Book II-2 The Meeting

78.8K 974 74
                                    

2

****

Nasorpresa ang Papa at Kuya Carlos niya nung dumating sila ni Elvin sa Kidapawan. Nakilala naman nila ang binata sa Canada at wala naman silang comment rito at isa pa, alam naman ng nila na kasama niya ang binata sa pag-uwi kaya ok lang.

“Kung hindi pa pala ikakasal ang kaibigan mo, hindi ka pa pala uuwi ,Candice?” May himig tampo pa ang Kuya Carlos niya.

“Parang ganun na nga Kuya. Ang guwapo mo ngayon ah. Mustang lovelife?” Wala kasi siyang nababalitaang girlfriend nito, alam naman niyang good catch ang Kuya niya, guwapo, macho, may pera, lahat na! Ano pa baa ng hahanapin ng mga babae sa kanya?

“Zero.”

“Ows? Hindi naman halata ah.”  Asar niya.

“Kararating mo lang, aasarin mo na ako? Kayong dalawa, kumusta naman kayo? Kailan kayo maghihiwalay?” Asar naman nito sa kanya. Ni hindi na nahiya kay Elvin na ewan ba niya pero kanina pa weird ang pagkakangiti.

“He-he-he. Hindi kami maghihiwalay, magdadalawang taon na nga kami no, mas matagal pa kung tutuusin sa naging relasyon naming ni…” Shit! Bakit ba nasabi niya yun.

“Talaga lang ha? No comment.”

“Kayong mga bata kayo, wala pa ring pinagbago.” Saway ng Papa niya. “Ikaw Candice, ihatid mo na nga sa guest room si Elvin nang makapagpahinga na.”

“Yes Papa.” Niyakap muna niya ang ama bago sila pumanhik ni Elvin sa guest room.

Inihatid niya si Elvin sa magiging kuwarto nito. Pagkasara na pagkasara pa lamang ng pinto ay agad na itong nagreact.

“Juice ko na fresh! Malapit akong himatayin sa kaguwapuhan ng Kuya mo Babe! Tumayo yung….nipples ko.” Pumipilantik pa ang mga daliri nito.

“Ang landi mo! Sige ka, pag tayo nabisto rito, wala ka ng Babe, at lahat ng kamag anakan mo rito isusumpa ka!” Pananakot niya rito.

Natahimik ito. Bakla naman kasi si Elvin, kaso closet king, hindi nito kayang magladlad, kasi naman, lahat ng apat niyang kapatid lalaki, lahi sila ng mga sundalo at pulis, walang bakla sa pamilya, sino ba naman ang hindi magtatago ng tunay na pagkatao. Pero sa totoo lang, nakakaawa ang sitwasyon nito. Hindi madaling pigilan at itago kung ano at sino ka talaga.

“Ikaw naman, alam mo namang crush ko yang Kuya Carlos mo.” Matagal na nitong idineklara na may gusto ito sa Kuya niya, noong nasa Canada pa lamang sila. In fact, may ninakaw pa nga itong picture ng kuya niya, pinagpapantasyahan niya raw sa gabi.

“Alam ko, pero wag na wag kang papahalata.” Warning niya rito, mahirap nang mabisto silang dalawa.

“helllooooo! Sa tagal kong nagtatago, may nakahalata ba?”

The Bestman's GirlfriendOù les histoires vivent. Découvrez maintenant