MFIAV FOURTY-THREE

6.9K 174 34
                                    

-43-

(GABRIELLA POV)

Pag pasok ko sa loob ng classroom ay namayani ang katahimikan na para bang pag nagsalita sila ay mawawalan agad sila ng buhay,dahan dahan akong umupo sa dulo which is ung nilipatan ko na malapit sa aircon.

"hello classmate!!"isang napaka tinis na boses ang namayani sa buong silid at ung mga kaklase ko naman ay di man lang bumati,imbis ay nag siyuko ang mga ito na parang di alam ang gagawin at kung sino ba talaga ang kakampihan.

Pero tinignan ko ang likod ng mga kaklase at transparent ang nakikita ko para alam ko kung anong mangyayari dahil kailangan ko itong imbistigahan.Bigla ko nalang napansin na parag may transparent nausok at kulay kahel ito na bumalot sa mga mata ng studyante ,bigla nalang silang nagsitayuan at bumati kay louisa.

NOW I KNOW

hindi ko naman mapigilan ang hindi mapangisi sa ginagawa niya ,all this time she is just a trying hard b*tch who wants attention.Pero wala namang bumalot na usok sa mata ni ace pe-  well maybe i just need to trust him.

but what if trusting him can bring me to danger?i dont know what to do.

"trust.."

yeah,i just need to trust pero subukan lang niyang magkamali at magsisise ka talaga.

"oww,hello gab!"bati ni bruhilda,pero dahil isa akong mabait at maunawaing ASAWA i'll just go with the flow. "hello louisa!!"hyper na bati ko naman sakanya at saktong pagbati ko sa kanaya pumasok si zian at kasabay nun ang pagkawala ng kahel na usok sa mga studyante.

"hello zian!!"bati naman ni louisa kay zian kaso nilampasan lang siya neto at hinila ang isang upuan papunta sa dereksyon ko. "hello gab!"nakangiting wika namn ni zian sakin na may kaway pa at bilang isang mabait na childhood friend nginitian ko rin eto,napadako naman ang tingin ko kay ace na nakatiim banggang na nakatingin sa dereksyon namin.

hayss kung assuming ako iisipin ko na nag seselos ang magaling kong asawa.

and with that nawala ang talim ng tingin neto at tumingin sa lapag na para bang may pinipigilan na ewan.

NATAPOS ang klase namin na para bang nagdedebate pa kami ni louisa sa mga sagot ang kaso nga lang tahimik siya nuong math time namin kaya hindi namin mapigilan ni zian na mapahagikgik sa dulo,si ace naman laging tinatapunan ng masamang tingin si zian habang si zian umiirap lang na para bang bakla.

"gab,anong gusto mo?libre kita."nagbuyi naman ang bulsa ko sa sinabi ni zian,ngayon naman ay nandito kami sa cafeteria hindi sana ako sasama kaso baka makita ko dito sila mia para makausap ko sila.

"uhmm,2 slice of pizza,2 honey glazed donut,iced coffee at 3 spicy chicken wings."nakangiti ko namang bangit sakaniya pero ung muka niya parang nagugulat dahil sa pinagsasabi ko. "gab kumakain ka ba talaga ng ganon kadami?ampayat mo oh!"naiiling na sabi niya bago niya ako iwan at umorder.

Nagpalinga-linga muna ako ng may mahagip ang aking mata.

"huxley.."bulong ko pero parang narinig niya dahil napatingin siya saakin ng bigla nalang siyang tumakbo palabas ng cafeteria kaya agad ko naman itong sinundan.

Pag kalabas ko ay nawala na siya ng tuluyan kaya ipinilig ko nalang ang aking ulo pero,napatayo ako ng tuwid ng makita ko ang v4 na kasama sina rose,agad naman akong pumunta sa kanila.

Napatigil naman ako ng makita ko ang aura nila,napaka lalim ng iniisip nila para mapansin nila ako kaya ako na ung lumapit sa kanila.

"rose!!"dahil siguro sa sigaw ko kay rose hindi lang si rose ang nagising sa pagmumuni-muni kundi silang lahat. "bakit kayo magkakasama?"habang tinitignan ko sila isa isa ay napadpad ang tingin ko kay mia.

"we'll just explain it later."sabi namn ni matt tsaka hinila si mia papuntang canteen.anyare dun? "Uyy ano bang nangyari?" Tumingin naman ako kay rose at parang siya ay di rin alam.Isa isa na silang nagpaalam sakin at umarte pa si luke na nasasaktan kase wala siyang ka partner kaya niyaya niya ako,pero binatukan ko lang siya tsaka pumunta sa loob para kunin ung pagkaing nilibre saakin.

"Gab san ka galing?"takang tanong ni matt ng makaupo na ako sa upuan. Tinignan ko lang sila mia at alam kong naintindihan niya ang gusto kong ipahiwatig. "Maraming salamat sa libre,bawi nalang ako sayo sa susunod ah kaylangan ko na kaseng umalis." Nakangiti kong bangit kay zian at agad naman akong pumhnta sa may rooftop.

Hindi ko alam kung baket pero feel ko lang talagang pumunta dito. Bigla nalang lumakas ang ihip ng hangin sa hindi malamang dahilan ay napatingin ako sa likod ko at nakita ko nanaman si huxley na kumakain ng chocolate.

"Huxley!!pengeee!" Sabi ko naman sa kanya at agad na umupo sa tabi niya. Tumingin siya saakin at agad akong inirapan. "Dami mong pera di ka makabili ng chocolate mo?" Sabay kagat sa dala niyang chocolate. Ngumuso ako at nag puppy eye sakanya,umirap nalang siya tsaka binigay saakin ung chokolateng dala niya.

"Eh bat ang sama ng loob mo ba ibinigay mo ito saakin?" Dahil hindi ako tumatanggap ng bigay na may sama ng loob. "Nag taka ka pa eh masama naman talaga loob ko! Ikaw kaya kumakain ng masarap tas biglang may nag hihingi?ginagago mo ba ako!?" Napairap nalang ako sa haba ng speech niya.

"Oo nga pala anong level ka na?bat parang di kita masyadong nakikita dito?" Saad ko sabay kagat sa hawak kong tsokolate.

"3rd year college na ako." Nakatingin sa kawalan na sabi niya. "Eh bat parang wala naman akong nakikitang ibang college level bukod sa 1st and 2nd year college?"

"Dahil ang 3rd and 4th college ay parang medyo tago kami sainyo, i mean parang ibang lugar ung amin sa inyo pero taga smith parin kami." Hindi ko masyadong naintindihan ang sinabi niya, at dahil isa akong matanong na dilag.

"Sa smith kayo pero sa ibang lugar kayo?"

"Basta malalaman mo rin yun kapag nag 3rd year ka na,bawal munang sabihin ung ibang detalye." Sabay agaw niya saakin noong chocolate.

"Nga pala diba bampira ka?anong kapangyarihan mo?"saad ko sa kanya at inagaw ko ulit yung tsokolate.

"Hangin." Simpleng saad niya at inagaw ulit ung tsokolate saakin.

"Eh bat ikaw lang ung 3rd year college na andito asan ung iba?"

"Na pupurga na utak ko duon kaya pumunta ako dito, tsaka pumupunta sila dito kapag may liga siguro mga 5th week mag kakaroon ng liga dito." Duon na kumunot ang nuo ko.

"Nag babasketball kayo?"

"Hindi sa ganong liga,ang liga kase dito laban ng kapangyarihan parang kame ung mag tra-train sa kapangyarihan niyo at pag natuto na kayo kakalabanin niyo naman kami. Sakto lang ang lebel niyo dahil ang mga 4th year highschool lang ang nakaka experience non." Hindi ko mapigilang hindi mapatango sa sinabi niyang pagka haba-haba.

---
Uwian na kaya agad akong lumabas sa aming klase dahil gusto ko ng matulog. Akmang sasakay na ako sa sasakyan ko ng biglang sumulpot si ace sa kung saan man.

"May kailangan ka?"malamig na sabi ko pero ang totoo ay sasabog na ang puso ko sa sobrang kaba.

"Partner mo daw ako sa prom sabi ni mommy." Sabi niya ng walang emosyon din.

"Ok." malamig ko uling sabi.

"I'll just get you in midnight." Sabi niya, agad naman akong pumasok sa sasakyan ko at sinara ang pinto ng sasakyan ko at laking gulat ko ng makita ko siya sa loob ng sasakyan ko.

"por cierto cariño, sé que estás nervioso." He said and give me a kiss on my lips.

------
Search niyo nalang po sa google translation niyan ahahahahaha. Sorry po sa hindi pag u-update may sakiy po kase ako tas nabinat pa ako kakatawag sa teacher ko kase di po ako pinapansin ahahahahhahaha. Thanks sa support lab uuuu!!

-author mo'to

MY FIANCE IS A VAMPIRE(Completed)Where stories live. Discover now