Chapter 1

5.9K 194 145
                                    

Chapter 1

"Mama, Mama, Mama. Huhuhu! Nawawala po Mama ko!!!! Mga Ate, Kuya? Nakita niyo po ba si Mama??" Iyak ako ng iyak habang nagtatanong sa mga taong nakikita at nakakasalubong ko. Nasa park kami ng Mama ko ngayon dahil routine na talaga namin ang pumasyal kada-sabado pero bigla na lang siyang nawala sa paningin ko.

"Kawawa naman 'yong bata oh. Saan na kaya ang kasama niya?"

"Saan ba mga magulang niyan?"

"Nako, kay gandang bata pa naman. Baka kidnapin pa 'yan"

'Yan ang mga naririnig ko sa mga tao dito. Bakit marami atang mga tao ngayon. Iyak pa rin ako ng iyak dito sa inuupuan ko. Natatakot ako, baka tuluyan na talagang mawala si Mama o hindi kaya kidnapin ako at ibenta. Huhuhu. May tumabi sakin at inabutan niya ako ng panyo pero hindi ko ito nilingon.

"You know what?? Stop crying, pangit ka na nga, pumapangit ka pa lalo".

Halaaa. Nagsalita 'yong katabi ko. Akala ko kidnapper. Lalaki pala at ka'edad ko lang ata Ito. At ano daw?? Sinabihan niya ako ng pangit??

"Huhuhu. Mama. Mama. Mama" Singhot ako ng singhot habang natawag kay Mama pero wala pa din siya. Hindi ko pa rin makita ang Mama ko. Waaaaa.

"Disgusting" bulong niya pero dinig na dinig ko naman.

"A-alam mo, kapal ng mukha mo. T-t-tulungan mo nalang ako hanapin ang Mama ko. S-sinabihan mo pa ako ng pangit. H-hndi ka naman gwapo. F-feeling lang." Sabi ko sa kanya ng dire-diretso at hindi pa rin nililingon.

"Okay clums, I'll help you find your Mother. Just stopy crying. You're disgusting" At inabot niya sa'kin ang panyo para punasan ko ang mga luha ko. Nilingon ko ang lalaki para makuha ang panyo at sa paglingon kong 'yon, pinagsisisihan at pagsisisihan ko habang buhay ang mga sinabi ko sa kanya na feeling gwapo lang siya. Totoo ba talaga itong nasa harapan ko?? Hindi nga ba ako nananaginip?? Para siyang isang character sa fairy tale movie. Isang prinsipe at ako naman ang kanyang prinsesa. 

Simula nung pangyayari, siya na talaga ----- Siya na talaga ang bumihag ng aking singkit at magagandang mata. Ay, akalain mong alam ko na ang mga ganyan noong 7 years old ako?? Makakita ka ba naman ng ganoong klaseng nilalang hindi mo pa malalaman ang salitang CRUSH??

7 years na nga pala ang dumaan at hanggang ngayon, crush ko pa din siya at sariwang-sariwa pa din sa akin ang mga iyon. Para bang, kahapon lang nangyari. Ewan ko lang kung ganoon din ba para sa kanya. Siguro hindi niya na 'yun natatandaan. Buti pa siya, alam ko lahat ng tungkol sa kanya. Updated pa! Eh ako?? Ni pangalan ko, hindi niya alam. Haybuhay, ang unfair. Unrequited Love nato! Hahah T.T

"Omaygolee girl!! Ayan na. Ayan na si Personal Computer mo!!" Sabi ng bakla kong kaibigan sa'kin habang nagtititili at nanghaharass pa talaga. Naputol tuloy pagda-drama ko. Tiningnan ko ang tinutukoy ng bakla at ... papersheet, gumagwapo talaga siya sa paningin ko kada araw. Hahaha!

"Kita ko siya girl. Huwag ka nga mang-harass! Gumagwapo lalo noh?" 

"Ay! Sinabi mo pa! Paano nalang kaya pag nagcollege na tayo?? Magpapatayan na siguro mga babae dahil sa kanya eh"

"Mga loko kayo!! Pinagpapantasyahan niyo pinsan ko ah " Nichole Charishmae

Siya nga pala si Charishmae Nichole Gacosta. Huwag niyo siya tawagin sa real name niya, dahil makakatikim talaga kayo. Mas gusto niyang tawagin siyang Nichole. First cousin siya ni Personal Computer ko at isa sa bff ko. 3 kasi kaming mag-bestfriends. Ako, Si Nichole at si Maikko Tse este Maikka Tse daw! Ang GODDESS sa aming tatlo.

"Duh girl, masama bang pagpantasyahan ang gwapo mong pinsan?? Minsan naiisip ko kung magkadugo ba talaga kayo. Bakit anlayo-layo ng mukha mo sa kanya?" Pang-aasar ni Maikka. Haha. Natawa na lang tuloy ako.

"Hmmp! Ang sama niyo talagang dalawa!" Pagtatampo ni Nichole

"Hindi naman talaga pangit si Nichole ah?? Bakit ka ba ganyan bakla?? May HD ka ata sa kanya e? Hahaha" Pagde-depensa ko kay Nichole at para na din maasar si Maikka. Kapag ksasi inaaway ni Maikka si Nichole, yan talaga sinasabi ko.

"Yuuckkkk!!! Over my dead body," Sabay pang sabi nilang dalawa. Oh kitams? Haha! Parang iisa ang utak. Pwede na :D

Huwag mong sabihin may namumuong lovelife dito sa kanilang dalawa?

A/N: Hi ito na po ang first chapter. Just read :)

My First Crush <3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon