chapter21

24.1K 583 4
                                    

Carla....

Patakbong nagtungo ako sa banyo dahil sa nakaramdam ako ng pag halukay ng aking sikmura,nanlalambot na napasubsob ako sa bowl at duon inilabas ang lahat ng malapot na laway na inilabas ko.


Ilang linggo na ba akong ganito?, halos tatlong buwan na atah at ang masaklap pa nyan ay apektado na ang trabaho ko dahil sa palaging masama ang pakiramdam ko ay tinatanggihan ko na ito at pati ang manager ko ay aburido narin.


Hinang hina na napalupasay ako sa sahig at tinatantya ang sarili,baka kasi matumba ako kung biglain ko na tumayo,bakit ganito ang sama talaga ng pakiramdam ko.



Nang makabawi sa panghihina ay tumayo ako ng dahan dahan at nagtungo sa kama ko,at pinakiramdaman ang sarili wala naman masakit sa akin maliban sa nagsusuka ako at medyo nahihilo,marahil sa tindi lang ng pagod ito.

Madalang ako magkasakit pero malala naman, pabuntong hininga akong napatitig sa kaharap kong salamin,namumutla at medyo namayat nga ako,napahawak ako sa makinis kong mukha at sinuri iyon ang panget ko na..kausap ko sa sarili ng biglang tumunog ang cellphone kong nasa bedside table.


Hello?, sagot ko habang ang nasa kabilang linya ay nagdadakdak na,Carla?! Ano ka ba! May shooting ka today asan ka na ba?! Galit na sigaw ni Edna,oo nga pala may shooting ako ngayon sa isang pelikula at nakalimutan ko ito.


Stop shouting Edna,hindi ako bingi!! Galit na sigaw ko rin rito at dahan dahang tumayo,para mag ayos at pumunta sa lugar kung saab ang shooting,natahimik naman ito at alam kong pinakikiramdaman lang ako nito.

Sorry bakla..oh sya wait kita rito ha? Ingat ka..malambing na sabi nito marahil ay alam na nito ang sasabihin ko dahil pag ako sinumpong hindi na naman ako sisipot sa shooting.


Umirap ako kahit hindi ko kaharap ito,umayos kang bakla ka ha?! Baka gusto mo bunutin ko lahat ng buhok sa katawan mo? Pati dyan sa baba mo?! Inis na sabi ko rito.


Aiy!! Maawa ka naman gurl! Iniingatan ko lahat ng buhok ko sa katawan,sabi nito bago pa sya ngumawa ulit ay pinatay ko na ang tawag nito at nagtungo sa banyo.



Nang mahubad lahat ng saplot sa katawan ay sinimulan ko ng linisin ang buo kong katawan,napansin kong medyo umbok ng konti ang puson ko pero hindi ko ito pinansin,nanaba ba ako? Pero mukha naman ako nangayayat,ay ewan magdadiet nalang ako nito.

Nang matapos gumayak ay nagmamadali akong bumaba at halos patakbong lumabas,nakita ko si mommy na nag didilig ng halaman kaya kumaway nalang ako rito at sumakay sa sasakyan at agad na pinasibad ito.



Nang makarating sa Lugar ay agad na sumalubong sa akin ang mga staff at syempre ang manager kong haliparot na over sa ngiti at nagpapakulo ng dugo ko.



Sa wakas dumating din ang anak ko!!! Sigaw nito sabay beso sa akin,inirapan ko lang ito at nagpunta sa pwesto ko para ayusan ako,akala ko hindi kana darating gurl.. sabi nito.


The Amazona's Series2:Carla MedinaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon