MFIAV SEVENTEEN

9.8K 303 1
                                    

-17-

GILES

(GABRIELLA POV)

Nandito na ako ngayon sa school, yung uniform, pinahiram ako ni ate Liz. Mayaman naman siya at ngayon naglalakad ako sa hallway na para akong zombie... In short kulang ako sa tulog.

"Ms.Anderson I'm sorry pero bawal po ang pagsusuot ng sunglasses dito." Sabi naman bigla nung... Sino ba ito.. ah, si Ma'am Jobelle.

"Ok po." Tapos tinanggal ko na ung glasses ko bigla siyang tumawa... Kaya nga ako nag glasses para 'di ako pagtawanan eh.

Iniwan ko na siya doon dahil nga badtrip ako kaya nakayuko akong pumasok sa room ko at tahimik na naupo sa aking upuan.

"Hello gab-" Tawang tawa si Charles sa itsura ko kaya nag sitinginan ang ibang v4 at nagsitawanan at napukaw nila ung atensyon ng ibang studyante kaya napatingin ung iba saakin at nag sitawanan.

"Anyare sayo?!" Tawa lang sila ng tawa at dahil nga naaasar na ako sa kanila...

"Subukan niyo lang 'di tumahimik... Pagsisisihan niyo." Sabi ko ng sakto lang yung lakas para marinig nila, bigla silang nag sitawanan ng mas malakas.

"Ahaha- hala?! Asan ung eyebags mo?!" Nagtatakang sabi naman ni Luke nung tinignan niya ako...

"Sandali lang parang naamoy ko ung... Vampire princess." Sabi naman ni Charles gawa para tumahimik at mag sisinghutan ung mga gago kong kaklase.

"Oo nga naaamoy ko." Sabi nung isa kong kaklase at dahil wala akong pake yumuko lang ako.

"Hello students!" Napataas ang ulo ko ng makita ko ung teacher naming tamad.

"Simula ngayon magtuturo na ako." Sabi naman niya gawa para mag bigay ng mga violent reaction ang mga tamad kong kaklase.

"At may bago kayong kaklase... Please come in." Sabi naman niya tas biglang pumasok ung lalaking may dark aura teka nga lang... Siya si...

"OH BITCH PLEASE.."

(LUKE POV)

Tumahimik na nga ng dumating ung teacher tapos may isang lalaki na kasama ung teacher namin.

"OH BITCH PLEASE." Rinig kong sabi ni Gab dahil nagpalit kami ni Matt ng upuan.

"Hello everyone I'm Giles Lew and I'm going to be your new classmate." Sabi niya then tingin kay... Gab na nakangisi.

Tinignan ko naman si Gab, ung mukha niya yung parang gusto na niyang pumatay ng buhay.

"Ok humanap ka na nang upuan mo kahit saan." Sabi naman ni Ma'am sa kanya.

"Gusto ko pong umupo doon." Sabay turo niya sa upuan ni Ace, patay.

"Ahh, kuya may nakaupo na dyan." sabi ko naman sa kanya dahil baka ma-beast mode si Ace.

"Wala na-"

*boogshs*

(GABRIELLA POV)

Napatingin lahat sa may pintuan at ang dumating lang naman ay ang late na si Ace Smith no.-__-

Umupo na siya sa upuan niya at tumingin dun sa harap kung nasaan si Giles. (jiles)

"Nandito na siya kaya humanap ka nalang ng iba mong upuan." Nakangisi ko namang sabi at mukha naman siyang naasar kaya nag kulay pula ung mata niya.

"Edi dyan nalang ako sa upuan mo." Sabi naman ni giles kay Luke.

"Kitang may nakaupo na papaalisin pa." Sabi ko naman dahil naasar ako sakanya sarap niyang ihagis sa pacific ocean.

"Sinabi naman ni Ma'am na kahit saan." Sabi niya sabay baling sakin at ngisi... PAKYU!

"Psh, dito ka nalang sa upuan ko ako nalang ang lilipat, parang bakla putak ng putak." Sabi ko nalang dahil napipikon na ako antagal mag start.

Lumipat ako doon sa pinakadulo kung saan wala akong katabi which is gusto ko at dito ung tutok ng aircon.*_*

So ayun nga, tinignan niya ako ng masama at naupo doon sa upuan ko.

"Ok since ngayon magtuturo na ako, dapat lagi kayong mag aaral dahil mahilig ako sa sorpresa." Sabi naman niya,

"Ok..."

At ayun nag turo na siya magaling pala talaga siyang magturo dahil pag nag se-self study ako andami pang mga solution para makuha ung sagot pero ito, hindi kahit isang solution lang.

Pagtapos mag turo ni Ma'am ay nagsiunahan na magsilabasan ung kaklase ko ung iba parang wasted na wasted.

"Gab can we talk?" Sabi naman ni kupal.

"No." Sabi ko, bala siya manigas siya hampasin ko siya eh.

"Gab naman." Sabi niya sabay hawak sa braso ko.tumingin ako sa paligid at sakto na tumayo si Ace at dinala ung bag niya, hayss kain pride na naman.

"Baby Ace!" Tawag ko naman sakanya sana lang please... Pagharap niya mukha siyang nagulat pero nawala rin at ngumiti ng nakakaloko.

"Oh, baby Gabby ko?!" Sabi naman niya shet bakit parang... Kinikilig ako?

"Baby Ace naman sabi ko hintayin mo ako." Sabi ko naman sakanya at alam kong halos masuka na ako sa letcheng endearment.

"Ahhh, sorry baby Gabby." Sabi niya naman habang naka ngisi shit bakit ba ang gwapo nito.

"Psh, kala mo maniniwala ako huh? Ako lang naman ung minahal mo ng todo." Sabi naman niya 'di ko alam pero parang gusto kong pumatay dahil sa sinabi niya.

"Tsaka nakalimutan ko sino ba ang papatol sa SLUT?" Sabi naman niya grabe below the belt na yun ah.

Sinampal ko naman siya na halos ikabingi niya... 'di ako nasasaktan nagagalit ako, yun ay dahil all those time ganon pala ang tingin niya sakin.

"Ace-" Napatingin ako sa gawi nila Matt, Luke at Charles na mukhang tinatawag si Ace, pagtingin ko sa mga mukha nila para silang nagulat na natatakot sa itsura ko.

Tinignan ko naman si Giles ngayon na nakangisi parin nakatingin sakin na mukhang nagwagi sa isang patimpalak.

"Tandaan mo to Giles, lahat ng sinabi mo ngayon ay pagsisisihan mo." Sabi ko sakanya at umalis, 'di ko alam pero nakangisi ako. Natatakot na talaga ako sa sarili ko.

Napapalingon sakin yung mga studyante at mukha silang takot na takot sakin, 'di ko alam basta lumawak ung ngisi ko.

"Hoy slut!" Sigaw naman sakin ni... Chloe. Kinabahan ako dahil 'di ko alam kung paano ko nalaman ang pangalan niya, bigla nalang niya ako sinampal.

"Para yan sa pangaagaw mo sa v4." Lalagpasan ko na sana siya dahil baka 'di na ako makapagtimpi. Pero hinila niya ung buhok ko na halos sumakit ng todo ung anit ko at binigyan pa ako ng isang sampal sa kabila.

Bigla naman akong hinawakan ng mga alagad niya at simpal pa ulit.

Hindi ko alam pero pagmulat ko nakahilata na ung dalawang babaeng alagad niya tapos may dugo sila na lumalabas sa bibig nila. Marami na pala ang nanonood.

"Huh, an-anong g-ginawa mo s-sa k-kanila?!" Utal-utal na sabi niya mukhang nasindak na.

Tinitigan ko siya at sinampal. Nagulat ako dahil may lumabas na dugo sa kanyang bibig.

Tinitigan ko na naman ito at napaaray ito dahil parang may nabaling buto sakanya.

"Gab!" Napatingin naman ako sa likod ko at ang huli ko nalang nakita ay ang buong v4 bago ako mawalan ng malay.

---

AslainieBali donnamaescastro ruffandanao CatrinaMarino aceprincess_24 JeonNalu11 Wolfy_woof



MY FIANCE IS A VAMPIRE(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon