MFIAV FOURTY-FIVE

6.3K 152 13
                                    

-45-

(GABRIELLA)

Andito kami ngayon sa may arena at ilang araw na ang lumipas at parang nag iiba na ang kaugalian ng mga studyante ng smith, dahil na rin siguro sa mga 3rd year college na nag tuturo saamin ng mga skills.

Ngayon na rin ang laban ng mga studyante.Ang unang mag lalaban ay ang mga 3rd year na mag papakitang gilas at sunod naman ay ung mga nag turo at mga 4th year, at oo makakalaban ko si huxley dahil dito. Sunod naman ay ang mga studyante ang mag lalaban una ay babae laban sa babae sunod ay babae at lalaki.

At kung sino man ang matira ay makakalaban ni ace, at kung sino man ang manalo sa laban nila ace ay makakalaban ang ate niyang si crystal.

"Ok, hello students of smith university!!" Napadako ang lahat ng atensyon sa ate ni ace na nag sasalita habang nakasuot ng pang combat.

"I'm crystal smith and i hope you all know that, so pinaglalaban namin kayo para makontrol niyo ng maayos ang inyong kapangyarihan."

"And don't be scared, marami tayong enchantres jan na handang gumamot sainyo in every situation." Pumalakpak ito ng isa at ngumiti.

"So let the battle begin!" Sigaw niya gawa para magsigawan ang istudyante maliban lang siguro saaming mag kakaibigan.

Dahil hindi pa ako nakakapag palit ay lumabas muna ako ng arena at nag suot ng fit na pants na itim at itim na longsleeve na fit din .

Kumuha ako ng parang belt duon na isinasabit sa hita para malagyan ng mga dagger o kung ano mang armas na maliit.

Itinali ko ang buhok ko at nag hilamos bago tumingin sa salamin, at napunta na agad ako sa arena dahil gumamit ako ng portal.

"students, ang gagawin lang ng mga 3rd year ay mag pakitang gilas pero hindi nila kakalabanin ang isa't-isa. Umpisahan na natin ang pagpapakitang gilas!!" magiliw na saad naman ni ate crystal.

may lalaking pumunta sa gitna na kulay abo ang buhok.

"hi everyone, i'm ashrid and i can control the metals." pagkasabing pagsabi niya non ay kumindat muna siya gawa para mag si-tilian lahat ng babae, kasama don sina rose at mia pero hindi ako tumili kase di ko siya type.

bago pa makapagpakitang gilas si ashrid ay may bumalot dito na kulay puti, pero kita parin namin kung anong nasa loob.

kinumpas ni ashrid ang kanyang kamay at bigla nalang may lumabas na metal, pumitik siya at bigla nalang na hubog ang metal sa isang babae.

Agad naman kaming napatingin lahat kay rose dahil siya ung babaeng nakahubog sa metal. Nakita ko ang pagtagis ng baggang at pag dilim ng mukha ni charles na para bang nagpipigil pa ng galit, pero lulamlam ito ng hagudin ni rose ang braso ni charles.

umalis na ang lalaking nag ngangalang ashrid at sunod-sunod na nag pakitang gilas ang mga 3rd year college, hanggang sa may lalaking itim na itim ang buhok gawa para tumingkad lalo ang maputi nitong balat . Napatingin saakin ang lalaki na para bang hinahalukay ang buo kong pagkatao, hindi ako nag a-assume pero parang saakin nakatingin ang lalaki.

"i'm almus and i can control fire." sabi niya at bigla nalang nagliyab ang kulay puting bumabalot sa arena na inilagay para maprotektahan ang mga studyante mula sa mga maglalaban, napatingin ako sa dereksyon ni ate crystal na ngayon ay nakakunot noong nakatingin kay almus.

Pag tingin ko kay almus ay nakatingin na siya kay ate crystal habang nakangisi ito. Pagtapos masunog nung puting bilog na bumabalot sa arena ay umalis na agad ang lalaki.

"o-okay students, let's start the battle between 4th year high school and 3rd year college." medyo nauutal na sambit ni ate crystal, may bumalot na-namang puting bilog sa arena.

unang lumaban sa arena ay si ashrid at charles, kumumpas lang si ashrid at nag sitamaan ang mga bakal sa kanya pero nasasalag naman niya ito, bigla nalang may lumabas na bakal sa ilalim ni ashrid at tumama ito sa pagkakalaki neto gawa para mapa-igik siya sa sakit.

madilim na mukha ni charles ang sumalubong kay ashrid na napapaluha na sa sakit, bigla nalang may bakal na patungo sa ulo ni charles pero ang bakal na iyon ay napipi at naging hugis bilog na nalaglag sa sahig.

matapos ang kanilang laban ay nag laho silang dalawa na para bang bula at napalitan ito ni louisa at nung lalaking nag ngangalang almus.

Bigla nalang may apoy na pumaligid kay louisa at para bang sadya itong iniipit sa gitna, dahil na rin siguro sa kapangyarihan ni louisa na kumontrol ng mga bagay-bagay ay napigilan niya ang apoy at ang apoy naman ay sumugod kay almus pero pagdating kay almus ay nawala ang apoy.

tumitig si louisa sa mga mata ni almus ,bigla nalang napaupo si louisa at umiyak habbang nakahawak sa may bandang dibdib niya. Si almus naman ay nakangisi lang na nakatingin kay louisa na mukhang nahihirapang huminga.

Nakita ko si ace na pumasok duon sa loob habbang tinatapik-tapik ang pisnge ni louisa. Ansakit tignan na parang ako pa ung panggulo sa kanilang dalawa,they look so sweet together. Kumapit ako ng mahigpit sa upuan ko para duon ko nalamang ibuhos ang galit ko pero mukhang hindi pa sapat ang pangigigil ko sa upuan kayo ipinikit ko nalang ang mata ko kase parang nandidilim ang paningin ko.

Pag mulat ko ay wala nang tao sa loob ng arena. Agad kaming pumunta ni huxley sa loob ng arena, hindi ko alam kung paano sisimulan ang aming laban dahil ayoko naman siyang saktan kaya habang tumitira siya ay iwas lang ako ng iwas sa mga tapon niya.

"Gab labanan mo kase ako." naasar na wika naman ni huxle pero ipinag sawalang bahala ko nalang yon at umiwas ng umiwas.

Hanggang sa hindi ko inaasahang mangyari ay bigla nalang ako nahirapan huminga, gawa para hindi ako makaiwas at may tumamang dagger sa may bandang hita ko gawa para mapasigaw ako.

nanlalabo na ang mata ko dahil sa luhang dulot ng pag hirap sa paghingga at dahil sa sakit ng dagger, dahan dahan kong inabot ang dagger saaking hita at hinila ko ito.

Nakita ko na kumukuha ng panibagong dagger si huxley, dahil yata sa situation ko ay naunahan ko siya sa pag kuha ng dagger at naihagis ko sa kanyang balikat gawa para mapaigik din siya.

Pilit kong hinahabol ang hangin para makahinga ako ng maayos pero patagal ng patagal ay nahihirapan na ako sa paghinga, hindi ko alam kung baket pero napadako ang aking mata sa may taas kung asan nakapwesto si ace na nakatingin saakin habang  kayakap niya si louisa na nakangisi saakin ngayon.

may naramdaman akong dagger na tumama sa aking tyan at braso kaya lalo lamang aong napaiyak.

Bakit ganon pag si louisa na yung delikad ay pupuntahan niya talaga pero pag ako, kaylangan ko pa bang mamatay para lamang puntahan niya?

hindi ko alam pero may naramdaman akong dagger na papalapit saakin pero gumawa ako ng bilog na yelo na nakapalibot saakin, dahan dahan kong tinanggal ang mga dagger at ang hininga ko ay bumabalik na sa normal.

Tinanggal ko na yung yelo na nakapalibot saakin at pag tingin ko sa labas mga nasa 10 dagger ang papalapit saakin pero pinatiggil ko ito gamit ang aking yelo at binalot si huxley sa yelo, baka kase mas lalo ko pa siyang masaktan.

pag tingin ko sa taas ay ang malamig na titig ni ace ang sumalubong saakin pero inirapan ko lang ito.

-----

THREE EVENTS TO GO AND WE ARE DONE.

HAPPY NEW YEAR MGA BESHIEE LATURSS NA UNG NEXT UPDATE.

-AUTHOR MO'TO





MY FIANCE IS A VAMPIRE(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon