maaga din syang umalis" nakangiting sagot ni mama at inilapag ang pag kain sa lamesa.

Nag lagay ako ng pagkain sa plato ko at agad isinubo ito.

"Dahan dahan baka mahirinan ka" saway sa akin ni mama.

"Naku ma! Nag mamadali kasi yan si ate baka daw hindi ulit sya makapag-apply" sabi naman ni Ezra.

Napangiti naman si mama

"Okay lang kahit hindi ka makahanap ngayon madami pa namang susunod na araw eh" sabi nya.

"Ma, nakakapagod kaya mag pahinga" nakangiting sagot ko at humigop ng kape.

"At isa pa ayaw kong naka-tambay lang dito ma, namimiss ko ng mag trabaho." Dagdag ko pa.

Bumuntong hininga ito.

"Kunsabagay, sige anak sana makapag trabaho kana" nakangiting sabi nya.

Ngumiti naman ako at ipinag patuloy ang pagkain.

Pagtapos kong kumain ay tumayo na ako at ililigpit ko na sana ang pinag-kainan ko pero pinigilan ako ni mama.

"Sige na anak, ako ng bahalang mag ligpit nyan" sabi nya.

"Pero ma ako na po ito" pag pe-presinta ko naman.

"Bukas ka nalang mag ligpit, may pupuntahan ka pa diba? Kaya sige na umalis kana" pag tataboy nya sa akin.

Hot Night With My Boss [UNDER REVISION]Where stories live. Discover now