21. TWICE and SNSD ft. Lapu-Lapu

134 4 0
                                    


  Yoona- pilosopong estudyante
  Taeyeon- tatay ni Yoona
  Jihyo- teacher
  Nayeon- lola ni Yoona
  Jeongyeon- principal
  Others- estudyante

  Arrangement ng upuan:

1st row:
Seohyun-Tzuyu
Yuri-Dahyun
Hyoyeon-Chaeyoung
Sooyoung-Sunny

2nd row:
Mina-Yoona
Jessica-Momo
Sana-Tiffany

   May sari-sariling mundo ang 12 na diyosa. Oo 12 lang kasi lumiban sa klase ang dalawa si Tiffany at Sana dahil napagusapan nilang mag-date. Samantala sa loob ng klase naroon si Sooyoung sa likuran habang sarap na sarap sa pagkain niya, at ang katabi niya namang si Sunny ayun nag papacute.. ang tatlo na sina Hyoyeon, Dahyun, Chaeyoung ay nagprapraktis na magrap. Si Jessica at Momo naman ay naglalandian at ang dalawa naman na sina Mina at Yoona ay sarap na sarap sa pagtulog. Si Seohyun at Tzuyu ayun nag-aaral, masisipag na mga bata eh. Samantalang si Yuri ayun todo polbo baka daw di siya mahalata nung guro nila mamaya. Hindi inaasahan ay dumating na ang kanilang guro. Nagising ang lahat sa katotohanan at binati ang guro.

LAHAT SILA: Good morning teacher!

TEACHER JIHYO: Okay good morning too class.You may sit down. Our subject for today is History.

YOONA: *sinabi sa sarili* hmmm.. Philippine History?  SISIW!

TEACHER JIHYO: Okay let's start. Who's the greatest Filipino painter? Ikaw Mina.

MINA: Ma'a si Juan Luna po.

TEACHER JIHYO: Good. Sino namuno sa himagsikan laban sa mga kastila? *naghahanap ng sagot ng makita niya ang isang estudyante niya na sobra sa polbo*Yuri.

YURI: Ah... Eh.. Ahmmm.. *binulong ni Dahyun ang sagot* Si.. Si Bonifacio ,si..Bonifacio Ma'am.

TEACHER JIHYO: Good. Sino naman ang utak ng katipunan?  Tzuyu.

TZUYU: Ma'am si Apolinario Mabini po.

TEACHER JIHYO: Very good. Who discover the Philippines? You Seohyun.

SEOHYUN: Ma'am si Ferdinand Magellan, March 13,1521.

TEACHER JIHYO: Excellent . Sino ang pumatay kay Lapu-lapu? Ikaw Yoona. *sabay turo kay Yoona*

YOONA: Aba hindi ako ma'am. Kahit mahirap kami di ko ho magagawa yun.

TEACHER JIHYO: *Pinalo ang mesa ng stick* anong kalokohan pinagsasabi mo?  Ang tinatanong ko sayo kung sino ang pumatay kay Lapu-lapu.

YOONA: Hindi nga ako Ma'am eh!.

TEACHER JIHYO: Pinagloloko mo talaga ako noh?  . Gusto ko makausap tatay mo. I want you to bring him here. UNDERSTAND?!

YOONA: *tumayo* Yes Ma'am .  *le walkout*

    Ayun nga at pinuntahan niya ang kanyang itay sa kanilang bahay.

YOONA: Tay!

TAEYEON: Oh Yoona.

YOONA: Tay ibig po kayong makausap sa eskwela.

TAEYEON: Bakit?

YOONA: Kasi ho itay tinanong ako kung sino ang pumatay kay Lapu-lapu.

TAEYEON: Oh.

YOONA: Ang sabi ko ho eh hindi ako. Ngayon kayo ang gustong makausap. Lagot kayo itayy!

TAEYEON: Aba!  teka teka.. Aba bakit ako?  Lalong hindi ako ang pumatay kay Lapu-lapu. Anong malay ko roon.

YOONA: Itay... Kayo nalang ang pag-asa ko., kinakailangang sumama kayo sakin dahil pag hindi kayo sumama sakin maeexpelled ako kinakailangang magpaliwanag kayo itay.

TAEYEON: Kung kailangan magpaliwanag edi puntahan natin. Halika na.

YOONA: Tara.

    Aalis na sana sila ng napansin sila ng lola ni Yoona

NAYEON: Oh! Aba. May mukha atang may lakad kayong mag-ama?

YOONA: Eh kasi po lola, ibig pong makausap ng teacher ko itong si itay.

NAYEON: Huh?  Bakit?

TAYEON: Inay eto po kasing apo niyo eh pinagbibintangan sa eskwela na pumatay kay lapu-lapu. Eh hindi naman po siya. Eh eto ngat nagpapasama para magpaliwanag kami roon. Kung maari po sana Inay sumama na rin po kayo para magpaliwanag.

NAYEON: Naku!  Kayong mag-ama OO.  Nakita niyong tinatapos ko ang aking ginagansilyo. Kung bakit kasi ayaw niyo pang aminin kung sino sa inyong dalawa ang pumatay.

YOONA AT TAEYEON: Nge!!!  😨

     Ayun nga at nagpunta na ang mag-ama sa eskwelahan

    ---- sa principal office na kung saan naroroon ang principal at ang kanyang teacher

YOONA: Sir eto na po tatay ko.

JEONGYEON(principal) : Ano po bang maipaglilingkod ko sa inyo? 

TAEYEON: Anong maipaglilingkod kayo ang nagpatawag sakin eh.

JEONGYEON: Hm pinatawag?

TEACHER JIHYO: Ma'am ako po ang nagpatawag.

YOONA: Oo nga po Ms. Principal. Pinagbibintangan kami na kami raw ang pumatay kay Lapu-lapu.

TAEYEON: Kahit tignan niyo po lahat ng pulis record. Malinis kami. Wala pa kaming napapatay.

YOONA: Ngayon kung ipinagpipilitan niyong kami ang pumatay kay Lapu-lapu baka ngayon lang kami makapatay ngbtao and you will have a dangerous life.

TEACHER AND PRINCIPAL:                                      O_____O

--------------------

Base sa na panood ko haha..ginawan ko lang ng scenario.. Dami ko tawa..  😂😂😂😂 sana naenjoy niyo haha..

Thanks for reading 😘😘😘😘

TWICExSNSD SCENARIOSWhere stories live. Discover now