Seventeen: FirstDate

26.4K 519 28
                                    

Ayue's Pov

"Bessy ano ba talagang work mo? Secretary o dancer sa bar?" Tanong ni Jasmin sa akin pagka labas ko ng banyo.

"Bakit bessy? Anong problema mo?" Takang tanong ko sa kanya

"Tignan mo nga yang suot mo, ang sexy masyado labas na yata kaluluwa mo!" Puna nya sa suot ko.

Tinignan ko ang outfit of the day ko... Hindi naman malaswa ah.

Medyo lang...

I was wearing baby pink dress na sphaghetti strap na medyo backless at v-neck kaya medyo labas cleavage.

Isa kasi sa mga nakalista sa listahan ng mga plano ko kung pano sya mahuhulog sa akin ay ang mag paganda para sa kanya...

Which is napaka effortless para sa akin dahil alam ko naman na maganda ako.

At syempre wag na kayong kumontra dahil maganda naman talaga ako okay?!

Ibinalik ko ang atensyon ko kay Jasmin.

"Okay lang naman tong suot ko ah! Ganito talaga suot ng secretary ano ka ba bessy!" Sagot ko sa kanya at tinanggal ang tuwalya na nakabalabal sa ulo ko.

"Suss, baka nag papa-sexy ka lang para kay sir Stephen" nakangiting pang aasar ni Jasmin sa akin.

Ibinato ko sa kanya yung hawak kong tuwalya.

"Gaga. FYI bessy, hindi ko na kailangan mag pa-sexy dun dahil inborn na sa akin ang pagiging sexy" nakapamewang na sabi ko sa kanya.

"Ang hangin naman bessy" pang aasar nya.

"Kulang pa nga yan para lumipad ka eh" sarcastic na sabi ko sa kanya.

"Tss. Ohh sya mag fla-flylalu na talaga ako dahil male-late na ako" paalam nya at inayos ang mga gamit "ikaw na bahala dito okay?" Bilin nya at humalik sa pisngi ko.

"Okay ingat ka. Ikamusta mo nalang ako kay Rose ha" sabi ko sa kanya.

"Okay noted! ikaw din" sabi nya at tuluyan ng umalis.

Inayos ko ang itsura ko, apply lang ng light lipstick at konting press powder. Hinayaan ko nalang ilugay ang buhok ko.

Ayuko nag a-apply ng eye shadow dahil nakakapangit lang yun.

Nung nakuntento na na ako sa itsura ko ay inayos ko na ang mga gamit ko tsaka na ako lumabas ng bahay at nag abang ng masasakyan.

Ilang minuto na ang nakakalipas pero wala pading dumadaan na sasakyan.

Kung hindi kasi puno at private vehicle naman.

Habang nag aantay ako ay napansin ko ang isang lalaki sa kabilang parte ng kalsada na kinakatayuan ko.

Nakatingin ito sa akin at para bang pinag aaralan ang bawat galaw ko.

May kausap ito sa cellphone nya at sa hindi ko malamang dahilan ay nakatitig lang ito sa akin.

Hindi ko alam kung bakit ako nakakaramdam ng kaba pero binalewala ko nalang ito at ibanaling ko ang atensyon ko sa ibang bagay.

Lord sana naman po may dumating ng masasakyan kasi kinakabahan po talaga ako.

At maya maya pa ay may pumaradang kotse sa harap ko.

Tinignan ko kung sino yung driver at shez ang gwapo talaga.

Bumababa ito at lumapit sa akin

"Good morning drop-dead lady" nakangiting bati sa akin ni Gray.

Ngayon ko nalang ulit sya nakita, tagal nya ding hindi dumadaan dito sa bahay.

"Good morning handsome!" Ganting bati ko. "Kamusta ka na?" Tanong ko.

Hot Night With My Boss [UNDER REVISION]Where stories live. Discover now