Chapter 4

2.5K 105 41
                                    

Hello everyone. Pasensya na sa mga grammatical errors atsaka ung mga typos ha? Di ko din na bold and na italic ang important words. Di na un importante eh. Ang message lng gusto kong ishare dito sana magandahan po kayo :) God Bless Ü all po.

Chapter 4

One week na ang lumipas simula nung insidente pero hindi ko pa rin nakikita ulit ang lalaking iyon. Gusto ko siyang makita ule dahil marami akong mga katanungan sa kanya pero paano ko nga ba siya mahahanap??

Pangalan lang ang alam ko tungkol sa kanya dahil sa facebook pero hindi din ako sigurado kung yon ba talaga ang totoong pangalan niya. Malay ko ba kung alyas lang yon pero yung DP naman, eh 'yong mukha niya. Hindi ko talaga alam kung dito rin ba siya nag'aaral, kung anong year level na siya o di kaya kung taga saan ba siya.

Paano ba naman ang nakalagay na info sa fb niya ay sa DUP daw siya nag'aaral. K2 at taga'Antarctic. Tama ba naman yon?? Kahit anino niya, di ko talaga mahagilap. Napaka-mysteryoso pa niya. Alam na alam ang mga impormasyon tungkol sakin. Impossible naman atang hindi din siya tga'rito kung alam niya mga yon??

Basta mukha siyang gangster na mayaman. Matangkad. Matangos ang ilong at ang ganda ng mga mata niya.

Kahit gabi na yon, alam na alam kong maputi at makinis ang mga balat niya.

"Aaaaah!!! Mababaliw nako nito!" Sigaw ko habang napasabunot sa buhok. Hindi din naman ako maririnig ni Mommy. Tsk. Ayaw pa rin talaga mawapa sa isip ko ang lalaking certified bingi na yon.  Antagal naman dumating ng mga magaganda kong kaibigan. Kanina pa ako hintay ng hintay ah.

Mga 1 hour na din. Akala ko ba mamimili kami ng mga damit dahil christmas party na bukas? Pero bakit hindi pa rin dumadating. Matawagan nga.

*Calling Nichole*

"Sagotin mo Nichole. Please lang"

(Hey, best! Sup? Hehe) Bati ni  Nichole.

"Wow teh! May gana ka pang bumati saken na ganyan? Asan naba kau? Kanina pa ako naghihintay dito"

(Ah. Hehehe. Ikaw talaga, mainipin mo. Otw na naman kami)

"Sus! On the way mo mukha mo. Madaming naloloko sa 'OTW' na yan. Huwag mo ako isali. Hindi ka pa ata naliligo e. At FYI, mahigit isang oras na po akong naghihintay dito MA'AM)" Sarkastiko kong sagot kay Nichole. Otw daw, ako pa niloko.

(Wow! Pano mo nalaman?? Pwede na! May future ka na best!) - Natatawang sabi ni Nichole na na'a-amaze pa.

"Huwag mo akong pagtripan ah! Pag kayo hindi pa dumadating after 30 minutes, hinding hindi na ako sasama sainyo. Maliwanag??"  Pagtataray ko at sabay baba sa phone. Hindi ko na sya hinayaang makasagot pa para magmukhang totoo ang acting ko. :D

(After 30 minutes)

Pagulong gulong lang ako sa higaan ng may narinig akong ingay sa sala. Andito na ata ang dalawa. Buti naman at sinunod ang sinabi ko. Haha! :D Makababa na nga.

"Aba, masunurin din pala kayong dalawa" Pang'aasar ko sa kanila. Kawawa naman ni Nichole, hindi pa ata nakakasuklay. Halatang halata e.

"OO naman po MA'AM!! Baka magalit pa kayo at maging DRAGON e" Sagot ni Nichole.

"Saan ka galing Nichole? Bakit ganyan itsura mo? Parang dinaanan ng bagyo ang buhok mo" Tanong ko sa kanya na pa'inosente.

"Hahahaha" Maikka.

"Isa nalang Maikka Tse!! Pagtulungan niyo pa ako, lagot ka talaga kay Tito. Isusumbong talaga kita kay Tito! Sasabihin kong lumiko ka sa tamang landas bakla ka!" Pangba'blackmail ni Nichole kay Maikka. Hindi kasi alam ng mga magulang niya na hindi sya straight. Kung sa kanila, lalaking lalaki siya pero pag kami ang kasama, babae pa sa amin.

My First Crush <3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon