23.MINA,TIFFANY,JIHYO ft. ANG KULIT

105 3 4
                                    

Mina as anak
Tiffany as nanay
Jihyo as lola

Galing ng trabaho si Mina at pagod na pagod siya..

MINA: Magandang gabi po nay!

TIFFANY: Oh Mina, kamusta naman ang trabaho mo?

MINA: Masama po eh.

TIFFANY: Edi mabuti

MINA: Eh masama nga po eh.

TIFFANY : Ang ibig ko sabihin kahit masama ang trabaho mo eh mabuti't walang nangyari sayo.

MINA: Ah.....nay may problema po ako eh.

TIFFANY: Ano ba problema mo?

MINA: Eh malapit na po kasi yung enrollment.

TIFFANY: Edi magpaenroll ka.

MINA: Nay pag nagpapaenroll po kailangang magbayad.

TIFFANY: Edi magbayad ka.

MINA: Pag nagbabayad kailangan po ng pera.

TIFFANY: Ah. Yun ang wala ako.

MINA: Nay pag hindi ako nakapagbayad, hindi ako makakapag-aral.

TIFFANY: Edi wag ka mag-aral.

MINA: Ngek! Nay naman eh!

TIFFANY: Problema ba yun.

MINA: Kayo problema eh 😭😭😭 *le walkout punta sa salas*

MINA: Pambihira naman oh! *le kamot sa ulo*

JIHYO: Oh.. Eh ano na naman ba iyong naririnig kong diskusyon niyo ng nanay mo?

MINA: Eh lola malapit na po kasi yung enrollment.

JIHYO: oh edi magenroll ka.

MINA: Pag nagpapaenroll ho kailangan po magbayad.

JIHYO: edi magbayad ka.

MINA: Pag nagbabayad ho kailangan ng pera.

JIHYO: Eh wala rin akong pera.

MINA: Pag walang pera hindi ho ako makakapagaral.

JIHYO: Huwag ka mag-aral.

MINA: Ngeekkk... Mag ina nga kayo.. Ang kulit, ang kulit, ang kulit..

---------------------

Good to be back.. Annyeong 😊

Minari 😍

Thanks for reading 😘😘😘

TWICExSNSD SCENARIOSWhere stories live. Discover now